CPA: Consistency in Prayer + Action ++
-
paul of Others
Failed. Failed. Failed. Passed.
Isa ako sa student na may sumasabit na grade every sem. Mga April lang naka-decide kung mag-rereview. RESA kami nag-enrol ng friend ko, afternoon session
During review, lagi kong pinag-pray "Lord sana makapasa ako". Pero yung review habit ko, gabi lang ang review. Ang result Oct 2013 -- Failed ako. Tulala ako nang malaman ko ang result. Hindi ko alam paano sasabihin sa parents ko na hindi ako nakapasa. Hanggang sa napansin na lang nila at tinanong kung nakapasa daw ba ako. Hindi po sabi ko at tumulo na mga luha ko. Makalipas ang isang araw tinanong ng parents ko ano balak ko. Ang sabi ko hindi ko po alam. Sabi nila mag-review ka ulit. Sabi ko wala na tayo pera. Sabi nila: "madami yan, kakayanin namin".
So nag-enrol ulit ako this time CPAR naman (morning session). Lagi pa rin ako nagpe-pray "Sana Lord makapasa ako". Nag-aral na akong mabuti nun. Napasama sa top 100. Yung assessment ko sa sarili ko okay naman that time. Dapat May 2014 ang exam hanggang sa na move. June na wala pa rin exact date kung kelan. Nawala na sa momentum. July na ang exam. Araw na ng result. Kinakabahan ako. Feeling ko pasado ako o kaya condi tapos naisip ko rin na baka failed ako. Halos madali kasi mga tanong. Kaso nadali sa madali. Kaya ang result -- FAILED. 19% ang passing nun. Iyak na naman ako. Nakita ko grade ko -- ang baba. Nagtampo ako kay Lord. Yung tipong ayaw ko na mag-pray. Ayaw ko nang pumunta sa simbahan. Mga 1 week tumagal ang tampo ko. Nagdadasal naman ako, nag aral naman ako ng mabuti pero bakit?
Hanggang ako na nagsabi sa parents ko mag-work na muna ako. Nakahanap ako sa province, 6 working days. Ang laki ng difference sa CPA at non-CPA, lalo na sa sahod. Habang nagwowork nag-enrol ako sa rev center sa province para kukuha ng refresher. Expense ko lahat, nakakahiya kasi humingi. Saturday at Sunday ang rev session. Hindi ako pinayagan na every Saturday magleave, so every other Saturday ako nakapag-attend. Sa work ko narealize kung bakit hindi pa akong ginawang CPA ni Lord and thank God hindi pa ako CPA nun. Baka pag CPA na ako, mashunga lang ako that time. May purpose talaga ang lahat. Nag file ako ng resignation. Gusto ko na ulit kasing matupad ang pangarap ko kaso may nagsabi sakin kung sigurado na daw ba ako? Kasi feeling niya hindi ako papasa. Nasaktan ako. Tagos. Oo, hindi pa prepared para sa Oct 2015 na exam kasi halos self review lang ako. Gusto ko magbakasakali.
Tinuloy ko resignation ko kahit ganun ang sinabi nila. Sa 1.5months na self-review ko natapos ko naman ang mga reviewers ko. Kaya feeling ko kaya ko naman. Passed o Condi lang ineexpect kong result. Oct 2015 - Failed! Whaaat? Failed na naman. Naluha lang ako ng konti. Inisip ko baka iba ang gusto sakin ni Lord. Baka hindi pagiging CPA. Nagtext ang bestfriend ko sabi niya, "hindi ka magiging CPA kung susuko ka!" Sinabi ko kila mama ko na mag-fulltime review ako sa Manila. Pumayag sila. (Expense nila). Sinikreto ko sa halos lahat na magrerev ako. Naprepressure kasi ako pag maraming nakakaalam.
CPAR uli ako. Feeling ko eto na yun. Super positive lang ako. Nagmorning session ako. 8-12 klase. Hanggang 9/10 pm ako sa CPAR. Para pag uwi ko matutulog na ako. Bago ako pumasok, dadaan ako sa Loreto church. Nagpe-pray ako yung prayers ko iba na sa dati kong prayers. "Ipagkaloob mo ang nararapat sa akin, tanggalin ang kaba sa darating na exam, at ibigay ang sapat na talino, Lord ikaw ang siyang maghari sa buhay ko" araw araw yan.
