• paul of Others

    I took the board twice. I passed it last May 2017.

    I failed during October 2016.

    Para to sa mga kung sakali babagsak ngayon pero wag naman sana.

    Days before the results nung October lagi ako nagsisimba sa may UST, Quiapo, St. Jude etc. Kahit nahirapan ako sa exam, I decided to hold on to my faith kay Lord. Nagro-rosario din ako everyday noon. Not until, narinig ko ang isang homily sa UST one day. Sabi ni father may times na hindi tayo sasagutin ni Lord at sigurado may plano sya. During that time parang ako ung kausap ni father, parang sinabi na nya na di ako papasa. So the results are out.. I FAILED.
    Tanggap ko sya pero mas masakit kase ako lang di pumasa sa amin magbabarkada. Grabe di ba?

    Kahit tanggap ko sya that day, mas naisip ko family ko sa disappointment nila kahit gusto pa nila ako pag take ulit. Hindi ako umuwi sa amin.
    I decided mag-work sa Manila dahil wala akong mukhang ihaharap. Hindi ako nanghingi ng pera dahil may ipon ako kahit papaano. Every night na pag-uwi ko sa dorm, umiiyak ako dahil wala ako mahanap. Mag-isa na kasi ako dorm noon.

    I felt the huge difference of being a non-CPA during interviews. May times na naiiyak ako pag tinanong nila kung kamusta ako during interview.
    So I could say talaga that I suffered from depression. Buti na lang may bf ako na di ako iniwan at nagbabyahe pa-Manila para mapakita support sa akin.

    So what happened next?

    November 4, umuwi ako sa amin. Hindi ako bumababa at bihira ko kausapin family ko. Sinabihan ako ng mama ko mag-apply sa government offices dahil civil service passer naman ako. A week after, na-hire ako. A month after, na-permanent ako. Galing ni Lord di ba?

    During that time I felt again the presence of our Lord. Siya ung gumagalaw sa akin.

    Napakabait ng boss ko at very supportive sa pag take ko.

    Every weekdays, I am working. Every night, I was studying. Every weekend nasa manila ako to attend the review class. Buti na lang may kakilala ako doon at nakikitulog na lang. Nakakapagod di ba? Basically wala akong pahinga. Pero I never felt the pagod dahil sa determination ko to pass.

    Until April pinayagan ako mag leave for 2 months ng boss ko. So starting April, naka-full review na ako sa Manila although nasa library lang ako lagi at pinapasukan ko lang di ko pa master na subjects.

    I advice you to study only your former review materials or doon ka lang sa hiyang para for mastery ka na lang talaga.

    I used my familiarization of problems during October exam para alam ko ang way ng review ko. Ganun lang. Concept-based at right materials lang talaga ako.

    May 2017. I took the board with a confident spirit. I entered my examination room na hindi kinakabahan. Bakit? Dahil alam ko sa sarili ko nagreview ako at kasama ko si Lord. I am with the prayers of my family, co-workers and bf.

    Dun pa lang sa seat ko feel na feel ko na papasa ako dahil sa dulo ako at may altar sa tabi ko.

    These are only the materials that I used during that time.

    Tax - CRC booklet, Resa notes, Tamayo

    Law - all review schools notes dahil mastery ang labanan dto

    Auditing - Resa dahil kahawig lagi nila ang exam

    P1 - Uberita, CrC booklet

    Mas - Bobadilla, Resa notes, quizzers

    P2 - Crc ace booklets only.

    Magaling ang CRC ACE, lalo na si Sir Hermo. Bobo po talaga ako sa p2 at tax pero naging favourite ko sila dahil sa kanya. I am not promoting. I am stating a fact.

    Nung naghihintay na ulit ako ng results, di ako kinakabahan either condi or passed lang expect ko. Alam mo naman kasi sa sarili mo pag nakuha mo exam at hindi ka naging careless sa shading at filing.

    And then.. I PASSED.

    My secret? I just kept looking forward lang po. Buti na lang na overcome ko agad depression ko. Kinalimutan ko bad memories ko during October ginamit ko sila as my advantage.

    Hi sayo na naghihintay ng result. Whatever happens maniwala ka lang sa sarili mo at kay Lord. Kung bumagsak ka man mag-take ka na habang fresh pa mga nalalaman mo. At least alam mo na saan ka nagkulang at nagkamali.

    Kung di mo pa kaya mag-work, okay lang but you should put your whole heart and time on it.

    Sana pumasa ka para di mo na ma experience nangyari sa akin.

    P.S sa mga tsismis na lumalabas kung saan kukuha ng exam, bago mo ipa xerox lahat yun, assess mo muna sarili mo kung ok na concept mo. And a month before exam dapat nagsasagot ka na lang ng di tumitingin sa notes mo.

    Kaya yan! Papasa yan!

    Yun lang. Godbless guys. Andito lagi si Lord.

    Circle.

    Posted