• paul of Others

    Hi. I’m Jel. Not my real name. I’d like to keep my identity private. Anyway. Ako si Jel, 22 y/o, May 2017 CPA board passer. Yes. CPA na ako. And that’s why I have the guts to share my story now.

    Noon, HS palang ako, pangarap ko by 21 y/o nagwwork na ako. Or atleast man lang, title holder na ako. Pero hindi lahat umayon sa plano ko. Why? Hindi ako nalate grumaduate. Grumaduate ako on time, kasama at kasabay ang totoong batchmates ko. Pero madami ako pinagdaanan. 1st and 2nd year, mejo nakakaya ko pa yung subjects. Di ganun kataasan, pero pasado. Walang bagsak. Walang below 2.5 ang grades ko. Then nag 3rd year, ditto na nagstart na makaexperience ako ng tres sa grades ko. Pero, God be Praised, umabot pa din ako. 4th year na, eto, hindi lang tres, kundi singko mga bes. Oo, bumagsak ako. Bagsak ako Sa Taxation, bumagsak din ako sa Advanced Accounting. Nakakahiya diba? Nung mga panahon nay un, ang naisip ko “Hala? Deserving pa ba ako maging CPA? Major subjects, parte ng pagiging CPA ko pero binagsak ko? Ang bobo ko naman” Pero sabi ko, wala naman ako magagawa, hindi naman ako natanggal sa program, kaya push lang, summer class? Oo, nag summer class ako. Cross-enroll? Oo, para lang din makasabay ako sa totoong batchmates ko. At dahil sa galling at bait ni God, nalagpasan ko yung challenge na yun. Nakagraduate akong BSA, ayon sa plano ko.

    Alam niyo hindi naman ako katalinuhan. Hindi na nga matalino, di pa masipag. Hahaha. Pano na diba? Pero mula nung bumagsak ako, natauhan ako. Na hindi pwede sa BSA ang tamad. Pero late ko na narealize, pero atleast, narealize ko padin. Gulo diba. Haha. 5th year student ako nag enroll pa ako sa review center, para sa undergrad review ko. Pero bilang lang yung araw na pumasok ako bes. Active kasi ako sa school. Officer, extra-curricular activities na sinasalihan ko at kung ano ano pa. At pang evening ako kaya most of the time tinatamad na ako mag review. Seryoso, bilang lang yung araw. Pero malakas loob ko at nag preboard pa din ako. 1st preboard, bagsak. At final preboard, hindi ako nagtake. Pero sabi ko may final review pa naman ako.

    So ayun na nga, grumaduate ako, at nag-enroll ule sa isang review center. Nung una, sinisipag, nagaaral. Pero dahil gala ang nauuna sa isip ko, mas mahaba pa din yung gala ko kesa sa pag-aaral ko. Nagaaral ako, 2-3 hrs lang. May kasama pang laro sa phone, social media, at kung ano ano pa. Tapos, dumadating din sa time na tinatamad ako pumasok, kikitain ko nalang boyfriend ko, gagala kami. Pero don’t get me wrong, hindi siya bad influence. Siya pa nga nagsasabe sakin na “May review ka diba? Bakit gusto mo umalis? Pumasok ka.” Pero di ko alam bakit ang tamad tamad ko pa din talaga. Feeling kop ag nag didiscuss alam ko yung topic, pero pag nagsasagot na ng handouts, kakabahan ako kasi hindi ko masagot. Pero hanggang kaba lang, hindi padin ako mamomotivate mag-aral. Nagaral lang ako nun less than a week before 1st preboard, at syempre bagsak. Duh. Magulat kayo kung pumasa ako diba. Haha. Nawalan na ako ng pagasa. Nagtuloy tuloy na. Pumapasok ako para lang sa handouts pero gala or uwi padin maaga. Pero di pa din ako nagaaral paguwi. Same old way, final pre board 2weeks before nag cram ako aralin lahat ng handouts na “NAIPON” ko lang. Nagimprove. Pero di pa din umabot sa 75% mga bes.

