• paul of Others

    "God's plan is always better than ours" yang kataga nayan ang itinatak ko sa isipan kung bakit ang ilap-ilap ng tatlong letra na matagal ko nang pinapangarap. By the way isa nga pala ako sa pinalad na nakapasa sa isa sa pinakamahirap na board exam sa pilipinas(CPA board May 2017) at sa wakas narindi rin ang tenga ni Lord sa paulit-ulit kong pagdarasal. 

    By the way this is my story, at first diko talaga pinangarap maging accountancy student kasi alam ko na mahirap kasi pag nakikita ko ung dalawa kong ate na nagaaral nung time nila ng sobra napaiisip ako ayoko talaga at ang gusto kong kunin ay culinary (CPA din ung ung dalawa kong sister) and since mahirap pa ang buhay noon at gustohin ko man ipursue ung culinary wala kaming budget. Nagtake ako ng entrace exam sa isang university sa amin and sa awa ng Diyos pumasa pero ayoko talaga dun kasi konti lng naman ang pamimiliang mung course and since accountancy na yata ang pinakamaganda dun nagaccountancy ako at heto buti umabot ang score ko para maging accountancy student ka(meant to be siguro talaga). Sa pag-aaral ko pinilit ko mahalin si accounting kahit na napipilitan lng ako, ang hirap din pala nasanay kasi ako nung high school na petics pero pumapasa at nadala ko un nung collage kaya naman dahil sa katamaran ko hindi ako pumasa sa evaluation exam at nagsummer class sa manila(main campus kasi branch lng kami) and since kako konti na lng ung units ko pinilit ko pagsabayin ang pagaaral at trabaho. Napasok ako sa isang maliit na audit firm then daily routine ko na ung aral at trabaho. Dumating na ang graduation (December 2015) sa wakas nakagraduate nako! :) :) :)

    Nag Resa ako weekends kasi nagwowork parin ako. Gusto ko sana magresign at magfocus kaso inabutan nako ng audit season at ang daing pending na naiwan sa akin. Gusto ko sana bago ako umalis natapos ko lahat. Sobrang sipag ko kahit na late ako umuwi pagdating aral pa din tapos sa office lagi nakasalpak ang headset sa tenga ko at paulit-ulit ko pinapakingan ang record ng mga reviewer ko sa resa habang nagprepare ng returns at gumagawa ng FS. Ang laking tulong din ng iCPA lalo na ung mga online quizzers nila, pagbreak sa office nagsasagot lng ako dun at pag nakatalikod si boss mga quizzers ng iCPA ang sinasaagutan ko. haha! masyado kasing obvious pag libro hawak mu :)Dumating ang 1st preboard nakakatuwa kasi pasado at saka nasa 25℅ ako ng rank sa Resa(sabi kasi nila para pumasa ka dapat nasa 25% ka) tapos ganun ang routine ko lagi hangang dumating ang final preboard at di ako makapaniwala top 44 ang kuya mo sabi ko sa sarile ko partida na kayo nagwowork pa ko. Tumaas ang confidence ko na papasa ako on my first take kasi top 100 ka nga.

    Dumating ang Actual board at lumabas ang resulta ng MAY 2016 naglaho ang mundo ko at wala ako sa listahan ng mga nakapasa... ang SAKIT SAKIT talaga :( (lesson hindi assurance na pag top 100 ka papasa ka agad). Ang sabi ko sa sarile ko bakit Lord? Masama ba akong tao? Ginawa ko naman lahat...Agad ako pumunta sa PRC para alamin kung ng condi man lng ba ako pero sinabi lng sa akin dun maghantay sa page nila at ipopost. Wala akong napala sa pagpunta dun kaya luhaan akong bumalik sa probisya nmin sakay ng bus at nakatulala sa labas habang umiiyak tapos takip ng kurtina ng bus ang muka ko(nagtataka nga ung katabi ko kala nya siguro heart broken ako)..Habang nakasakay ako sa bus bilang tumugtog ung kantang "Maghintay ka lamang" parang ginawa ung kanta para sa akin! My lyrics dun sabi "kung hindi ngayon ang panahon na para sa iyo wag maiinip dahil ganyan ng buhay sa mundo at magtiwala sa KANYA at maghintay ka lamang" Buti na lng nandyan ang family ko para patatagin loob ko medyo pressured din kasi ako kasi ung dalawa kong sister pumasa sa unang take nila kaya dapat kaya ko rin kako pero wala eh hindi talaga para sa akin that time.

