• paul of Others

    "Seek ye first the Kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added unto you"


    Andami ko ng nabasang post ng testimonies ng mga pumasa ng board exams, na sobrang kinaiinggitan ko to be honest, yung napapaiyak ako kahit hindi naman nakakaiyak sana. At palagi kong iniisip kung ano kayang ipopost ko din kung ako na pumasa. Yung sa puso't isip ko alam kong magpopost din ako.


     Every time malapit na lumabas results ng board nag-iisip na ako kung ano nga bang ipopost ko. Sabi ko sa sarili ko mas grabe pinagdaanan ko bago ako pumasa kesa sa ibang nababasa ko. Kasi nga bes I did not get my title by just one take but on my sixth bes. Oo, totoo yun failed, failed, condi, failed, condi, PASSED ang peg ko, yung sa mga condi ko 1 point lang ako sa Tax nadadali. O diba mas malala pa kay Ms. Universe Pia? Yung halos lahat  na ng review center na-try mo na. 


    Sa bawat pagbagsak ko gumuguho ang mundo ko pero salamat kay God at hindi niya ako hinayaang magtampo ako at magalit sa Kanya kundi mas tumatag pa pagtitiwala ko sa kanya. Every time gusto kong questionin si God biglang marerealized ko na wala akong karapatan. Maraming salamat sa mga taong ginamit niya para bumangon ako ulit sa mga pagbagsak ko. Lalo na ang family ko na sobrang supportive sa akin. Ou hindi kami mayaman, pero thank God sa mababait kong magulang at mga kapatid na prinoprovide ang mga kailangan ko. But of course I know na galing sa Kanya lahat ng provisions na yun.

     

    Alam ko na hindi naman talaga ako matalino. Ako yung tipong sakto lang. Sakto lang ang grades para ma-qualify sa screening exam. Kaya ang panalangin ko lang nun Lord kahit maka-graduate lang, pero mali pala. After graduation haharap pala ako sa Board exams na sinasabi nga nilang di magdedefine sa kung sino ka pero honestly pag naiisip kong lahat na ng barkada ko CPA na eh mejo nanliliit ako sa sarili ko. Alam kong maling mali yun pero yun yung nararamdaman ko. Dagdag pa  yung gustong gusto kong maging proud ang mga magulang ko sa akin lalo na ang papa ko. Dahil ang totoo niyan tatlo kaming accountancy graduate na magkakapatid pero wala pang pumapasa ng board exam. Kaya sobrang gustong gusto kong maging CPA. Siguro kasalanan ko din talaga or may pagkukulang talaga ako nung una palang kaya di ako pumapasa sa Board. Baka kasi marami akong extrang mga ginagawa during review, yung nagagawa ko pang mag-travel para magbakasyon, at minsan maraming review days nasa-sacrifice para sa leisure. 


    Pero naniniwala parin talaga ako sa perfect timing at perfect plan ni God sa buhay natin. Yun yung kinapitan ko na sabi ko kay Lord netong last na take ko na Lord kung di po talaga para sa akin ang CPA tulungan mo akong unawain kung san mo ako gustong ilagay. Hanggang sana realized ko na yun pala ang dapat kong ginawa nuon pa. Yung ipaubaya mo lahat ng plano mo kay God at magtiwala sa kanya ng buong buo. Yung gawin mo kung anong kaya mo at siya na bahalang pumuno ng pagkukulang mo. Tanggapin mo sa sarilimong di sapat ang kakayanan mo kung wala si God. Magpakumbaba ka lang sa kanya at gawin ang nararapat at ibibigay niya ang pinakamimithi mo. Bigla lang nagpaalala sa akin yung sinabi ng isang kaibigan ko nun na grumaduate kang BSA kasi you are destined to become a CPA. Panapanahon lang talaga.


    Kaya kung feeling mo ayaw mo na kasi bumagsak ka na ng isang beses, dalawang beses o mas marami pa, isipin mo kung bakit gusto mo maging CPA at para kanino mo to ginagawa. Ou mahirap magsimula ulit pero lahat ng hirap, sakit, at pagod mawawala pag nakuha mo na titulo mo. PROMISE. Kaya laban lang ng laban.  


    May 29 - araw ng paglabas ng result, eto na naman yung feeling na ayaw mo nang hawakan ung phone mo pero gusto mo rin malaman kung lumabas na results. Pumasok muna ako sa work pero yung isip ko wala sa trabaho. Yung sa cellphone ka nakatingin kasi baka may nagtext na o kaya may nagpost na na pumasa eh wala pang nagtext sayo eh alam na bes. Madaling araw hanggang hapon na kinakabahan na ako at di na ako makapagtrabaho ng maayos, dagdag pa yung kabang alam mong nag-aantay din ang pamilya at mga kaibigan mo ng results, yung iniisip mong baka madisappoint na naman sila. Pagkarating ko ng bahay ng mga 9pm nung niyaya ako ng kapatid kong kumain parang wala pa rin akong gana pero sige kain nalang at baka nga mga hating gabi lalabas pero unang subo ko palang andami ng tumatawag sa phone ko at pagkasagot ko ang unang rinig ko "Congrats CPA ka na" woohhh ayun humagulgol na ako sa sobrang saya. As in literal na nasabawan ng luha yung kinakain ko hahaha. Cloud 9 nga talaga ang feeling at wala ka ng masabi sa mga nagcocongratulate sayo kundi "Thank you, Lord".

    Sa mga magtetake ngayong October: "God Bless, sa inyong lahat". Isipin nyo kung gano na kalayo ang nilakbay mo at gano na kayo kalapit sa pangarap nyo. Magdasal lang palagi. Rest if you're tired but don't ever dare to give up😀

    #cpabyChristandforChrist

    #ProudMay2017cpa

    Posted