• paul of Others

    Sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam na makuha mo ang isang bagay na talaga namang pinag-hirapan mo. Hindi naging biro ang naging journey ko in passing the board exam. Oo, alam ko hindi naman kakaiba ang storya ko sa iba. Ang daming challenge. Pero ang alam ko, basta matibay ang faith and perseverance mo, makukuha mo ang bagay na talagang gusto mo kahit na sobrang hirap pa nyan.

    I took the board exam last October 2016. Nag review ako sa Manila. Hindi naman ako yung studyanteng kagalingan. Nadadaan lang sa matyagang pag-aaral at pagpupuyat. During the review, sobrang sipag ko mag-aral. I make sure na lahat ng handouts bago pumasok eh nasagutan ko na. Para susundan ko na lang ang discussion ng reviewer, pagkatapos rereviewhin ko ulit pag-uwi ng dorm. Ganon ang naging sistema ko. May times din naman na hindi ko yun nagagawa kasi ang dami pa talaga dapat basahin lalo na sa RFBT at AFAR. Masipag din ako pumasok especially during preweek. Pumapasok talaga ako ng madaling araw basta maka-attend lang sa room 1. And I perform well during the Preboards. Parehas pasado naman. Sabi ko, kung naipasa ko ito may chance na papasa ako sa actual board exam kasi mas mahirap ang preboards. Hindi ko rin nakakalimutan na magdasal at bumisita lagi kay St. Jude Thaddeus. At ipinagdadasal ko din na sana pumasa na talaga kasi nakakahiya na rin sa mga magulang ko, dahil marami din gastusin sa amin. But during review, hindi ko iniisip yun kasi nga dapat mag focus sa pagrereview, wala dapat distractions. Kaya ang mindset ko nun, bahala na si Lord. Alam nya naman na ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko.

    Tandang tanda ko nun, lumabas ang results ng Oct 2016 Board Exam. Hindi ko pa alam nun na may results. Tinext na lang ako nung friend ko na, kamusta ka na? Ok lang yan!, nireplyan ko siya, sabi ko, Bakit? Anong nangyari? Nung moment na yun, kinabahan na ako. I opened my FB acct. and saw some of my friends' post about passing the board exam. I look on the lists, dalawang beses ko pa tinignan. Wala ang name ko. Para akong nanginig na lang bigla at pinagpawisan ng malamig. Umasa ako na conditional ako. Kaso walang conditional sa lists. Ang nakakalungkot pa doon, ako lang ang hindi nakapasa sa mga kasama ko sa dorm. :(

    Ang sakit-sakit. Sobrang nakaka-down lang talaga. Sabi ko, anong gagawin ko. Paano ko ito sasabihin kila Mama. Sobrang nahihiya ako. Hindi ko na napigilan umiyak. Tapos napayakap ako nun kay Mama. Sabi ko, Ma, sorry. Conditional ako sa TAX at LAW. Yun ang mga salitang nasabi ko. Kahit alam ko naman na bagsak ako. Nagsinungaling ako sa kanila. Alam ko mali, pero ayoko sila ma-disappoint talaga. Hindi ko masabi sa kanila, natakot ako nung mga panahon na yun. Kaya mas mabuting sarilinin ko na lang. Wala akong gana buong araw, hindi rin ako nakaramdam ng gutom, at natulog lang ako maghapon. After nun, kinausap ko ang parents ko. Sabi ko, gusto ko mag review ulit. Buti na lang talaga pumayag sila. Kaya naman this time, super aral talaga ako. Inintindi ko kung saan ako nagkamali, at kung ano pa ang mga dapat gawin para pumasa.

    May 2017 Board exam. Sabi ko, parang nag double review lang ako nito. Dapat kaya na 'to. First day ay TAX and RFBT. Natuwa ako kasi nadalian ako eh. Ok din ang ibang subject except lang talaga ang AUDIT at AFAR, dahil sobrang hirap nya talaga. Hindi ko lang alam sa iba. Again, ipinagdasal ko na lang. Binigay ko na lahat ng makakaya ko dito.

    After 1 week, lumabas ang results ng gabi. Wala ako sa list. Sobrang nanlumo ako. Sabi ko, Bakit? Sobra ba akong makasalanan para hindi ipasa ulit. Then, yung isa kong friend, sabi niya may dalawang conditional daw at isang failed.

    Nagkaroon ako ng hope na isa ako sa conditional. Kaso ilang days na ata, wala pa rin grades kaya hindi pa rin ako mapakali, baka ako yung failed. Pumunta na ako sa PRC non, habang nasa byahe ako nagdadasal ako na isa ako sa conditional. Habang nakapila ako sa windows, ibinigay na sa akin ang grades and sabi sa akin ay, Sir, conditional ka. Sobrang tuwa ko kasi nagbunga lahat ng pinaghirapan ko kahit papaano. Sabi ko konti na lang. Guess what? Dun pa ako na conditional sa TAX at LAW. Sa subject kung saan ako confident. Yan din ang sinabi ko kay Mama na subjects na na conditional ako kahit hindi naman talaga. How ironic. Iba talaga pag si Lord na gumawa ng move nya. Natakpan yung lies na ginawa ko. Pasalamat na rin ako kasi pumasa ako sa Auditing at AFAR,dahil sobrang hirap nya eh.