Lagi ko pang jinijoke mga naging friend ko sa CPAR na dapat magtop kami. Ako top 7. Kasi nkakapressure ang 1-5. Tinatawanan nila ako. Lagi ko sinasabi sa sarili ko papasa ako. Sabi din ni Sir Jack average ng nakuha mo sa first at final +5/-5 yun ang grade mo sa actual. So papasa ako sabi ko. Halos wala ako naisip na negative last time. 6 subjects na ang exam namin. Feeling ko pabor sa akin kasi mahina ako sa aud theo at fin acc theory. Buti magkahalo na. Yung exam namin May 11, 12, 15, 16. Walang 1 week ang pagitan. Kaya sunod sunod preweek. Tapos may friend ako, sa RESA siya, sabi sakin alam ko saan kukunin ang aud problem. Kaso ang dami nun ang kapal. Sabi ko hindi na. Hindi ko pa tapos modules ko. (Kinausap ko agad si Lord na siyang bahala sa akin)
1st day Law at tax. Hindi naman ako gaano kinabahan. 2nd day auditing muntik pa ako malate kasi traffic. Pero buti hindi, at habang traffic may soft copy sa phone ko na modules pang aud theory. Binasa ko. Ayun exam na. Familiar yung mga tanong sa aud theory. Yung sa part ng aud prob patay wala ako alam although nasasagutan ko kaso hindi ako sure. Naalala ko yung friend ko na sabi niya sa RESA kukunin. Lagot na. Sabi ko sa sarili ko babawiin ko sa theory kasi kakabasa ko naman. Ayun paglabas ko sa exam room yung mga RESA nagbubuklat ng preweek. Ang saya nila. Hindi ko na sila tinignan. Sinasabi ko nalang habang naglalakad ako: papasa ako,papasa ako. Last day p2. Naku naku. Ang hiraaaaap. Grabe. As in wala akong alam mag 11 na ang dami ko hindi sure. Tinignan ko mga ka-room ko, wala pa nagpapasa. Sabi ko kay Lord. "Lord nahirapan ako, alam ko nahirapan sila. Papasa ako" . Nakikain ako sa CPAR. Nag-bisita iglesia (St. Jude, St. Claire, Loreto, Quiapo church) at nagpagupit. Araw ng Result. Gabi na, wala pa. 9:30pm nagtext ako sa papa ko. Nakapasa man ako o hindi, itext niya ako.
Pag gising ko 12:40, walang text. Hindi ako nakapasa? Nag FB ako. Wala naman nakapost. Search ko name ko sa google wala naman, yun pala wala pang result. Nag-chat friend ko. "Congrats" sabi niya. Hindi ako maniwala hanggat hindi ko makita name ko. Hanggang sa nakita ko rin. Totoo ba to? O baka room assignment lang. Pero TOTOO. Finally nakapasa na ako. Thank God. Nagising si papa ko, bat daw hindi pa ako natutulog. Sabi ko CPA na ako pa. Niyakap niya ako at lumuha papa ko. Nagising mama ko. CPA na ako, sabi ko. Niyakap din ako.
Madami akong narealize bago / habang / pagkatapos ko nakamit yang 3 letters sa pangalan ko. (1) na may pamilya akong sobra akong mahal. Full support (2) na may taong hindi maniniwala sayo pero magiging isa sa dahilan para magsumikap (3) na may rason ang lahat (4) na hindi lang prayers kundi dapat may ginagawa ka para makuha yun (5) na dapat may tiwala ka sa sarili mo (6) na dapat ipagkatiwala mo kay God ang lahat (7) na laging may Diyos na walang sawang mahalin ka, hindi ka pababayaan, na laging tutulong sayo.
My road to CPA formula= Consistency in Prayer + Action + Trustyourself + Trust your God
HINDI KA MAGIGING CPA KUNG SUSUKO KA!!
Ms. EJJ
May2016CPAPosted