Tiwala sa sarili at tiwala kay Lord
-
paul of Others
I took the May 2017 CPA board exam, and thank God pasado na po ako. That was my 2nd take by the way. So how did I get here? And ano yung mga struggles na pinagdaanan ko?
First, nung undergrad pa ako, by the way, sa isang hindi kilalang school ako nag-aaral. Sobrang chill ko lang talaga nung undergrad. Nag aaral lang the night before exams nakakapasa naman kaya okay lang. Pero pagdating ko ng 3rd year, nagka bagsak ako. Income Taxation mga bes, grabe sobrang iyak ako nun hindi ko alam paano ko sasabihin sa parents ko na may uulitin akong subject. Sem-break noon at nasa vacation ako with my mommy tapos kumuha ako ng magandang timing para sabihin sa mommy ko na bagsak ako sa tax. Akala ko magagalit siya pero ang sabi lang ni mommy: "Hindi na ba makukuha sa dasal yan?" Natawa siya pero ako kinakabahan talaga. Tapos sabi niya: "Okay lang yan nak, ulitin mo nalang ganun talaga, alam ko namanna mahirap." Kahit ganun sinabi ni mommy alam ko na malungkot siya.
So after nun, nag promise ako sa sarili ko na first and last na bagsak ko na yun. Kaya nung 2nd sem na ng 3rd yearr nag-aaral na ako nang mabuti at pag may hindi ako maintindihan nagtatanong talaga ako sa mga friends ko. Four years lang ang BSA sa school namin kaya naman full load kami at may summer classes pa. Nung 4th year na kami, pang gabi yung klase namin kasi mostly ng mga professors namin part-time lang kaya pag umaga hanggang hapon nag o-ojt kami tapos 5 pm - 9:30pm class namin grabe kaya pagdating sa bahay kain nalang tapos tulog na kasi maaga pa gigising dahil sa ojt. Hindi ko kinaya yung pagod mga bes, kaya after 2 weeks kinausap ko yung supervisor ko kung pwedeng thrice a week nalang ako papasok sa office kasi sobrang nakakapagod at wala na akong time mag aral. So ayun, pumayag naman siya. Kaya lang medyo matagal akong natapos sa ojt halos patapos na yung sem bago ako matapos.
So fast forward, 2nd sem na, araw araw nasa school kami Monday hanggang Sunday, pag Saturday and Sunday kasi review classes namin which is part of our curriculum kaya no choice. Monday to Friday pa din regular napasok namin at pang gabi pa din pero pag Monday and Thursday may class kami ng morning kaya ang haba ng vacant ko pag Monday and Thursday -- 5 hours. Gusto ko sana umuwi kaso 45 minutes yung byahe ko from school to bahay nakakapagod tapos ang init pa sa Pinas and mas mahal pa yung pamasahe ko kaysa sa pangkain ko, at bilang isang accounting student mas pipiliin natin yung less costly at more beneficial kaya kakain nalang ako at tatambay sa library para malamig. Most of my vacant periods are spent in the library, at yung mga kasama ko ay nagrereview kaya nakakahiya kung hindi ako kukuha ng librong babasahin. At sobrang nakatulong yun sakin.
Fast forward ulit, final exams were done at judgment day na, malalaman na namin kung gagraduate ba kami o hindi. Napasa ko lahat ng subjects ko except dun sa pre-board namin na kailangan maipasa ko para maka graduate. Iyak na naman si ate gurl niyo kasi paano ko ba sasabihin sa magulang ko na hindi pa ako gagraduate. Pero ginawan ko ng paraan, ayaw ko silang i-disappoint kaya full force kaming mga hindi makakagraduate dahil sa pre-board na yan. Kinausap si dean, at si chairperson. Nagkaroon ng agreement (di ko na sasabihin kasi sobrang haba at baka bawal din ipagsabi). So happy na ulit si ate gurl kasi graduate na siya.
Eto na Review days, nag start ang review namin last week ng May hanggang September. Si ate gurl niyo naman bago lang sa Manila (Sa CRC-ACE ako nagreview, by the way) first time walang curfew from parents kaya hala sige gala ng gala minsan umuuwi gabing gabi na. Hindi na ako nakakapag advance study kaya ang nangyayari hinhintay ko nalang idiscuss ng reviewer namin yung mga sagot sa review materials. Nag first pre-board, ayun bagsak si ate gurl. At umuwi ako sa hometown ko para i-settle yung agreement with our dean and chairperson. And fortunately, na-settle naman.
As the days go by, papalapit ng papalapit na yung Actual board exam pero parang wala pa din ako sa kalahati ng dapat kong aralin kaya naman ang ginawa ko... pagkagaling sa review center ng umaga, kain tapos review na hanggang sa magugutom na ako dinner time na pala tapos review nanaman hanggang sa antukin na. At aaminin ko, sobrang napipilitan nalang ako mag-aral. Btw, lagi akong nagsisimba sa St. Jude pag Thursday pero nung umpisa lang. Nung malapit na kasi yung board hindi na ako pumupunta kay St. Jude naisip ko na maiintindihan naman niya ako. Fast forward ulit... final pre-board na, bagsak nanaman si ate gurl. Sabi ko sa sarili ko, okay lang may pre-week panaman. So dun ko na talaga sobrang inaral lahat at pagdating ng actual board, sobrang nadalian ako. Pero mali pala yung nadadalian ka.... sabi nga nila: "If it seemed easy, you're doing it wrong."
