• paul of Others

    This story was contributed by HW to help our new CPAs choose their first job.

    Since maraming new CPAs ang nagtesti na ng kani-kanilang storya, why don't we move to the next level? Yung level na tipong "beshie, eto na real life na to", "besh, nag-apply ako sa ganito, tawagan na lang daw ako." "pre, pano ba pumunta sa ganito." "tol, ang daming chix dun." "beshtie, 1 day processing lang daw dun." at higit sa lahat, "TE, NALIGAW AKO." Maraming funny moments pero higit sa lahat e yung life moments. Ang tanong, may life nga ba after you signed that job offer paper thingy when you pursue AUDIT? I will tell you my story pano ko napunta sa COMPANY E and thinking about staying sa firm na to at this very moment na binabasa mo to.

    1. Even before the board exam, nililigawan na ko ni COMPANY A. Pero di ko pala sya mahal, bes. After I passed the exam, pinapa-attend ako sa ganito ganyan and then, it ended-up sa love offer. Este, JOB OFFER. Yes, I considered it. Pumunta ako, nakita ko yung mga ka-batch ko na familiar faces since same school kami. Umakyat na ko sa kung san man yung mga nagrerecruit. Hinanap ko si koyang nagrerecruit sakin. While I was waiting, bigla nalang ako lumabas ng firm na yun. Hindi dahil sa naiinip ako, SANAY NAMAN AKO MAGHINTAY pero parang may angel kasi na nilipad ako papalabas. To be honest, even before I entered that firm, nagdodoubt na talaga ko. I just tried it. Hindi ko nagustuhan yung aura, feeling ko hindi ako bagay dito. So, it is as if di ako umattend sa job offer but still pwede pa naman i-grab yun in case na mag-CHANGE OF HEART ako.

    2. The next day, pumunta naman ako sa COMPANY B. Nag-respond kasi sila sa e-mail ko and then they scheduled me for an interview. It went well. Though mejo challenging yung exam nila, within the day, na-interview na rin ako ng HR and bes, tawagan nalang daw ako. 

    3. Same day, nagpasa din ako ng resume sa COMPANY C at COMPANY D. Si COMPANY C talaga ang tinitibok ng puso ko, pero BUSTED ako sakanya bes. Ang sakit, di man lang nya ko pinansin, nag-hintay ako sakanya. Pero wala. Kasalan ko din naman siguro, hindi ko sya pinaglaban. Huhubels bes. Anyway, si COMPANY C, nagrespond naman sya for examination. Natawagan naman ako for interview pero antagal nila. Huli na ang lahat, may napili na kong firm, bes. 

    4. Nung pauwi na ko, may nakasabay ako sa bus na familiar face. Same school kami, di kami magkakilala talaga pero same room kami pag departmentals kaya namumukhaan ko sya. Ako na unang kumausap sakanya and then nalaman ko si COMPANY E na one to two days processing lang bes hahaha. Kaya the next day habang hinihintay ko si COMPANY B sa tawag nya, pumunta ako sa COMPANY E. Same lang kay COMPANY B, nag-exam at naginitial interview. Tawagan nalang daw ako. 

    5. Si Company B di parin ako tinatawagan, at dahil desperada na ko dahil wala pa rin akong trabaho, pumunta na ko at nag-follow up ako on the spot! Ayun na nga, kaya pinapunta ako sa isang room kung saan nag-aantay ang iba pang applicants. While I was waiting para sa final interview, may tumatawag!!! Kaso bes, ang hina ng signal. Sabotage?? Hahaha si Company E, tumatawaaaggg!!! 5pm na actually nun, at sabi ako na daw next na iinterview-in? For partner's interview na beshieee. Whaaat? Walang pasabi?? Tinanong ako kung nasa makati area daw ba ako hahaha. Syempre bes, sabi ko oo, pero mga 6 or 6:30 pa ko makakarating in case na tumuloy ako. Umagree naman sila. Hihintayin daw nila ko. Ayun na nga, bumalik na ko sa room, maya-maya lang tinawag na ko for final interview. Okay naman, na-endorse ako for job offer, then in-orient kami about sa contract. Syempre wag muna pumirma bes, hingi ng grace period. Binigyan nila kami over the weekend ng time mag-isip. Edi, ayun, takbo kay COMPANY E, mag-7 na nung nakarating ako, buti di pa tapos yung iniinterview before sakin, kaya inentertain ako nung tumawag sakin, pati yung isang manager kinakausap din ako. Actually, yung aura nya ay ibang iba sa COMPANY A, sobrang ang comfortable nung environment at napaka-friendly ng mga tao. Nung iniinterview na ko ng partner, sobrang comfortable din, tagalog ang usapan. Nagkwentuhan lang kami, napuri pa nga yung blazer ko ang ganda daw ng pagkakatahi. And then, sabi nya, i-eendorse na daw ako for job offer kaso, walang HR na, umuwi na bes. Mga honda sila! Honda-dot. Hahaha. Kaya monday nalang ang job offer. And let's call it a day. 

    I have two days para pagisipan kung kanino ako pipirma, COMPANY B or E? Though may idea ako sa salary ng COMPANY E (dahil nga usap-usapan) ang pinagbasehan ko nalang is yung environment nila. Okay naman sa COMPANY B, kaso mukhang mas napalapit sakin agad yung COMPANY E. Pumunta muna ko sa COMPANY E for JO nung Monday. Bess antagaal, umaga kami pumunta, na-JO kami hapon?? Pero grabe nung na-JO kami pumirma din ako agad. 

    So eto na, why COMPANY E? At bakit hanggang ngayon, STAYING MODE ako. I would say, GOD PUT ME IN THE RIGHT PLACE. 

    Nung pinili ko si Company E, hindi lang salary o environment ang na-consider ko.

    The fact na tinawagan ako while I was at Company B nang ganun ka-late. The fact na hinintay ako kahit gabi na. I think it was SOMETHING UNUSUAL that GOD is telling me. I think He is speaking to me. Feeling ko kahit gaano kastress sa audit eh hindi ko masyadong mararamdaman dahil sa environment. Pero hindi ganun kadali ang Audit. You will meet different people sa work place. People na matetest yung patience mo. Yung attitude mo sobrang madedevelop. Mamomold ka talaga. Actually, during first busy season I am on RESIGNING MODE, not because of work but because of a person in a higher position. Pero di ako sumuko because of a clear vision I have when I entered audit. Not a single person can break my goal. BECAUSE IF GOD IS WITH US, WHO CAN BE AGAINST US? 

    Therefore, what I am saying? Choose and think wisely what GOD is telling you. Magdasal ka every decision you will make. Learn to listen to your heart. Have a goal. That decision might be the start of your entire life. Again, Congratulations BATCH 2016. You have given a life to be celebrated not to be regretted for. GOD BLESS ❤❤❤

    Regards,
    HW

    Posted