• paul of Others

    Disclaimer: sorry medyo mahaba iba talaga nagagawa ng pag-ibig at Accounting! Hi, share ko lang sana yung experience naming ng GF ko towards becoming both CPA’s last May of 2017. Maraming nagsasabi na pag sabay raw magtake, isa lang o wala talagang makakapasa. Well, we have proven ‘em wrong. But di ma-alis2 ang doubt na baka totoo nga, tpos mga baka isipin ng iba puro pabebe at sweet2 lang ginagawa namin pero all praises to the Lord for giving us the title tapos sabay pa talaga. She was an introvert, shy-type and an always-in-the-corner student. Ako naman the Mr. pasikat guy not in Accounting but in my other love which is dancing. We even made a group na I think (bragging Mode) pumatok sa school. I was an applause-driven kind of person back then. So basically, the idea of being an accountancy student for me was just for popularity. Alam nyo naman diba if pag may nagtanong ng course natin, lage nila comment “wow! Galing mo siguro sa math.” “Hanep ‘di ba mahirap yan? Matalino ka siguro” and iba pang mga myths and misnomer. On the other hand, she was really into it, given na nasanay na sa mga awards and honors during her highschool days. So, serious talaga sya college nya. April 2015 sya nag-graduate ako naman a year after pa nagmartsa kase may naiwan pa akong subjects. After her graduation, review sya kaagad. Ako naman dahil in financial distress family ko noon, pinagsabay ko pag-aaral at call center work tpos graveyard shift pa, so zombie ng pumapasok. I am just so blessed na may nakita ako na work tapos acctg related pa so grab agad. Dahil marami akong idle time, kasi di naman gaanong busy sa work. Lage ko syang kinukulit na bakit di sya ngtetext, di nya ako pinapansin at iba pang immature rants. Halos everyday kaming nag-aaway, kamuntikan na nga kaming magkahiwalay. Buti nalang di natuloy. After last day ng BE nila, we promised na gagala kami, #babetime talaga pambawi sa lahat ng stress. Unfortunately, hindi pa nya time ma-earn ang 3 letters. Aminado naman sya, dahil marami talagang material factors kung bakit ganun. Basta, magulo! Fast forward, she got a descent work dito sa amin. Ako naman nagresign sa dati kung work dahil ninais kong mapalapit sa pamilya and of course sa kanya. We were one in-mind habang nag-wowork na parang may something, parang may ibang plano si Lord, parang may opportunity cost na kailangan naming maging CPA talaga. Eh pinag-graduate nya kami ng BSA, so eto talaga blueprint ni Lord sa buhay namin. After ng contract niya, nag #teambahay pa sya, awaiting para sa review. Ako naman, work parin para maka-ipon para panggastos sa review. Sooooo eto na, start na nag review. Unlike her last, this time she was really determined and motivated. Lage pa nyang sabi, “last ko na dapat to!” “Ang laki na ng gasto nila mama”, “Gusto ko ng pagretire-in si papa”. Ako naman, solo parent lang kasi si mama, tpos LOANud na kami sa utang. Grab ko agad yung may ng-offer na mag part-time teach sa seniorhigh dito sa amin. Financial support and review sa mga basic acctg din nagging purpose ng pag-part time ko. Anong nangyari dun sa ipon ko kamo? Eh naubos sa kaka-#RelationshipGoals naming. haha Though we were very much different in many kind, parang nag-complement lang yung mga strengths and weaknesses namin. Ako audio-learner, sya naman bookish-learner. Sinuportahan naming ang isa’t-isa. Sabi ko opposite diba? She was one of the top performers during pre-boards, I was not. Lagi syang pasok sa top 100 ako naman na-blessed lang makapasok sa 50% ng Final Pre-Board. Natapos ang 6-month review, feeling ko wala akong natutunan, pero normal lang pala yun, a way of God telling us na hindi natin kaya na tayo lang mag-isa sa lahat ng bagay. *drum Rolling, Eto na! a week before the actual exam, ang dami ko pang di nabasa, ang dami ko pang di alam, di naintindihan. Dumating sa point na magtatanong ka anong pinagagawa mo sa college at review mo. Regrets over regrets over regrets. But she really kept me in piece, taught me to relax and let God take over. She even said white lies na nahirapan sya sa exam, kahit confident syang pasado na sya, para lang di ako mag-overthink na ako lang nahirapan. Tinuldukan ko na kasi kapalaran ko nung lumabas share-based payment sa audit (isa sa mga topic na di ko talaga gusto at pinag-pray na di lalabas). Di ko pa makuha DIT, O/C, Accrued Sal and Bonus. Sabi ko nalang talaga Bagsak na ako, she encouraged me to still do my best sa remaining 3 sub. Baka kasi kayanin ko pang i-pasa kung di man, condi. Which I really did, sinulit ko yung oras ko. Pray before, during and After ng exam. Nung mag-last ring na sa AFAR, talagang totally drained lahat ng lakas ko, parang nanghina tuhod ko at lumabas lahat ng sakit ng katawan. So the waiting season begun, ang iba ayaw nila masyado matagal ang results kasi ma-poprolong yung agony but for me it was really good kasi more time to pray, more time to ready our hearts sa results. So etooooo naaa, May 29. Ginawa ko lahat para madistract lang ako, nagbasketball, nakipaglaro sa pamangkin ko, gabi na tapos wala parin. Nanood pa ako ng movie, Trolls. Moral ng movie, you don’t need anything to achieve true happiness for it comes from within. Sooooo pandagdag sa positivity. Nagtatawagan kami ng girlfriend ko tapos bigla nyang in-off dahil eto na ang results. Medyo matagal syang nagtext sakin dahil una nyang nakita name nya. Nag-Pray lang ako. Tapos “beep! Beep!”, may nagtext. “PASADO TAYO!” di ako makapaniwala. Sobrang happy nila mama, nagtatatalon pa nga eh. So yuuuun! Ang haba ng kwento no? Sorry ha. I just can’t contain the joy kasi. #RelationshipGoalsUnlocked talaga. It was a divine intervention and hardwork talaga. They say your heart depreciates when you start to capitalize but I think my love for her is like Land never depreciates rather appreciates its value. Message to her: Thank you sa lahat-lahat! You were one of the main factors. The answer to my whys and hows. Kahit lage akong natutulog. Eh mahal mo parin ako. I love you! More endeavors to overcome ha? May we not be overwhelmed by what’s happening but all the more thank our God for this opportunity.

    I loveyou ulit!

    Posted