Natapos ang exam, lumabas ang result -- FAILED. Ayun halos 1 week akong umiiyak. Gusto ko na mag work pero ang gustong parents ko eh itry ko ulit at mag review ulit ako kaso sobrang nahihiya na ako sa kabaitan ng magulang ko.
December 2016, nagdecide ako na wag muna mag work at mag self review sa bahay. Inisip ko lahat ng mga mali ko at kung paano ko itatama. Mali na hindi ako nagsisimba pag Thursday at ang reason ko kasi nagrereview ako kulang na ako sa time pero nagagawa ko namang gumala pa sa mga oras na yun (sorry po). Kaya nung nasa bahay ako, kahit hindi ako nakakapunta sa church, I make sure na every Thursday mag no-novena ako kahit nasan pa ako. Mali din na gala ako ng gala sa Manila kaya sobrang daming gala yung sinacrifice ko this time para makapag focus sa review.
Dahil wala nang professor or reviewer, triple effort mga bes na forced akong aralin mag isa lahat, pag may di ako masagutan, search agad sa net baka may similar problems tapos may explanation. Minsan pinipicturan ko yung problem tapos sinesend ko sa mga friends kong CPA na.
January 2017 nakipag break sakin bf ko pusang gala naman bes oh bakit ngayon pa? Ang wrong timing mo sobra. Nagrereview ako eh dagdag ka pa sa problema ko. One month akong malungkot, umiiyak, di makausap nang matino at di makapag review. Nasayang yung isang buwan. Pero thankful pa din ako kay Lord kasi isang buwan lang ako naging ganun, after a month ginising niya na ako sa reality na hindi dapat iniiyakan yung mga lalaking katulad niya. Tapos nawalan pa kami ng katulong sa bahay (basta secret na yun kung bakit) so walang gagawa ng mga gawain sa house kundi ako lang kasi both parents ko nasa work and yung three little sisters ko nasa school.
So inayos ko schedule ko. Pagkagising ko ng 6:30 am, breakfast then pahinga konti, house chores na, then kain ng lunch tapos ligo then pahinga 30 mins. review na hanggang 6 or 7 pm tapos dinner time na.
Yung schedule ko hindi per subject sa isang araw. Per topic yung ginawa ko. Ang goal ko is matapos yung naka schedule na topic sa araw na yun or kung ilang araw man yung nilaan ko para sa topic nayun. Kaya kung before dinner time tapos ko na, okay na. Matutulog na lang ako. Pero may mga times na umaabot ako hanggang midnight para matapos ko.
Hindi ako nakakapag review pag weekends kasi ang gulo sa bahay at umaalis din kami para magsimba.
Ayun yung naging review sched ko at naging effective naman.
Fast forward....I took the board exam at talagang nahirapan ako pero it's a good thing kasi last time nadalian ako pero bagsak at ngayon, nahirapan pero pasado na. Yey! Ang sarap sa feeling na may tatlong letra na nadagdag sa pangalan ko.
Thank you St. Jude Thaddeus because you prayed for me and thank you so much to our Almighty God for answering those prayers.
Thank you din sa family and friends ko nana naniwala, sumuporta at nagdasal para sakin. Lalo na sa dalawa kong kaibigan na nag adopt sakin ng 2 weeks sa Manila para may mapag stay-an ako during exams. Mahal na mahal ko kayo. Sa ex ko naman, "Who you?" ka ngayon CPA na ako. HAHAHAHAHAHA
Kaya mga bes, wag kayong susuko ha. Masyado ng madaming sleepless nights yung nasacrifice nung college, yung mga pimples at eyebags na nakasira sa ganda mo, at yung mga luhang nasayang dahil sa ex mo (charot lang hahaha) ngayon ka pa ba susuko? Ang layo na ng inabot mo bessy. Kung ako nga na hindi gaanong okay yung foundation nung college kinaya, tapos self review lang, kayo pa kaya? Laban lang, tiwala sa sarili at tiwala kay Lord.
-Ms. CPA May 2017
Sa mga na-curious, eto nga pala yung mga materials na ginamit ko:
*FAR- Prac 1 Review book (Uberita)
*Auditing- Review book (Roque)
*RFBT- Notes in Business Law (Soriano)
*Tax- Review book (Ampongan)
*AFAR- ginamit ko yung mga quizzers namin sa CRC dati and also yung pre-week materials.
*MAS- nagsagot lang ako ng pre-board from CPAR tsaka yung mga quizzers ko din from CRC
Nagtake din ako ng open final pre-board sa prtc para makatulong. Nireview ko yung Auditing Theory at yung Theory of Accounts a week before the actual board exam. Nagsagot sagot lang ako ng mga questionnaires.
Posted