Friends Fo(u)r CPA
-
paul of Others
I took the board exam twice.
I failed on my first but because of my perseverance and through his (GOD) undying love, guidance and forgiveness I passed last May 2017.
Siguro ang i-sheshare ko na lang na story ko ay kung paano kaming magkakaibigan nagtulungan para maabot yung isa sa mga pangarap namen. Actually marami kami sa grupo pero apat kami na super bonded talaga, laging kami yung magkakasama. Even nung first work namen, magkakasama kami. Nagdecide kami na magwork muna for 6 months bago mag-take ng board exam, kase ang graduation namen June 2015 so mahuhuli kami if nag-review kami nun. Then natapos yung six months pero di kami umalis sa work, sinabay namen sa review for May 2016. Pero hindi namen kinaya, may mga times na di kami pumasok sa review kase sobrang pagod sa work. So di kami nakapag-take ng May 2016. Nag-decide kami na mag-resign from work at mag-focus sa review kase gusto talaga namen maging CPA.
Nung review days merong mga times na di namen alam yung topic, wala kaming idea sa mga ibang topic na dini-discuss, pero go with the flow lang kami. Laging ang score namen sa preboards ay puro pasang awa lang. Pero di kami sumuko. Lagi kaming nag-uusap na apat na sana, lahat kami makapasa, o kaya mas okay na yung isa lang makapasa kaysa sa isa lang ang bumagsak dahil siguradong lahat kami masasaktan.
Fast forward tayo, nung first take namen nung October 2016, napag-usapan na namen na walang magtatanungan every after exams. Nung last day nung exam, nagkasabay pa kami ng isa kong friend sa lrt at di kami nakatiis napag-usapan namen yung exam pero isang subject lang, auditing yun, at parehas kami halos ng mga sagot, so medyo tumaas yung kumpyansa ko. Pero nung lumabas yung result nung October 20, 2016, dalawa lang samen ang nakapasa at hindi ako dun yung isa at isa dun sa nakapasa yung friend kong nakasabay ko sa lrt.
Nagbakasakali akong condi ako pero hindi eh. 1 point na lang sana pwede pang ma condi at auditing pa yung muntikan mag pa condi saken. Pero ganun talaga. Sobrang sakit sa pakiramdam na hindi makapasa, para akong batang humagulgul nun. Yung dalawa kong friends na nakapasa hindi sila makapagpost kase iniisip nila yung mararamdaman namen. Pero ako na yung nagsabi sakanila na deserve nilang mag-celebrate, may time pa na umiiyak lang kami sa phone nung isa kong friend na nakapasa, sinasabi niya sakin na wag akong sumuko na susuportahan nila ako/kami, pero ang hirap talaga, tama sila mas masakit pa sa feeling ng heart broken.
May mga times pa na kinuwestyon ko si God, anong mali? Ginawa ko naman ang lahat? Halos buong oras ko puro pagre-review at dasal ang ginawa ko. Pero sa help at support ng family, friends and ni God bumangon ako at nagkaroon uli ng lakas ng loob na mag-review. Actually, hindi ganun kadali yung first month ko sa second review; may mga times na tulala ako. Pero nagtulungan kami nung isa kong friend na hindi nakapasa, nag-o-overnight ako sa bahay nila at dun kami nagtatanungan ng alam namen na pwedeng makatulong dun sa isa at syempre yung dalawa nameng friends na nakapasa na hindi kami iniwan, lagi nila kaming kinakamusta and they even gave us money para pang gastos sa review. And this time sa mga preboards namen lagi na kaming kasama sa top 100 at hindi na pasang awa ang rating namen. May times pa na yung ibang scores namen per sabdyek ay rank 11 or 12.
Fast forward, nung dumating ang May 2017 board exam. Wala akong ibang inisip kundi alam ko lang sa sarili ko na ready na ako at lagi akong nagpe-pray before ako sumagot ng exam at before akong mag shade ng answer. At nung May 29, 2017, sobra akong kinakabahan ng araw na yun at the same time excited, pagkagising ko pa lang titingin na ako sa website, pero wala pa din, yung ang bilis kong kumain, maligo at everytime na may magte-text o magcha-chat sakin mapapraning na ko, tapos hindi naman pala, yung dalawa nameng friend na unang nakapasa di rin mapakali, text nang text, at chat nang chat. Nung gabi na naisipan kong manood na lang ng K-drama, pampawala ng kaba. Mga 8:30 ng gabi, may nabasa ako na nagpost na 34% lang daw nakapasa so tinagnan ko uli PRC website, pero wala pa din. Kinabahan na naman ako nang sobra, kaya bumalik ako sa panunuod at exactly 9:00 pm nag chat yung friend kong di nakapasa last october 2016. May result na daw, kala ko patanong so ang sagot ko, wala pa. Yun pala statement pala yun di question, sabi niya tangeks meron na. At ito pa ang text niya. "Nakapasa ako!! Pero yung sa yo di pa nakikita". Edi ako naman sobrang nanginginig na. Hangang sa nag-chat uli siya sabi niya: "ikaw din nakapasa". Edi binilisan ko na pag scroll down hanggang sa dumating sa apelyido ko. At dun ako uli napaiyak at napadasal. THANK YOU LORD!
at sobrang hindi lang ako at yung family ko ang natuwa. Pati yung dalawa kong friends na CPA na. Ang sabi pa nila: "sabi namen sa inyo eh; kaya niyo rin". At sobrang hindi ko makakalimutan yung araw na yun. At ngayon lahat kami CPA na. Oo minsan na lang kami magkita dahil iba iba kami ng work, pero we always make sure na everytime kami magkita-kita, di pa din nagbabago yung friendship namen.
Advice ko lang sa mga aspiring CPAs, find your friends who can lift you up, who are always there when you're feeling down. And especially a friend/s who believe/s in you. Goodluck future CPAs, and congrats in advance!!
John Renan Rebuyos, CPA May 2017
My friends
1. Kristabelle Tesoro, CPA October 2016
2. Karina Ingrid Michaela Gannaban, CPA October 2016
3. Veronica Morales, CPA May 2017Posted