    So eto na, actual exam na. Kinakabahan ako. Na feeling ko alam ko naman pero di ko alam bakit pagdating sa actual, nahirapan ako pero feel ko madali sana. Dun na pumasok lahat. Madali, kung naaral ko lang. Madali sana, kung nagsipag ako. Sobrang pinagsisihan ko kasi yung coverage familiar lahat sakin pero hindi ko pa pinush aralin. SOBRA SOBRANG pagsisisi talaga. October 2016, I failed. What do you expect diba?  Sabi nga nila, magdasal ka. Pero magdasal ka kung may naaral ka. Hindi naman milagro ang exam diba. Unless, matalino ka at madaming stock knowledge diba. 😊

    So ayun, enroll na naman. Nakakahiya na sa magulang ko. Nakakatatlong review center na ako. Pangatlo to, plano ko ng asana magwork nalang. Pero may humahatak sakin na magtry at umulit pa ko ngayong May. Nakapaginterview nako and all, then last minute, tumanggi na ako ule. Nagsorry ako sa company na yun, kasi sabi ko, ittry ko pa din ule. Ayun nga nagenroll ako. Ibang iba yung feeling ko ngayon. Sa Parex ang last na inenrollan ko. Natuwa ako kasi andun ung mga magagaling na reviewer para sakin(Iba iba tayo ng standard kaya wag po magsabi na bias ako ha) nagsipag ako. Nakikinig ako. Walang absent, maliban sa isang subject. Kasi feel ko kaya ko na aralin magisa. HAHAHA. Lakas diba. Pero umattend ako nung  combined na. I can say na nagiba yung sipag ko, yung pagiging focused at determinado ko. Iba bes. Pag nahirapan ako sa topic, babalikan at babalikan ko talaga. Naeexcite ako palagi umattend. Kapag may bagong handouts, habang wala pa yung reviewer nagbabasa nako in advance or nagsasagot. Totoo yung sinasabe nila na kapag feel mo na wag mo na pakawalan. Kaya kahit makalaklak nako ng ilang kape G lang. Hanggang kinakaya ng utak mo. Hindi ako yung tipo ng studyante na nagpupuyat. Ang oras ko, umaga hanggang hapon or gabi kapag sinipag. Nappressure ako nung una na “Bakit grabe sila magpuyat. Tas ako ang sarap ng tulog ko” kasi nga bes iba tayo ng comfort zone diba. Hahaha. Kaya ayun, binalewala ko. Basta ako nagaaral ako. Wala ako namimiss na handouts or topic. Then 1st preboard mga bes PASADO AKO. AY SH*T TALAGA sa pangatlong review ko BESSSS PUMASA AKO AKALAIN MO YUN BBBEEESHHHH. Haha. Kaya tuwang tuwa ako. Mas namotivate ako. Mas nagsipag pa and all. Comes final preboard HALA SH*T BAGSAK BES ANUNA!!!!! Ayan na naman nawawalan na naman ako ng pagasa huhu. Pero sabi ko, wala ng atrasan nagfile na ako e. Push lang. Pagdating ng ACTUAL EXAM, pakiramdam ko ang gaan gaan ng feeling, di masyado kabado, feeling ready. Sabi ko, “Ayoko maging overconfident, pero bat ganito pakiramdam ko” Tapos umayon yung exam(sorry sa iba), pero umayon sakin in a way na wala yung mga weakness kong topic bes. Diba ang saya. Kaya todo pasalamat ako non. Sabi ko sana magtuloy hanggang sa 2nd batch ng exam. Mejo humirap para sakin, pero laban lang. Pero paglabas ko ng room after ng last subject(AFAR), magaan padin feeling ko. Nagpunta ako sa mga rebulto na meron sa school kung san ako naka assign at di ko alam kung bakit ang saya ko at thankful ako sobra. At naluha luha pa ako. Sabi ko sana ito na yun, Papa God. Kayo na bahala sa akin.

    At ito na ako ngayon, CPA NA ANG LOLA NIYO. HUHUH. Kaya wag maniniwala na, porke pumasa sa preboard, sure pass na, or kaya naman pag bumagsak, wala ng pagasa pumasa. Gawin niyo lang na motivation yung grade na makukuha niyo. At dadalhin kayo nun sa kung ano gusto niyo. At syempre, wag mawawala ang FAITH kay GOD. Number 1 yan.

    Kaya sa mga di pinalad, onting push pa, pinagaganda lang ni God yung storya niyo. KEEP FIGHTING.

     -JEL <3

    Posted