The Agony of Waiting
-
paul of Others
Agony of waiting. Alam na alam ko pakiramdam na yan. I’ve been there, hindi lang minsan kundi iilang beses. Heto yung napaparanoid ka na, iniisip mo na yung mga pagkakamali mo during exam, kung na-shade mo ba lahat at wala kang nakaligtaan at marami pang iba. Nakakaasar `no? Yung pakiramdam na hindi mo mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Excited, nervous, happy, o kaya yung nagpepretend kang wala kang nararamdaman. Kahit na ang totoo ay natat*e ka na kakahintay ng result.
Here’s my story. Why I took Accountancy in the first place? Ah, dahil magaling ako sa Math, dahil after kong guma-graduate ay sa isang bangko ako magtatrabaho bilang teller, dahil mabilis ang pera at madali akong yayaman. Sino pa, sino pa ang naloko ng paniniwalang ito? Nakakaasar di ba? Para sa isang 4th year high school student na hindi alam ang kukunin na kurso sa College, ayun nagoyo ako. Honestly, natapos ang 1st college na tanging alam ko ay `pag gusto mong dagdagan ang isang account, i-debit mo, at i-credit `pag gusto mong bawasan. Grabe, wala talaga akong na-gets sa fundamental accounting. Wala kasi talaga akong ideya sa pinasok ko. Hahaha!
2nd year, dumating na ang mga kalaban. Nagpakilala na si Financial Accounting, ito yung subject na kahit mahirap pero favorite ko. Dahil alam kong hindi lang ako na nag-iisa na nahihirapan (except sa mga gifted na pinanganak yatang nag-a-accounting nasa sa loob ng tyan palang). Sumunod si Advanced Accounting, nanggigil ako dito sa subject na ito. Ito ang pinaka-hate ko sa lahat. Ito yung nag-iisang book na hindi ko tinapos basahin kada chapter ng topics, jusko Buscom palang, busog na busog ka na. To cut the long story short, I survived my course at naka-graduate sa iisang school lang. May quali kasi kami, which I know for a fact na halos yata ng school may ganito.
Dumating na ang review, syempre CPAR ako, nagmamagaling kasi. So ayun, nabigla ako mga kaibigan. Para akong sinampal sa katotohanang ang dami ko pang hindi naiintindihan. Oo, during college kasi, solve lang ako ng solve ng mga problem. More on “how” (process) ako instead of “why”(reason behind). So basically, parang nagsimula akong muli. Dumating ang board exam, hindi na ako nag-expect, wala akong kabang nararamdaman (or I’m just being in denial). At doon palang, alam kong hindi ako papasa. Lumabas ang results na parang wala lang. Ewan ko, pero noong nalaman kong pati condi ay hindi man lang. Doon nagsink-in lahat. Yung effort ko, yung pagpupuyat, yung lahat-lahat binigay mo pero hindi pa pala sapat? Sa puntong iyon, naiyak ako. Kasi di ba? Tagal mong hinintay, eh. Pangarap mo yun. Pero wala. Hindi pa para sakin.
After that, naghanap ako ng work agad. Hindi na sumagi sa isip kong may chance pa naman para mag-take uli. Nahihiya kasi ako, lalo na sa mga magulang ko. Dami na nilang nagastos. Tapos`yun lang ang nasukli ko sa kanila. Isang malaking FAILED.
Na-hired ako, pero alam niyo ba yung pakiramdam na may kulang? Kasi hinahabol pa rin ako ng CPA dream ko. Well, ganyan naman talaga. Hindi mo naman agad-agad maaalis sa sistema mo lalo pa’t sa loob ng ilang taon--- minamahal mo na ito, minahal mo na si Accounting. Dumating ang next board exam, you know what? Nanghinayang akong hindi ako nagtake. Kasi yung mga kasabayan kong hindi rin pinalad tulad ko, halos naging CPA na. Ang dami kong “what ifs” nun. Paano kung nagtake ako? Siguro CPA na ako. Sana hindi ako nagti-tyaga sa trabahong nuknukan ng boring. Sa accounting ako pero pakiramdam ko isa akong dakilang encoder lang, ewan, kaya siguro hindi ako makamove-on sa buhay dahil hindi iyon ang work na nahinuha ko during undergrad.
Umusbong uli yung desire kong ilaban uli. Pero ang hirap, kasi gustong-gusto kong magtake, pero nakakatamad naman magreview. I tried to read and solve pero wala talaga. `Til one day, I asked HIM, nanghingi ako ng sign sa Kanya kung magtetake na ba ako. Noong araw ding iyon, He gave His answer. Iyon na ang last day ko pala sa work. Napa-thank you na lang ako sa Kanya kasi Siya na mismo ang gumawa ng way. Ilang buwan na lang para sa board (2-3mos ata). Sh*t lang kase, kailangan kong aralin lahat. So ayun, akala niyo pinressure ko ang sarili ko? Isang malaking HINDI. I did the exact opposite nung first board ko. I’ve learned my lesson nung 1st board. Naging petiks ako, mag-aaral lang `pag nasa mood. Hindi ko pinilit ang sarili kong mag-aral dahil magsasayang lang ako ng oras. Pero binabawi ko naman iyon `pag tinamaan ng sipag. Talagang walang tigilan.