    Lumabas na ang verification of rating excited nako malaman pagkita ko may malaking X sa gilid at FAILED ako at eto mga best 74% ang general aveage ko at hindi man lng ako nacondi kasi tatlo lng ang 75% ko pataas ung tax ko 74% isa na lng condi nako..huhu! :( :( Iyak ako ng iyak ang daming why questions na tumatakbo sa isipan ko. Pinilit ko tumayo at kinalimutan ang lahat at nagfocus sa work. Diko alam kung magtake ba ulit ako or magwork na lng muna. Dumating na ang October batch talagang wala sa isip ko ang magtake baka sa next na lng kako. Tapos one day nagmessage sa akin ung classm8 ko sabi nya " uy di ka ba magtake? Sayang nman ung naretain sa utak mu..take ka pa". Nagtatalo ang isip at puso ko kung magtake ba ko kaya humungi ako ng sign kay Lord pero hangang dumating ang deadline ng filing sa PRC pero wala parin ung sign na hinihingi ko. Tapos mga ilang araw lang extended raw ang filing nagchat ulit ung classm8 ko "uy ito na yung sign na hinihintay mu! Extended ang filing" Nagfile ako at nagleave ng 2 weeks before board sinubukan ko ulit magtake kasi wala namn mawawala at saka malapit naman sa katotohanan ung average ko before baka makalusot.

    Nireleased na ung passers ng OCTOBER 2016 wala na naman ang pangalan ko! Huhuhu! :( Pero infairness di ako masyado nasaktan dito kasi talaga nakipagsapalaran lng ako at dati kong 74% naging 69% na lng.  Ang dami kasing nangaling sa ibat-ibang review center eh wala naman ako balita kasi self study lng ako ng 2 weeks...Napaisip ako sa sarile ko na yes naggegain nako ng experience as an auditor but as of now di ko parin nakukuha ung 3 letters na matagal ko na inaasam. Actually ako lng nman ung mapilit magwork kaya naman ako suportahan nila ate kasi CPA narin sila parehas (bunso kasi ako). Yes alam ko un pero nahihiya ako kasi dapat income nako ng family pero hangang ngayon isa parin akong malaking expense...Nagresign ako ng november di nako nagpaabot pa ng audit season at ang final pay ko ang pinangenroll ko sa review center ( CRC ACE)Since refresher nako this time kasi twice nako bumabagsak talagang required ka pumasok lagi(may attendance ang refresher). Ang ganda ng turo sa CRC ACE back to basic talaga tapos ang gagaling ng mga reviewer napapasimple nila ung mga topic na mahihirap. Nagaral ako ng nagaral on the past 6 months and confident talaga akong sabihin natapos ko lahat ng handouts nmin nabasa ko lahat..Ishortcut ko na!

