• paul of Others

    BS Accountancy. Actually, di talaga ito ang first choice ko, pero ito na lang kinuha ko kasi dito raw magaling yung school na pinasukan ko. Noong una, akala ko madali lang at natutuwa pa ako pag nababasa ko ang Accounting subjects namin. Pero noong dumami na ang accounting subjects namin noong third year, doon ko pinakanafeel ang pressure. Ang hirap pagsabay-sabayin aralin ng 4 or 5 major subjects in one sem, and what is worse is 0-based lahat, 80% ang required passing percentage sa school namin at hindi mo alam kung gaanong adjustment ang gagawin ng prof para maraming pumasa. May time na umabot sa 18 units or 21 units ang major subjects sa isang sem na kailangan ng maraming oras ng pag-aaral plus marami pang ibang requirements. Dahil doon, nag-effort talaga ko na gamitin nang maayos ang oras ko para umayos ang grades ko at para makatulong rin sa bahay kahit through my scholarship man lang, pero di talaga maiwasan na magcram ka. Dahil  sa cramming ay may time na nasasacrifice na ‘yong quality ng understanding ko sa major subjects na naging pang short-term memory lang ang iba. Ang iniisip ko na lang ay maiintindihan ko rin naman ang mga topics sa future, maybe bago mag-board, extra effort na lang at syempre dasal.

    After graduation, ilang months na lang bago magboard exam. Feel ko ay nag-effort naman ako noong undergrad pero hindi pa talaga ko prepared mag-exam. Sa favorite subject ko lang na Financial Accounting ako pinakamaraming naintindihan. Sa MAS, madali raw pero may mga topics talaga na mahirap ang theories at kelangan ng matinding analysis; sa Advanced Accounting, gets ko noong sem na naituro pero nakalimutan ko na kung paano isolve; sa Audit Problems, medyo gets ko ang concept pero nalulula talaga ko ‘pag mahahaba ang problems at naaamaze na lamang kaya may time na di talaga lumalabas ang sagot; sa Audit Theory, magaling ang professor namin dito at ineexplain nya talaga, plus nagbasa rin ako ng Salosagcol at Roque saka medyo sa Ireneo pero di ko talaga maintindihan kung bakit di ko magets ang concept; at sa Tax at Law naman, nacover naman ang topics noong undergrad pero nahihirapan talaga ko intindihin kasi di magsink-in, ang lalim din kasi ng English ng books at ang dami rin sauluhin. Huhu, paano na ang board?

    Kahit ganoon ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Naniwala ako sa isa sa favorite kong verse: For the Lord gives wisdom; from His mouth come knowledge and understanding; Proverbs 2:6. Isa ito sa mga naging motivation ko. Nag-aral ako for the exam, at the same time ay nagdasal rin ako at nagbasa ng Bible. Nakakatalino talaga ang pagbabasa ng Bible, kasi ang the Word of God can give you not only knowledge and understanding but also wisdom. Noong review proper ay basa lang ako ng basa ng books at review materials at iniiwasan ko umabsent sa klase. May time pa na nagdodoble ako ng attend sa isang topic sa magkaibang reviewees para lang maintindihan ko ng ayos. Noong weeks na lang before the board exam, pinilit kong balikan ang lahat ng topics sa lahat ng subjects at intindihin ang mga di ko magets at noong days before the board na ay feel ko ay marami pa kong kailangan aralin. At noong examination day na mismo ay may mahihirap na items talaga plus meron pang mga typo. May exam rin na ilang minutes na lang saka ako nagshade kaya may items na tama na sana, mali lang ang shade. May time talaga na habang nag-eexam ay nagdadasal ako kaya natagalan ako magpasa ng papel.

    Noong lumabas na ang result ay nakita ko ang name ko sa list ng passers. Fulfilling kasi nagbunga na ang ilang years mong pinaghirapan. Ang masasabi ko sa next batches, pray lagi, pwede na kayo magstart magpray ngayon. Pray kayo bago mag-aral na lahat ng mapag-aralan n’yo ay maalala n’yo sa board exam day mismo at pray din after mag-aral, thank God sa time na ibinigay n’ya para madagdagan ang mga kaalaman n’yo at magtiwala kayo sa Kanya. Pray din before the exam and always thank Him for helping you. ‘Wag rin kalimutan magpasalamat sa inyong school at professors na nagturo sa inyo noong undergrad. Maaring may time na nahirapan kayo dahil sa pinapagawa nila pero sila ang nagpush sa inyo to exert more effort sa accounting. Magpasalamat din sa mga taong nagdasal at walang sawang sumuporta sa inyo. They play a big role sa pagiging CPA n’yo. Next is, mag-aral ng mabuti. Study as many as you can. Mahirap tapusin lahat ng books at review materials, kaya intindihin ang basic concepts at ipagdasal n’yo na ang lumabas sa board exam ay ang alam ninyo. Haha. At ang isa pang advice ay sleep well. Do not deprive yourself of sleep. Kelangan din magpahinga ng brain cells n’yo. Productive din pag every hour ay may ilang minutes na pahinga. Hope na makatulong ‘yan. God bless future CPAs. Hope you’ll make it. J

    Melissa passed the CPA exam last October 2016 and graduated from a graduate of De La Salle Lipa.

    Posted