Pag-asa at Pananabik
-
paul of Others
Graduated in 2013, Passed the Board in 2017
Bakit ako hindi agad nagtake? Apat na taon. Opo, apat na taon akong natakot magtake ng CPA Board Exam. Natakot ako na mabigo. Natakot ako na mapahiya. Natakot ako na madisappoint ang mga magulang ko. Natakot ako kasi alam kong isa sa pinakamahihirap, kundi man pinakamahirap, na examinations ang CPABE.
Bakit ako nagtake? Natakot din ako. Natakot akong na baka pagsisihan kong hindi ako nagtake ng CPABE. Na hindi ko man lang tinry. Natakot ako na baka huntingin ako ng CPABE at sabihin nya sa aking bakit ka pa nagBSA kung hindi ka rin naman magboboard. Natakot akong maging stagnant na lang, walang pag unlad at paglago. Natakot ako na dadami na daw yung icocover ng mga subjects sa board especially Taxation and Law(hehehe).
Opo. Pareho ang dahilan ko, TAKOT. At sinong magsasabi na dahil sa takot, naging CPA ako. Gawin nating HAMON ang TAKOT. Gawin nating PAGTAWAG and bawat PANGAMBA. Gawin nating PAGKAKATAON ang anumang PAGSUBOK. Nang sa gayo'y hindi panghihina ng loob ang pumuno sa isip at puso natin kundi PAG-ASA at PANANABIK na ang anumang nais natin ay makakaya nating makuha.
Remar Allen M. Bautista, CPA
Posted