Stepping Stones to CPA
-
paul of Others
After high school graduation, nag-take ako ng entrance exam sa isang state university sa province namin, unluckily, puno na daw yung slot sa course na gusto ko which is BSA. So inadvice ako ng dean na mag-take ng lang ng BSBA saka mag-shift sa 2nd year, so pumayag ako basta makapasok lang ako sa university na yun.
Decided talaga ako during my 1st year na magshishift ako, pero nagbago ang isip ko nung malaman ko na nagshift sa BSBA yung 1st honorable namin nung high school, wala eh, natakot na ako besh, naisip ko, "sobrang hirap talaga siguro nung BSA, pano ko kakayanin yun eh ni hindi nga ako nakagraduate ng with honors nung high school?" ,tapos sinabihan din ako nung mga nagsusupport sa pag-aaral ko na tapusin ko na din ang BSBA, tutal natakot na ako saka na-enjoy ko na din naman ang course ko at madami na akong friends, di na ako nagshift at tinapos ko ang BSBA.
But before my college graduation, tinanong nila ako kung gusto ko pa daw ba mag-aral ng BSA, pinag isipan ko yun talaga, marami kaseng factor na kelangan kong timbangin, and then I decided na mag-aaral ulit ako, I will pursue my dream of becoming a CPA. A month after graduation, nagtake ulit ako ng entrance exam sa ibang university naman. Nagpa-credit ako ng mga minor subjects kaya 3rd year college na agad ako pagpasok ko. Doon ko na napatunayan na mahirap pala talaga ang BSA, kung sa pag-iyak lang din, sobrang dami kong iniiyak. Minsan naisip ko itigil ko na kaya to. Pero naiisip ko din na, ginusto ko to, dapat panindigan ko. Tapos idagdag pa yung mga criticism ng ibang tao kaya tinuloy ko talaga sya. Before mag 4th year andyan na ang qualifying exam, aral na aral ako mga besh, but I failed, twice. Sobrang iyak ako nun, sakay ako ng bus pauwi sa bahay namin nag-iiyak pa din ako. Wala na kase akong choice kundi magshift ulit sa BSBA (ibang major naman dun sa una kong tinapos).
Undecided pa ako nun kung itutuloy ko pa ba yung program or hindi, naisip ko kase aanhin ko pa ang isang BA degree? Mag-work na lang kaya ako tutal graduate na naman ako, pero kapag gusto mo pala talaga susubok ka ulit. Tinuloy ko sya nagshift ako kahit ayaw ko, sabi ko, "I will make this course my stepping stone", parehas lang naman kase lahat ng subjects, pinagkaiba lang may 5th year ang BSA, kami na pinagshift hanggang 4th year lang. 2 years ako nag-stay sa university then naggraduate ulit ako.
For the 3rd time around, nag-enroll ulit ako sa ibang college, good thing mabait yung dean nila dun, tinanggap nya ako tapos 1 year ako nagstay sa college na yun para magkaron ako ng diploma.
After graduation ulit nagpasok kami sa review school kasama ko yung mga classmates ko sa college na last kong pinasukan. Sobrang aral talaga ako, to the point na sa sobrang stress ko nagkakasakit na ako. Dumarating ang time na gusto ko nang sumuko during review, pero di ko ginawa, I spend +3 years in college para lang sa title na CPA, ngayon pa ba ako susuko? I am half way there.
Pero hindi talaga minsan maiwasan na magkaron ka ng doubt sa kakayahan mo. Mapapatanong ka na lang ng "am I not good enough?", pero tuloy lang, konti na lang eh, kaya pa naman, madaming naniniwala na kaya ko, bakit di din ako maniwala sa sarili ko na kaya ko?
Board examination day, Oct 2016, 2nd week of exam, Sunday, eto yung araw na pinaka di ko malilimutan, siguro dahil sa sobrang stress ko na unexpectedly, I had my period, nag-eexam ako di na ko mapakali, sobrang distracted na din ako, tinapos ko na lang talaga sya para makauwi na ako sa boarding house.
Then, eto na, result na lang ang iintayin, yung feeling na parang bigla ang bagal ng araw, ang tagal lumabas ng result.
Tanghali lumabas yung result ng exam namin, nasa elementary school pa ko nun kase investiture ng pinsan ko sa girls scout, habang naglalakad ako pauwi, nag-open ako ng messenger, may chat yung isa ko classmate, may result na daw, pandalas na ko pagtingin, nung di ko makita yung name ko, nag-iyak na ko nun, tapos nalaman ko pa na alam na lahat ng nasa bahay na may result na, ako pa ang huling nakaalam, maghapon ako nagkulong sa kwarto at nag-iiyak.Tinititigan ko yung result as if naman na magbabago, tapos nagtingin ako sa performance ng school, nakita ko na may isang condi samin, unang pumasok sa isip ko, "Lord, selfish na po kung selfish, pero sana po, ako yung condi".
Lage ako nagveverify kung may ratings na ba. Then on the 2nd day yata, nagverify ako, nakalagay ay Condi, di pa ako makapaniwala nun, baka mali lang or joke lang, iyak na naman ako, at least kase di ba, di naman pala ako totally failed. 2 subjects ako nacondi, Taxation at RFBT, yung last two subjects na inexam namin ng Sunday.
After that, nagdecide ako na di na ako papasok sa review school pero magtetake ulit ako sa May 2017, self review na lang.
2 months before the actual board, nagpunta na ako Manila para mas makapag-focus sa review ko, nalaman ko din na nag-review school ulit yung isa kong classmate kaya sa kanya na lang ako nahiram ng mga materials para naman updated pa din ako, tapos nagtatanungan kami kapag may hindi kami maintindihan.
Ganun ulit ang naging buhay ko for 2 months. After board, umuwi na agad ako samin. Natatakot ulit kase ako sa result, mas lalong nakakatakot ngayon kase baka condi na, maging failed pa.
May 29, nagpost na ilalabas na daw yung result. Hapon na pero wala pa din, tapos nasa byahe na ulit ako paalis samin. Naiiyak na ako habang sakay ng bus kase gabi na wala pa din nagtetext or natawag man lang sakin kung nakapasa ba ako. Then 10pm may nagtext sakin na friend ko, "ngayon passer ka na? ano plano mo sa buhay? congrats *****" (siguro sya lang may load). At first ayaw ko maniwala, baka ginu-good time lang ako eh.So pinacheck ko na din sa mga pinsan ko at sa kapatid ko, and for the 2nd time, nag-iyak na naman ako sa bus, this time dahil sa sobrang saya dahil at last, CPA na ako.
Yung mga greetings and congratulatory messages, andun pala lahat sa fb, mga walang load nga sila.
It doesn't matter how long it will take. You failed? Try again, sabi nga nila there's no harm in trying di ba?
Giving up is always an option, but it should never be our choice. Ginusto natin to, dapat kayanin natin kahit pakiramdam mo di mo na kaya, kayanin mo, ipilit mo.
Patibayan lang din naman ang labanan diba? Iiyak mo lang kapag di maganda ang resulta tapos, subok ka ulit. Ibibigay din sayo yan, di man ngayon pero sa darating na panahon.
Aral at dasal lang talaga. Believe in HIM and believe in yourself.
Don't ever think that you're not enough, cause you're strong and good enough.Goodluck and Godbless everyone. Keep on praying. He'll give us what we deserve on His own perfect time.
MSRJ, CPA
May 2017Posted