• paul of Others

    Last October 7, 8, 14 and 15, I took the CPA Licensure Examination and after the agony of waiting, the results were released last November 2, 2017. Pinakamatagal na pag-release ng results so far due to fortuitous events, char. Due to nationwide transport strike daw. Back to the story. As I was checking the list of passers, syempre, sa letter "C" muna ko maghahanap kasi malamang "Consulta" starts with "C" diba? 

    Kaya yun, scroll, scroll, scroll, scroll. And boom! I DID NOT MAKE IT. Yes. You read it right. Ilang beses ko ni-refresh bes pero wala talaga. I prayed sooo hard for this. Araw-araw, gabi-gabi, I prayed to God na sana makapasa ako. Na kahit di ako ganon kagaling, papasa ako because of him. Confident talaga ako na papasa ako eh. Not because I am smart or good or masipag but because I know God is with me. Pero hindi nangyari. Why??? Pangit ba ko?! Kapalit palit ba ko? Charot! Pero guess what? Though hindi nangyari yung ine-expect, inaasahan ko at yung araw-araw kong pinagppray kay God, WALA AKONG NAFEEL NA SAMA NG LOOB AND NEVER AKO NAGTAMPO OR NAGALIT SA KANYA noong hindi ko nakita yung name ko sa list of passers. 

    Why? Why would I? Bakit ako magagalit? Bakit ako magtatampo? If this is God's will, who am I to question him? Honestly, by the time na nakita ko yung results, ang nasabi ko ay, "Okay lang yan. Thank you God!" THANK YOU for blessing us with good physical and mental health during the review. THANK YOU for keeping my family safe when I was away for almost 6 months preparing for the exam. THANK YOU for all the lessons I have learned during the review (both academic and real life lessons) and THANK YOU for guiding us in our everyday journey. 

    Maraming dapat ipagpasalamat. Hindi dahil hindi mo nakuha yung gusto mo, mawawalan or mababawasan na ang faith mo. The board exam is just a SMALL portion of our entire life. It's not the end of the world mga bes. If it is really your dream, NEVER STOP PRAYING FOR IT. DON'T QUIT. LABAN LANG. Believe that NOTHING HAPPENS BY CHANCE AND EVERYTHING THAT HAPPENS HAS A REASON. 

    Keep the faith! In God's perfect time, papasa tayo! LOVE TAYO NI LORD, pramis! Malay mo di ka nakapasa ngayon pero sa next exam, topnotcher ka pala.

    Yung iba marahil ay takot bumagsak dahil sa sasabihin ng iba. Na baka daw sabihin na ganito or ganyan. If ever man mangyari yan, sabihin mo sakanya na, "What if ikaw na lang mag-take?" Pero syempre, joke lang yun. Hahaha. Explain mo na lang na di ganon kadali ang exam. Na di ganon kadali mag-shade. Pag di pa siya na-convince, saka mo na sabihin na try niya din mag-take minsan. Hahahaha. Joke lang ulit. Itigil na natin 'to. HAHAHAHAHA

    TO ALL WHO MADE IT, CPA BOARD EXAM PASSERS, CONGRATULATIONS!

    And TO US WHO DIDN'T MAKE IT, CONGRATULATIONS FOR DOING OUR BEST! No regrets, just love Cheer up! Di mababago ang result kung sisimangot tayo Mwah!  Yun lang

    -Karina Consulta, CPA by FAITH ❤️

    Posted