• paul of Others

    Failed. Failed. Conditional. Passed

    My journey to my CPA dream was full of humps and bumps. First review ko, nakipagbreak yung long term bf ko saken, that was 1 month before the exam. And all I can say is sobrang naapektuhan ako sa nangyari. Parang nawala lahat ng inaral ko at ang babaw ko mag-isip nun pero tinuloy ko pa din mag-take ng exam, ayun nag-failed. Hindi ko matanggap ung nangyari so nag-second review ako, naging adjustment period ko din to, binago ko pati yung thinking ko, naging positive at hanggat makakaya iwasan isipin yung mga bagay na makakapag-alis ng focus ko sa review. Naging mahirap pero pinilit kong kayanin, iniisip ko noon para sa magulang ko tong ginagawa ko. Kaso nag-failed pa din ako, pero this time nakita ko na ang laki ng improvement ko. Kinulang lang ng konting percentage pasado na sana. Sabe ko noon parang ayoko na. Pero sabi ng parents ko ituloy ko na konti nalang yun oh. Ayoko ko ng tumuloy kasi naiisip ko yung gastos nila. Pero ayoko din naman agad agad i-give up yung pangarap ko.

    So ayon, nagdecide ako ulit magreview, self study na lang sana. Kaso required nako mag-refresher, so ang ginawa ko na lang noon hindi na ako nag-dorm sa Manila. Pinili kong mag-uwian from my province papuntang review center, para makabawas sa gastos ng parents ko. Nag-weekends na din ako para ung weekdays schedule ng self study ko yun. Inayos ko talaga yung schedule ko nun. This time ang naging struggle naman sa review ko yung nagkaroon ng kung ano anong sakit. Siguro dahil sa stress at sa kakaibang usok pag bumabyahe. Pero tuloy pa din. Hehe. Nagpapahinga lang pag kelangan, naghohome remedy para hindi maging hassle. And then after exam at lumabas na yung result, hindi ko na naman nakita ung name ko sa list. Sobrang umiyak nako that time. Tinatanong ko yung sarili ko, ano pang kulang sa nagawa ko. That day also, nagpunta ko sa church, sobrang naguguluhan na kasi ako. Binigay ko na kasi yung best ko pero wala pa din. And then, naisipan kong humingi ng sign. I asked Him na pag hindi ako na-Conditional, igi-give up ko na yung pangarap ko. Sobrang hirap sabihin saken non, dahil ang dame ko ng nasakripisyo. Yet ginawa ko yun to decide for my life and dream. Then nung na-verify ko yung ratings ko. Boooom! Conditional/Removal ung nakita ko. I cried that time, thanking God na binigay niya yung sign na gusto ko talaga. :)

    Fourth review ko, sabe ng parents ko magreview center pa rin daw ako. Para masigurado na naten ang pagpasa. This time binili ko lahat ng textbooks na kailangan kong mabasa at sagutan. Tax kasi at Afar yung ire-removal ko. Sobrang effort yung ginawa ko sa last review ko, I met a professor na handang magturo saken for free. Kinuha ko yung opportunity na yon. Nagsagot ng maraming problems everyday sa textbooks, sa mga handouts ng review center, at the same time nagsasagot din ako sa iCPA website. Inaabangan ko lagi ung mga open preboards nila. At tuwing magsasagot ako, inoorasan ko para mas masanay ako sa time pressure na. Habang nasa byahe pinapakinggan ko yung recordings ng lecture ng reviewer ko. Lahat ng ways na pwede kong magamit yung oras ko sa pagrereview tinry ko. Kasi ang nasa isip ko non, hindi ako pwedeng makampante na condi nako. Yung effort kong mag-aral as if complete subject pa din yung itatake ko. Whole day aral. Hindi na din ako nagpupuyat para makaiwas na sa sakit. Nung malapit na talaga yung actual board, eto na yung time na cramming. Pero para saken dahil naging maayos yung flow ng review ko nito, at alam kong nadaanan ko lahat ng concept, nagtiwala nalang ako sa sarili ko at the same time nagsagot nalang ako ng mga preboards at preweek ng iba't ibang review center. And then finally! Nung hinihintay nalang ang result, ayoko na talagang abangan. Sa trauma na hindi ko makita yung name ko, naghintay lang ako ng tawag, and hindi ako nabigo. May tumawag saken saying na nakapasa nako. And that time I also cried, but that was tears of joy. Sobrang nakakaiyak na at last masasabi ko ng CPA na ako. :)

    Natagalan man ako sa pag-abot ng pangarap ko, maraming mang hirap at sakripisyong pinagdaanan ko, sa bandang huli pag nakamit mo na yung minimithi mo. Mapapawi lahat ng hirap mo :) Sabe nga nila, hindi mahalaga kung paano ka bumagsak, ang mahalaga kung paano ka bumangon. Kapag gusto mo talaga ang isang bagay, walang makakapigil sayong makuha mo to. At mag-eeffort ka talaga to make it happen. And syempre hindi ko magagawa ang lahat ng ito, nang walang tulong ng ating Panginoon. Study hard, pray harder. :) Naging mahirap man yung process pero masasabi kong worth it lahat. Sa dame ng natutunan ko sa accounting at lalong lalo na sa buhay. :)

    Shinare ko tong story ko para sa mga nawawalan ng pag-asa. Na hindi ibig sabihin ng failure ay i-give up yung pangarap mo, but a challenge for you to prove na gusto mo talagang maging CPA. Kaya mo yan! Kinaya ko e. :)

    Godbless everyone!

    -Ms.CPA 2017

    Posted