My CPA Story by Jennie Rose Tubia
-
paul of Others
I graduated last 2011. Nagreview ako sa CPAR, I think it was June 2011. Nakatatak na sa utak ko na mageexam ako ng October 2011. Unfortunately hindi natuloy kasi nagkaproblema ako sa birth certificate ko. I have to give up kahit mahirap sa loob ko coz I have no choice. Dun sa CPAR ko din nakilala yung boss ko sa unang trabaho ko. Natapos ko ang first pre-board exams nun. I still remember my scores back then. 50 to 60 something lang ang grades ko sa lahat ng subject, wala man lang line of 7. After that hindi na ako pumasok sa review kasi sabi ko saying lang oras ko hindi rin naman ako makakapag-take kaya nagwork nalang ako.
Last year, nakita ko yung mga posts ng bagong CPAs sa facebook. I then realized na gusto ko ulit magtry, namotivate ako. So nagplan na ako na magtake ng board exam on 2016. It was do or die kahit namomroblema pa ako sa review fee. Last Feb 2016, I was contacted for an interview. Hindi ako nag-apply kasi may work pa ako that time, malamang nakita lang nila profile ko sa Jobstreet. Nagtry ako. Habang kausap ko yung CEO, tinanong nya ako kung CPA na ko. Sabi ko hindi pa kasi nga may problema sa birth certificate ko. Bigla nyang sinabi, na nagpoprovide sya ng educational assistance just in case na ma-hire ako at maisipang magreview for CPA. Natuwa ako pero hindi ako masyadong umasa na matatanggap ako sa position. Few days after may natanggap akong email, natanggap ako sa inaplayan ko. Few months after desidido na ko magreview. Sa CPAR ako ulit nagenrol, weekend ang kinuha kong schedule. By that time 3 trabaho ko, empleyado sa umaga, estudyante sa gabi, nanay sa madaling araw. I have a 2 year old baby girl. Sobrang pinagkakasya ko oras ko para lang wala akong ma-miss sa lessons ko. Wala na kong pahinga. Swerte parin ako kasi once lang ako nagkasakit at wala akong absent sa review. I alloted 5-6 hours a day to answer my test materials and the next lessons. Nung June nagkaproblema ako kasi lumipat ang office namin sa Ortigas. Kaylangan ko magdagdag ng 2-3 hrs sa byahe ko dahil sa trapik so mababawasan ang oras ko ng review. Kinausap ko ang boss ko kung pwede ako mag-loan para pang renta dito sa Ortigas para atleast pagtapos ng trabaho ko makakapagreview ako ng mahaba habang oras. Nung una hindi sya pumayag so ako tinanggap ko na naman na hindi na naman ako matutuloy sa pag-take ng CPA exam. Pagkasabi ko sakanya na hindi na ko tutuloy sa review, nagiba ang isip nya at pina-loan ako.
So ayun nga… dun nagsimula yung signs ko. Kinutuban na ako na baka eto na yung right time ko. Mahirap magfocus nun kasi every Friday lang ako umuuwi samin para makasama ang anak ko. Pag Monday balik ako ulit sa dorm. I stayed in Ortigas for 2 months. Nanghingi ako ng sign kay Lord. Sabi ko kasi kung hindi ako makakapasok sa Top 150 ng CPAR sa preboard hindi na muna ako magtake ng board. Yun na kasi ang assessment ko sa sarili ko.
To my surprise, nakapasok ako sa Top 150 both in first and final preboards. So ayun na nga hanggang sa umabot ang Oct 20 na nareleased ang resulta ng board exam, nandun ang pangalan ko. Gusto ko lang sabihin sa mga CPAs in transit na wag sumuko. Hindi ibig sabihin na nag-fail ka sa una e wala ng pagasa sa dulo. Lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari.
Let’s just wait for your right time. Na-realize ko nga kung nagpursue ako magtake last 2011 malamang hindi rin ako papasa kasi nga mababa ang grades ko sa preboards ko. Given na bagong graduate pa ko nun ha. J Na-realiize ko din na para talaga ako sa Accounting kasi nung nagenrol ako dati sa school ko dapat di na ako aabot sa limit ng estudyante para sa BSA. Kumain lang yung sinundan ko kaya sakin nagcut off yung pila.
Dapat talaga sakanya pero kasi nabilang na ako kaya hindi na ako pinaalis ng officer. O diba parang lahat ng nangyari alanganin lagi yung status ko. J
Sobrang worth it lahat ng hirap kaya guys push lang ng push, pray, and focus.
Good luck and thank you for reading my story.
-Tubia, CPA
Posted -
Robert_umandap of University of Perpetual Help System JONELTA in BiΓ±an City
ππ»ππ»ππ»
Posted -
Robert_umandap of University of Perpetual Help System JONELTA in BiΓ±an City
ππ»ππ»ππ»
Posted