• paul of Others

    Grumaduate ako sa hindi kilalang school sa Bulacan. Thankful ako skanila kasi nakagraduate ako dahil sa scholarship nila. Sobrang laking achievement sa family kasi ako lang nakagraduate ng college smen at grumaduate ako as Cum Laude.

    1st take: October 2012 - Resa pinili kong review center dahil eto ung revommended sa school, sa Resa ko na narealize na in terms of knowledge eh sobrang layo ko pa pala sa ibang estudyante na ang reaksyon ko lage eh "ha? Bakit di ko alam yun? Bakit sila alam nila un?". So nagdouble time ako, kain-ihi-ligo-tulog nlng ang pahinga ko at 3-4hrs lang ang tulog ko. First and final preboard, passing ung average ko pero 75 lang yata. Alam ko madme pa kulang at maliit lang chance ko pumasa pero tinuloy ko pa din ang pagtake.  Eto na board exam na, sobrang nadalian ako sa actual board exam, compare mo sa preboards ng Resa, hindi man ganon kataas confidence ko na papasa ako pero umasa pa din ako na papasa ako. After last day ng board, kinabukasan ng lunch may results na. Ayon, wala sa list ung name ko, so alam ko n agad na FAILED ako. Hndi ako umiyak madali ako nagmove on dahil need ko agad magwork para sa family ko, nakapasok ako sa isang malaking real estate company.

    2nd take October 2013- nagdecide ako na magreview ulit and this time isabay sa work ko since wala nmang ibang magfufund para sa review ko kundi ako lang at isa pa eh sinusupport ko din family ko. Nag enroll ulit ako sa Resa. This time sobra yung pagmanage ko sa time ko, buti nlng nilalakad ko lang ang office from apartment then lakad lang din papuntang review center so nakakatipid ako sa oras dahil hindi na ako maiipit sa traffic. Evening class ang kinuha ko pero nagdecide ako na may piling subjects lang duon ung papasukan ko at ung iba eh sa weekend class nlng para hindi nman everynight eh napasok ako sa class ska para kako may time to review pag gabi din. Ginamit ko ung mga lessons na nakuha ko nung first take ko, dapat meron akong sapat na tulog which is 6hrs dpat lage at huwag masyado magpakabayani sa pagkain ng handouts.Lol. Mataas ang preboards ko compare sa 1st take ko, umaabot n average ko ng 81 at pasok ako sa top 30% so confident ako na kaya ko na this time. Eto na malapit n ang boards at nagleave ako sa office ng 1 month before actual board. Katulad ng 1st take ko nadalian ako sa exam pero ngayon sobrang confident ako na papasa na ako this time. Ayon kinabukasan ulit yung results, wala pa din yung name ko! This time hindi ko agad natanggap na bagsak ako, nakahiga lang ako habang nakatingin sa kisame at nagtanong ako kay Lord na bkt ganon? Para skin ba tlaga ung totle nato? Then kinabukasan pumunta ako ng PRC dahil hoping ako na condi man lang sana ako at sobrang tuwa ko nung nalaman ko na CONDI nga ako at Aud Theo dahilan kaya di ako pumasa (62 yata ung grade ko).

    3rd take July 2014. After ko malaman na Condi ako eh dalidali ako nag enroll para sa next exam which is May 2014. This time sa CPAR nman ako pumasok dahil magaling ang law nila. Since condi na ako, nagdecide ako na magresign na sa work para itodo na at matapos na ung journey ko sa pagkuha ng titulong ito at that time may ipon n ako kahit papano so hindi ko pa rin kelangan manghinge sa magulang ko during review. So mid-march 2014 wala na ako work, nagfull time na ako. April nasa momentum n ako to take the exam na scheduled sa May ngunit bago matapos ang April nag-announce na ang PRC na delay ang CPA board exam dahil kulang ang BOA members at indefinite ang pagkadelay ng exam. Hindi ko alam gagawin ko nuon kasi ndi pwdng mastuck ako na walang work at di ko alam kelan tlaga matutuloy ang board exam so kinausap ko nanay ko at sinabi nia na ituloy ko na daw so tumuloy pa rin ako kahit di ko alam kelan ba ang araw ng laban ko. 3rd week ng June nag announce na ang PRC na July na daw ang board exam kaya aun at nag aral ulit ako ng matindi. Dumating ang araw ng Actual board, confident ako kasi lahat ng review materials at books eh nabasa ko na (MS, AUD THEO at BLT yung itetake ko),  2nd day (MS) at 3rd day(AUDTHEO) ng exam sobrang nadalian ako sa 2 subjects na to, ibang iba yung type ng exam compare sa last na take ko, so nag-expect ako ng mataas na grades dito at dahil dito mas lalo tumaas confidence ko. Last day na at BLT yung last subject ng board,  sobrang gulat ko kasi ibang iba din yung exam (bago ung atake) at unexpected yung mga questions. Nagppray nlng ako "Lord, tulungan mo ako dito" at ng napatingin ako sa mga ksama ko sa room, merong nagrorosaryo at umiiyak na. Madame ding mga condi ang umiyak after BLT exam kaya alam ko na hndi lang tlaga ako ang nahrapan. Ayun na, nagdoubt tlaga ako sa sarili ko na papasa ako dahil sa BLT ksi sobrang nahrapan tlaga ako. After 5days may results na, nalaman ko lang na may results na dahil nagchat ang tropa ko sabi lang nia "Ui, may results na" duon palang knbhan na ako at dali dali ko chineck sa internet at ayon wala pa din yung name ko sa pangatlong beses! Sobrang sakit at nagawa ko nlng ay tumabi  sa pagkakahiga ng nanay ko,  nagtakip n ako ng kumot ska duon bumuhos ang luha ko. Andme ko nang tanong nun,tulod ng bkt ndi mo pa bngay ngayon? Ano pa dapat kong gawin? Nakatulog nlng ako habang kausap si Lord siguro sobrang pagod kakaiyak. Naghintay ako maging available ang ratings at un na meron n daw sa prc site dalidali ko chineck ang ratings ko at nung nakita ko grades ko mataas yung MS at AudTheo ko at ang BLT is 64 kaya nagfailed pa din ako.  Sabi ko Lord siguro kung 20% ung passing rate bka kasama n ako sa pasado. Sobrang nanghinayang ako duon at nalungkot tlaga ako. Ang sakit kasi condi n ako tpos naging failed pa dahil sa 1pt.  Nawalan ako ng gana na magtake kasi nawalan na rin ako ng kompyansa na pra skin ung CPA title so huminto n ako magreview at nagpakasaya nlng sa buhay.

