• paul of Others

    FAILED. CONDITIONAL. PASSED.

    Yes. Naging status ko po yan sa tatlong beses kong pag-take ng board exam. Galing nu, all possible results na experienced ko. :D

    The first time I took the exam was last October 2015. I FAILED. I admit may mga lapses talaga ako nun. Tinake for granted ko ang hirap ng exam. Nagreview naman ako, pero halos parang first view lahat ehh. Hehe. Yes. Parang first view lahat kasi during my college years, hindi ko pa na-aappreciate ang accounting, yung thinking na inaaral ko lang sya for the sake na ito kurso ko at kailangan ko tung tapusin at ipasa kasi kapag hindi matatanggal ako sa pagiging working scholar sa school at mahihirapan akong makagraduate. Pero kahit alam mo in the first place na malaki ang pagkukulang mo sa paghahanda sa exam, masakit pa rin malaman ang result. Pero di ako sumuko at pinagpatuloy pa rin ang aking pangarap.

    Ang second take ko ay noong October 2016. This time, I'm very focused. Yung feel na feel mo na na “This is it na!”. Every review mo sa review center, ganado kang makinig kasi di na first view ang feeling mo kundi fill in na lang sa mga topics na di pa clear for you. Very positive ang aura ko nun. Daming dasal din na ginawa. Daming effort para lang matapos lahat ng topics, which I really did. Kaya ang confidence level ko nun while taking the exam is very different from the first time. Of course, may kaba din, di yun mawawala. Kaya nung result time, ang iyak ko nun di ko na alam anong level na. Wala na naman sa list ang pangalan ko. Sobrang down na down ako that time. Sobra pa sa heart break ang feeling ko nun ehh. Yung todo effort ka na but still not enough. Kaya nung time na may grade na, di ko binasa yung status ko kundi binilang ko agad ang 75 above ko na grade. And praise God! 4 out of 6. MY STATUS WAS CONDITIONAL. Napaiyak ako sa saya. Di pa rin pala useless effort ko during my review. Bumalik ang sigla ko at mas lalong nagpursige na soonest magiging CPA din ako.

    Last May 2017 was my third take and definitely my last. This time di na ako nag-enrol sa review center, I decided na maghanap na ng work at magsiself-review na lang for my 2 remaining subjects. Di din pala madaling magreview na at the same time may work ka. Doble ang hirap. That time pa may Saturday ako na duty. Yung uuwi ka galing work na pagod pero wala ka pa ring karapatang mapagod kasi nga mag-aaral ka pa. Kaya strategy ko nun ay, after work magdidinner at pagkatapos matutulog ng mga 3 to 4 hours at magigising ng 12mn or 1am para mag-aral at matutulog ng mga 3am at magigising ulit ng 6am para magprepare for duty. Minsan pa sa work, I will take my lunch early para magamit ko ang 12nn-1pm ko na lunch break para mag-aral. Ito halos ang everyday routine ko. Di madali pero kinakaya. Hanggang exam time na, present pa rin si kaba (of course) and I lifted everything to the Lord na at ginawa ang lahat ng best ko para sa exam. Kaya nung result time na, I PASSED!!! Sobrang iyak ko din pero this time tears of joy na. This is it. Totoong CPA na ako! Mataas man ang journey ko towards becoming CPA pero everything is worth it. Maraming tinuro sa akin ang Diyos at isa na dito ay ang magtiwala lalo sa kanyang mga plano. Indeed, God’s delay is not God’s denial. Maraming mang doubts along the way pero si Lord lang talaga humahanap ng paraan para mabalik ang confidence ko at mas lalong magtiwala sa Kanya.

    Kaya sa mga soon-to-be-CPA’s, kayang kaya yan! Disiplina at pagmamahal sa accounting and of course sabayan natin ng maraming dasal lang ang sekreto dyan. Keep on dreaming and believing that you can do it! And for that may God be praised! :)

    #RoadtoCPA

    -- EIS, CPA

    Davao

    Posted