• paul of Others

    God has perfect timing; never early, never late. It takes a little patience and a lot of faith. But it’s always worth the wait.

    Dati ko pa gusto magshare talaga dito. Pero I’m shy. Hahaha. Pero this time, parang may nagbulong saken na sige na nga ishare ko na. Baka makatulong at makainspire sa iba. Hehehe.

    It took 3 years bago ko makuha ang inaasam asam ng lahat na 3 letters. May 2013 - Condi; October 2013 - Failed; October 2014 - Condi; October 2015 - Passed.

    May 2013. The time na lumabas ung result, nagdadasal kami ng mga friends ko sa St. Jude. And nung nalaman ko I’m not included sa list tas sila passed, syempre I cried. Hindi para icomfort nila ko. Pero that time ang naisip ko lang magulang ko. I thought I’m a failure. Na paano ako uuwi samen. Paano ko ba sasabihin. Puro paano. 

    And then nung mahimasmasan na ko at tinanong ko kaagad ung barkada ko ilan ba condi. Nung sinabi nya kung ilan, eto na. Nasaniban na ko ng positive awra. Kineclaim ko talaga na condi ako. Naalala ko bigla ung sinabi ni Sir Tams na 3 answers lang ang binibigay ni Lord. Yes, No, Wait. And after 3 days, He said “Wait”. Condi ako sa pinakahirap akong subjects na AP, AT, and P2. Thank you Lord! Alam ko this time meron sa inyo, iniisip na agad ang failure, ang masasabi ko lang, huwag. Be positive lang. Kung ano man yang nararamdaman mong sakit, iiyak mo lang. Normal yan. Sino ba naman hindi iiyak binigay mo naman lahat lahat pero syempre, nasa plans yan. Trust His plans.

    October 2013. First heartache. Why? Been failed because of 1 point. I got 64 sa AP. Okay na ung average, okay na lahat pero wala eh. Di pa talaga eto ung time. Nag-halfday ako sa work kasi di ko kinaya ung sakit. Diretso agad ako sa simbahan. That time, I asked Him “Why?”. Pero sorry agad ako. Narealize ko na eto na siguro ung “No” na sinasabi nila. Challenge lang to. Ung nararamdaman kong sakit wala pa to sa katiting ng problema na dinadanas ng iba. Be thankful pa din. Positive pa din. Umuwi ako sa bahay, iyak ng iyak kay Nanay. Nakita ng kapatid kong bunso at tinanong ako kung bakit ako umiiyak. De lalo akong naiyak. Pero after that, okay na ko. Iba talaga pagmamahal ng family eh. Unending and unconditional support and love. Di ka nila iiwan.

    October 2014. I decided na mag exam ulit. Sabi ko pag eto hindi pa din ayoko na. Nakakapagod na. Pero syempre chos lang! Hahaha. 1 1/2 months before ng exam, I quit my job para makapag-focus. And ayun, lumabas ung result, wala na naman ung name ko. Haaay. Dito na ko napaisip na baka hindi talaga saken. Baka di talaga kami meant to be ni 3 letters. Pero hindi! Erase! Positive dapat! Naghintay agad ako ng 3 days, and ayun. Condi. P2, BLT, ToA. Dito ko naisip na wala na ko sa sumpa ng Auditing pero ang sumpa talaga saken ay P2. Char!

    October 2015. Working. With my new officemates na condi din, nagdecide kami mag-exam. Tulungan kapag may nahihirapan. Tulungan sa lahat ng bagay. Ang sarap sa feeling na hindi ka nag-iisang lumalaban. Na may kasama ka. Na kayo kayo ung naghuhugutan ng lakas. And nung may result na, eto na. PASSED. Finally! He said Yes! Iba ung feeling na pinalasap nya muna sayo ung sakit kasi grabeng saya pala talaga ung kapalit. Haaaay. Everything is beautiful in His time.

    For almost 3 years na battle ko makuha lang ung 3 letters, for me di talaga madali. Hindi mo masabi kung go pa ba or tama na ba. Kung hanggang kailan ka ba susugal para sa pangarap mo or mag-iiba ka ng plans. Puro tests. Test of Patience. Test of Character. Test of Faith. And I guess kailangan mo lang maniwala talaga. Everytime na may nagtatanong saken kung paano ko nakaya lahat ng pinagdaanan ko sa exam at buti hindi ako sumuko tuwing nalalaman nila ung story ko, isa lang naiisip ko. Ung magulang ko. Ung mga ngiti ng magulang ko. Ewan. Sila talaga magpapalakas sayo eh. Kailangan mo din talaga isipin na may mga taong naniniwala sayo na makakaya mo at hindi mo dapat sila binibigo. Laging tandaan mo lang na you’ll be in the right place. At the right time. Kung hindi mo man makuha agad, makukuha at makukuha mo din yan. Walang sukuan. Sabi nga, “Believe in yourself, and you’re halfway there.”

    To the new CPAs, Congrats and Welcome to the Profession!

    And to those who didn’t get the 3 letters agad, never give up guys. One day, you’ll get there. Promise. Trust His timing. It will be perfect. Cheer up! Just remember... “God has the most amazing plans for you.”

    Keep the faith guys! It will be worth the wait.

    Dyan Monique Lopez, CPA October 2015


    Posted