    Final preboard na confident ako na maipapasa ko sya kasi nagexam din kming mga refresher(special exam para issuehan ka ng permit) ang taas ng score ko so sabi ko malamang ung final preboard namin nahahawig lng din sa tanungan dun, pero nagkamali ako ng akala! Huhuhu! Sabi ko sa sarile ko bakit ganun naaral ko nman lahat pero ang hirap parin? Or talaga lng OA ung final preboard ang hirap. Pero nagulat ako ng lumabas ung resulta ng final preboard top 44 ako sabi ko sa sarile ko eto na nman yang 44 nayan( dejavu ba ito?) sana naman kako this time ang 44 means rising44 at hindi fallen44..hahaha! Dumating na ang actual board confident talaga ako compare dun sa first 2 takes ko. Sabi ko pag akoy hindi pa pumasa this time na nagresign nako hindi talaga para sa akin at pinangako ko sa sarile ko na ito na ang huling take ko..Kada subject wala akong ibang ginagawa kundi magdasal at lahat yata ng santo at mga banal nagtawag ko na..sinunod ko lahat ng pamahiin nagsuot ng underwear na pula, maglagay ng piso sa sapatos, umikot ng 3 times sa upuan mu before magstart ang exam at  magdala ng red na apple...lahat yan ginawa ko! Di pa lumalabas ang resulta confident talaga ako na papasa ako kasi madami rin  nakuha sa CRC ACE lalo na sa AFAR at meron rin sa TAX  at FAR..May 29 deadline na ng posting ng passers di talaga ako makatulog kahit na confident ka hindi parin mawala sa isip mu magalala kasi nung first take ko confident din ako! Maraming nagsasabi before lunch daw lalabas na ung resulta pero hindi hangang 5:00 PM naghintay ako hangang sa pagod ko nkatulog ako dahil siguri sa puyat. Mga 9:30 nagising ako may 1 message sa phone ko kinabahan ako hinawakan ko ung bracelet ko na rosary at nagdasal bago bugsan ang kaisa-isang message sa phone ko.....dugdugdug! At heto na nga pagopen ko "CONGRATS! CPA ka na" ang lakas ng kabog ng dibdib ko agad ko tinawag mama at papa ko at sinabi sa kanila " Ma at Pa CPA napo ang bunso nyo, tatlong na kming CPA" Nakita ko pagluha sa mga mata ng parents ko kasi alam nila ang nanyaring hirap na pinagdaanan ko..Salamat din kay Lord kasi sinamahan nya ko sa CPA journey ko kahit na may puntong nagtampo talaga ako sa kanya. Isa lang ang di ko pinagsisihan na 3 times ako nagtake mas napalapit ako kay Lord ng sobra saka ang sarap sa feeling na ung bagay na datiy hirap na hirap ka makuha ngayon lahat nasa kamay muna...Sa mga katulad ko na nawawalan ng pagasa wag susuko kasi ang pangarap hinaharap at di sinusukun pag sumuko ka sa huli ikaw ang talo! At saka timing difference lng yan lhat tayo magiging CPA maliban na lng kung susuko ka..

    "Ang pangarap di sinusukuan bagkus hinaharap"

    -CPAbyFAITH

    Posted
  • lheicpa of San Sebastian College Recoletos Cavite

    Very inspiring for working reviewees like me...Thanks for sharing.

    Posted
  • NEXIA of Eastern Samar State University

    *teary eye* thank you for this. Laban lang tlaga. :)


    Posted
  • lushrombile of Northwestern University

    Naiyak naman ako dito.. huhu

    Posted
  • MarkDaveGonzales of City College of Calamba

    Bigla akong kinabahan. 2 weeks na lang! 

    Posted
  • mgpascual6213 of PSBA QC

    pampalakas ng loob! thanks for sharing! =)

    Posted
  • Blank of University of Caloocan City - Camarin

    ako din magiging working reviewee this November 2017. Pinag iisipan ko pa kung itutuloy ko na this November then suddenly I read this story. thanks for sharing! :) laban lang! for your family and for His Glory!

    Posted
  • --nutatoXcaj-- of STI College Global City

    Thank you so much. :)

    Posted
  • AngieSalvador of PSBA Manila

    Wow, ang ganda ng success story mo.I'm also a work in progress CPA😉. Hope makapagshare din ako dito after makuha ang title😊

    Posted
  • jhovz of Union Christian College

    Thanks and btw, Congrats!!. . nbuhayan ako dto, nagfile ako s PRC for October 2017 CPA Board and i should have taken the exam pero cge, aaminin ko, naduwag ako kc feeling ko hindi talaga ako papasa khit maraming naniniwala at nagdadasal para sa akin.. . . Maraming Salamat sa inspirasyon kapatid. . (corny na cguro kung sasabihin kong teary-eyed ako pagktapos ko basahin ung story, and corny cguro lalaki ako, pero hindi ako sinungaling eh. . hehehe) Thanks ng paulit ulit. . . 

    Posted