    4th take May 2017. After almost 3yrs. Hndi tlaga buo ang loob ko na magtake pa ulit, pero andmeng revelation ni Lord skin before magstart ang review for May 2017 exam. Ayon pinagpray ko tlaga kung magttake pa ba ulit ako , so naconfirm un dahil sa mga sobrang timely na quotes na nabasa ko so aun nagdecide ulit ako na magtake ulit na sbi ko last na, nag enroll ako sa PAREX kung saan kme ang 1st batch! Actually natatakot  na tlaga ako magtake pa ulit, siguro dahil sa experiences ko na part of me binabalikan pa ang nakaraan. Nagstart na ang class at sobrang nagstruggle ako sa schedule ko kasi working pa din ako at midshift pa pasok ko. Since hndi ako regular pumapasok sa review sa ibang subjects eh parang wala akong confidence na magtake lalo na kapag ndi kos masagot ung mga tanong sa handouts buti nlng may mga exams para sa mga refresher so naoobliga ako mag-aral. Dumating na ang final preboard sa PAREX at below 75 ang average ko pero kasama ko sa Top 100 (o, dba ang taas?haha) 2weeks nlng un before actual board at sobrang nagdodoubt na din ako sa sarili ko so nagpapray n ako sa mga brother ko sa church at mga kaibgan ko. Then there's one time na naremind ako about Job's life, na God is the one adding and removing things in our life. So natauhan ako duon na kay God ako dapat tumingin at hindi sa limitation ko.

    Actual board na!!! 1stday, nakalimutan ko ang relo ko at sa kasamaang palad wala ding wall clock ang room. Second day ndi ko na kinalimutan ang relo ko hanggang sumapit na ang last day ng exam at AFAR ung last subject, sobrang nahrapan ako kasi may mga problems na walang lumalabas na sagot sa calcu ko dumagdag pa ang pressure na kada minuto nung last 15minutes eh nagreremind ang proctor, eh hndi p ako nagsheshade nun at may 2 situational problems pa n ndi ko pa nasasagutan, kaya kahit ndi pa tlaga ko tapos magsagot eh napilitan ako magshade na at sobrang nginig ko nun habang gnagawa ko un, hinulaan ko nlng ung isang situational problem kasi ndi na tlaga kaya eh.ayun na, tapos n ang exam at andameng nagtatanong kamusta ang exam ko sabi ko nahrapan ako at ndi ko mabgay yung assurance na pasado n ako kaya sabi ko hintayin nalng nten ang results. Lumabas ang results at nasa office ako nun, epic kasi ayaw mag open nung file kaya I decided to search my name sa google at wala ung name ko! So mas lalo ako kinabahan na bka sa pang-apat na beses eh bigo na naman ako. After ng ilang minuto eh aun my list of successful examinees na ung isang site kaya dali dali ako nagscroll down para hanapin ang name ko at napaYES ako ng malakas dahil sa wakas nakita ko n ang name ko sa mga pasado! Sobrang sarap sa feeling na lahat ng status sa board naranasan mo, iba ung learnings at experiences kada review! Napatunayan ko na kelangan lng tlaga magtiwala kay God sa perfect timing nia.

    #MAY2017CPA #CertifiedProvisionfromAbove

    Posted