• paul of Others

    Isa ako sa mga estudyanteng nakakuha ng mababang scores sa quizzes at exams dati. Kabilang ako sa mga estudyanteng muntik nang sukuan ang Accounting.

    Qualifying exam before mag-4th year ng BSA, I failed. Oo, bumagsak ako. Ang sakit sakit. Hiyang hiya ako sa mga magulang ko lalo na kay Mama na nakaplano ng uuwi ng March para sa graduation ko. Umiyak ako nang umiyak nun, sa school, sa bahay, sa simbahan.

    Wala akong choice kundi mag-shift sa Accounting Tech. Tulad nga ng sabi ko, muntik ko ng sukuan ang pangarap ko -- yung pangarap kong maging CPA. Wala na akong balak dati na tumuloy pa sa BSA kasi takot ako mag audprob. Natakot akong magtake ng board exam. Ang sabi ko pa nga sa sarili ko: "Quali nga nabagsak ko, audprob at board exam pa kaya."

    Gumraduate ako ng BSAT ng October 2016 at plano ko ng magtrabaho para makatulong na kila mama. Pero few days before magsimula ang sem, habang nag iisip ako ng mga bagay bagay bago matulog, biglang bumulong sakin si God. Ang sabi Nya sakin, "ituloy mo anak, nandito ako". I feel relieved that time. Pakiramdam ko kayang kaya kong lagpasan ang Audprob at board exam. Pakiramdam ko kayang kaya kong lampasan lahat ng pagsubok na ibibigay pa ng accounting. Dun lang ako nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili ko.

    So I decided na bumalik ako sa original plan ko na tapusin ang Accountancy at maging CPA. Madaming beses ulit akong umiyak ng dahil sa Audprob. Madaming beses na muntik ulit sumuko. Pero tinupad Niya yung promise Nyang hindi Nya ako pababayan. At tulad nga ng pangako Niya, nalampasan ko yung mga pagsubok na yun.

    Eto na, review days na. Nag-enroll ako sa RESA dahil na din sguro sa impluwensya ng mga kakilala.

    Kung sa undergrad nahirapan ako, mas nahirapan ako nung nagre-review ako. Pakiramdam ko wala akong alam. Pakiramdam ko sobrang kulang yung time. Back to zero ako. Sobrang pressured ako nun kasi ayokong ma-disappoint ulit parents ko. Gusto kong maramdaman nila na gagawin ko lahat para sa kanila. Pinagbutihan ko pag-aaral ko, pinilit kong intindihin bawat topic kahit matagalan ako dun basta ma-gets ko, hahaha. Six months ako sa Manila pero once lang yata ako gumala nun (nung bday ko lang). Haha! Buti nalang suportado ako ng boyfriend ko na CPA na that time. Pero kahit RESA, boarding house, Church lang ako, pakiramdam ko kulang pa din ung effort ko. Sinubukan kong magpuyat gabi-gabi kahit 7am klase ko. Pagdating ko sa klase inaantok ako, umaasa nalang ako sa pagre-record at pag-picture ng mga solutions, pero iba naging epekto nung final preboard ko. Dahil umaga din yun, inantok din ako kaya di gumana utak ko bes. Saklap! Nabagsak ko afar nun kahit nag-aral naman ako kaya iniba ko ulit sked ng pag-aaral ko

    Ilang beses man akong napanghinaan ng loob at ilang beses umiyak (kahit after na nung boards). I doubted myself. Paulit-ulit sumagi sa isip ko ang mga salitang

    "HINDI KO YATA KAYA"

    "WAG KO NA LANG YATANG ITULOY TO".

    Pero si God, never Syang nagdoubt sakin. Tanging hiling ko lang sa mga napuntahan kong simbahan nun, na sana pumasa ako ng May 2017. Na sana yung mga naaral ko, yun yung mga lumabas. Sana yung mga pinakaalam ko, yun yung makita ko sa actual boards. Everytime nagdadasal ako, napapanatag yung loob ko. At lagi NIYANG pinapaalala 'yung promise NIYA sakin. Never NIYA akong pinabayaan sa battle na 'yun. God is indeed so amazing! Tanda ko pa nga bago ako matulog (night before board exam), nabasa ko to —

    "And whatever ye shall ask in my name, that will I do, so that the Father may be glorified in the Son. If ye shall ask anything in my name, I will do it." (John 14: 13-14)

    Tumaas balahibo ko nun at napaiyak dahil sa tuwa, nagpasalamat ako ng sobra sa assurance na binigay Nya sakin that night. Araw ng board exam, ang dami kong hindi sigurado sa mga sagot ko. Kapag hindi ko mapalabas sagot sa mga nasa choices, nagdadasal ako.

    "Sana po tama tong sagot ko."

    "Lord, Kayo na po bahala."

    Ipinagpasa-Diyos ko na lahat nun. He is so GREAT! Lahat ng paghihirap at dasal ko, nakita at dininig Niya. I will forever be grateful to God sa hindi pagsuko sa pangarap ko! Kung ako muntik ng sumuko, Siya hindi, never. Glory to God in the Highest!

    CPAs in transit, kapit lang guys. Wag susukuan ang pangarap; always believe that YOU CAN. Work work work and pray harder, He always listens. Keep the faith!! You're a few steps closer to your dreams na. Claim the title!

    -GMB, May2017CPA


    Posted