Natapos na ang board exam, heto na naman ang walang kamatayang hintayan. This time, same feeling as last year. Wala na naman akong kabang nararamdaman (or again, in denial na naman), at ang nakakatawa is, pinilit ko ang sarili kong kahaban. Letse, baliw na kung baliw, kasi pakiramdam ko ay iyon na naman ang kahihinatnan ko eh.
Lumabas ang results, and a friend asked me, ‘nag exam ka ba talaga? Wala iyong name mo, eh.’ Sh*t! Nanginig ako. Tas ganun pa yung salubong sakin. Well, knowing your friends. Hindi ka na dapat magtataka. Sa pangalawang pagkakataon, wala na naman ang name ko. Grabe di ba? Tulala lang ako noon. Akala ko kaya kong tanggapin yung another failure. Sakit pala, napahiya na naman ako. Umiyak ako. Sabi nila sakin sa bahay: i-tigil ko na. Magnahap na lang uli ng work. Na ayos lang iyon. Pero hindi ako nakinig sa kanila. Kasi hindi naman nila alam ang pakiramdam eh, kasi hindi naman sila ang nasa sitwasyon ko.
I asked another friend kung ilang ang Condi sa mga retakers. Dalawa o tatlo lang ata. Andami pa naman naming retakers from our school nun, kasama na yung ibang batch, at yung iba nagreview school pa. Samantalang ako, eh, self-review lang. Nawawalan na ako ng pag-asa. That night, I prayed and asked Him a last chance, na sana kahit Condi na lang, na sana bigay na niya yung isang slot sakin. Kasi pag failed talaga, refresher na ako at need kong magreview school uli (wala na akong pang-enroll dahil nakakahiya naman na manghingi sa magulang ko). At dahil makapal ang mukha ko, nilubos-lubos ko na ang paghiling, na kung sakaling Condi man, sana itong subject na lang ito ako bagsak. (Yung konti lang ang aaralin pero deadly sa board). Hulaan niyo kung ano. Haha.
Kinabukasan, pwedi nang ma-view ang grades. Grabe, iyak lang ako ng iyak habang nakitingin sa grades ko. Nanginginig buong katawan ko. Hindi ako makapaniwala. Kasi dininig ni Lord yung hiling ko. Oo, conditional ako at ang mas malupit, yung particular na subject na hiniling kong yun nalang ang bagsak is yun lang talaga ang bagsak ko. Konting push na lang pala, CPA na ako dapat. But I know he has better plans for me kaya niya ako dinelay. Yung pasasalamat ko sa Kanya, hindi matatawaran. Imagine, binigay niya mismo yung hiniling ko sa Kanya. (Naluluha ako while writing this part).
So ayun na nga, kamakailan lang I got the 3 letters I’ve been waiting for. Finally, CPA na ako. And worth it lahat ang paghihintay. I know that time na papasa ako. Kasi after kong magtake, kinabahan ako (abnormal talaga ako I know). This time for real na. Hindi na pilit. In-assure din ako ni Lord na Siya na ang bahala, na hindi ko na dapat alalahanin ang mga feeling kong mali at hindi ko nakuha. Aminin man natin, nakakairita yung mag students na nagdidiscuss ng sagot after boards. Mapaparanoid ka talaga pag-iba yung sagot nila sayo. (Para sa mga susunod na mag-e-exam. Guys, yung pagrereview ginagawa before exam, hindi after. Honestly, mas matakot ka kung marami kayong magkakatulad ang sagot. Tricky ang board di ba? Yung akalang mong yun na pero hindi pa pala. You’ll know what I mean `paglabas ng result.)
Kaya guys, chill lang. Surrender everything to Him. Kasi kahit naman magta-tumbling kayo diyan. Wala na kayong magagawa. I know nakakaparanoid naman talaga. (Tagal ko ring naghintay ng result nung last board ko, medyo malala lang ng konti yung sa inyo haha). Pero magtiwala lang. You’ll be a CPA. Kundi man ngayon, `wag pa rin mawawalan ng pag-asa. Giving up is never an option. Kung pagod ka na, just rest, at ituloy muli ang laban. Hindi mo pinasok ang kursong ito at minahal sa loob ng ilang taon para lang sumuko. Hindi tayo pinanganak na talunan.
Excited na ako para sa mga bagong CPAs!
Failed-Condi-Passed
#CPAbyFAITH
Posted