    October 2017 Board Exam. Sinabi ko sa parents ko na conditional pa rin ako sa TAXat LAW. Sabi ko, itatake ko pa ulit ngayon. Last na. Pero sabi sa akin ng magulang need ko na daw mag work kasi marami na rin ang gastusin. Ayoko man, pero wala ako choice. Nagpasa ako sa iba't ibang companies. Tanggap naman, pero mas pinili ko mag part time teacher kasi mas maluwag ang time at may mas time na makapag aral pa. Hindi ko naman kasi priority ang kumita ng malaki eh. Ang goal ko talaga ay makapasa muna ng board exam. Naging challenge sa akin ang pag balanse ng oras ko. Kasi uuwi ako galing work tapos mag-aaral pa. Minsan nakakatulog na lang ako sa pagod. Iba pa rin ang pakiramdam kapag full time review ka. Another challenge din sa akin yung special topics na nadagdag sa TAX at LAW. Panibagong aral na naman, buti na lang yung mga friend ko na nag-rereview sa Manila binigyan ako ng mga handout. Good thing nabasa ako ang handouts ng iba't ibang review school kaya advantage din talaga.

    Malaki din ang tulong na naibigay sa akin ng ICPA sa akin. Bukod pa sa updates and motivations na binibigay nila, nakatulong talaga ang mga drills na provided sa site nila. Kapag vacant time ko sa work, nagsasagot ako online. Kapag tinatamad ako magbasa ng handouts, nagsasagot pa rin ako. Sobrang mahalaga ang oras sa akin nun. Sinisigurado ko na wala ako nasasayang na oras at hangga't maaari, dapat nakakapag review talaga ako. But of course, hwag naman kakalimutan ang magpahinga. Importante yun.

    Mahigit 2 weeks ang hinintay namin sa results. Sobrang kabado ako. Maraming pumapasok sa isip ko. What if bumagsak na naman ako? Sobrang nakakahiya kasi madami na rin nakakaalam sa amin na nagtake ako. Besides, ayoko na rin umulit kasi nakakapagod mag-aral. Gusto ka naman na mag level-up sa new chapter of my life.

    Umaga ng Nov. 2, nakalagay sa ICPA na ilang hours na lang daw may results na. Lalo ako kinabahan. Kaya bago ako magwork, dumaan muna ako sa church. Pinagdasal ko talaga ng mataimtim na sana ibigay na sa akin. Buong araw akong kabado,mabigat ang pakiramdam at hindi mapakali. Ngayon ko lang naramdaman ito eh. Bago nga ako umuwi dumaan ulit ako sa church para magdasal ng mataimtim. Hanggang sa umuwi na rin ako.

    Before 12 midnight, nag-aabang na ako. Dun ako nakaabang sa site. Hanggang sa maya-maya na lang, may nag chat sa akin. Nag-congrats na sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala, sabi ko hwag mo ko pag trippan, wala pa kayang results sa PRC site. Tapos sinend niya sa akin yung screen shot ng list of passers, nandoon ang name ko. Tgnan ko daw yung PDF file ng list kung gusto ko. Nagmadali ako, tinignan ko talaga. Totoo nga! CPA na ako. Sa wakas! Makakahinga na ako ng maluwag.Para akong nabunutan ng tinik. Sobrang saya ko, para akong nakalutang sa alapaap. Nagbunga na lahat ng sakripisyo at paghihirap ko. Kitang kita ko sa mukha ng mga magulang kung gaano sila kasaya. Hindi talaga ako makapaniwala!!!

    Marami akong gustong pasalamatan, alam ko na hindi ko ito ma-aachieve ng ako lang mag-isa. Maraming ginamit na instrument si Lord para makarating dito. Taos puso ako nagpapasalamat sa kanila. Finally, sinagot na ni Lord ang dalangin ko.

    Isa lang ang masasabi ko sa mga hindi pinalad na pumasa ngayong board exam. Hwag na hwag nyo susukuan ang pagtake ng exam. Yan ang nasa isip ko nun, hindi ako titigil hangga't hindi ako pumapasa. Yes, masakit sa una, pero mas mahirap ang magkaroon ng regrets sa dulo kung bakit hindi pinursue ang bagay na talagang gusto natin.

    Marami ako na encounter na examinees na nagtake na dati, pero tumigil at nag-work, pero nandyan sila, bumabalik at gusto pa rin mag-exam ulit, may pagsisisi kung bakit hindi nila itinuloy ang pag eexam.

    Marami sa examinees ang na-didiscourage na magtake ulit ng exam dahil lang sa nag failed sa 1st exam. Oo, pwede tayo mag-emote sa first week, pero mag move on din tayo kasi tuloy pa rin ang laban. Pwede natin i-consider ang failure as motivation para magpatuloy sa buhay. At isipin natin na laging may magandang dahilan sa mga nangyayari sa atin, mabuti man yan o masama. At iwasan din pala natin icompare sa ang sarili natin sa iba dahil magkakaiba naman tayo ng journey. Dahil hindi natin alam kung anong klaseng hirap din ang kanilang pinagdaanan.

     Marami ako natutunan sa journey na ito. Ito ang way ni Lord para matuto sa mga bagay na akala natin ay hindi natin kayang i-overcome. Lahat kakaynin natin basta kasama natin si Lord sa mga bagay na gusto natin ipursue sa buhay. Sabi nga eh, There's no such thing as failure, only delayed success. Pana-panahon lang yan. :)

    Posted