How to Study Accounting and Become a CPA
-
paul of Others
By John Aldrin F. Cruz, CPA
Magna Cum Laude
College Distinguished Awardee
University of the East-Manila1. Accept that things might not always work that way you want it to be.
Kagaya mo, I am just an ordinary guy but I have to be honest. Goal-setter ako but ends up disappointed most of the time. I aimed to be Summa Cum Laude ever since my first sem in college, able to maintain that status for nine semesters, but during the final sem, ended up Magna Cum Laude, fell short by 0.02 for SCL. During graduation, I was chosen as one of the nominees for the most outstanding graduate award but did not get such recognition in the end. During pre-board, I aimed to be part of the top 10 but I was not able to do it as well. During the actual CPALE, I set a goal to land in the top but I likewise did not make it. Of all those “almost moments” I had in life, I learned one thing. Just be thankful. Kapag di mo nakuha, do not blame yourself, others, the situation, and other factors. Guilty kasi ako dito before. Kesho “sayang! siguro kung inaral ko to”, “kung nabasa lang ng machine papel ko”, “kung wala lang akong sakit”, “kung yung grade ko sana ganto” “kung naitama ko lang yung item na yun”. But then, lately I realized that the secret in overcoming the challenge of our course is ACCEPTANCE. I encourage you to set your own goals but if the results came out unfavorable, just accept it. Set a goal again. Always believe na DARATING DIN ANG MOMENT MO.2. We cannot do anything about your Professor and the System
I am speaking in a general sense. I am not referring to any school pero kahit anong university or college pa ‘yan, sure ako na meron at merong prof na susubok sa patience mo. Yung tipong wala kang mapulot na learning. Yung mas marami ka pang matutunan kung hindi ka papasok sa klase niya and mag-aaral ka nalang mag-isa sa bahay. Yung hindi naman maayos yung tinuro pero ambaba magbigay ng grades o kaya naman matindi magpa-exam. Yung midterms na pero isang chapter palang natatapos nyo. Meron yan. Pero yun nga, kailangan mo nalang talagang mag-exert ng sobrang effort to fully understand an accounting subject. Kasi sa dulo, ikaw pa rin ang magdadala ng sarili mo sa actual board. Double effort dapat kumbaga. HINDI MO PWEDENG SABIHIN SA PROCTOR SA MISMONG CPA EXAM NA “WAIT, BONUS DAPAT ‘TO KASI HINDI NATURO SAMIN ‘TO NUNG UNDERGRAD”. Wala kang magagawa kundi magself-study. Yung regarding naman sa prof mo, diskarte mo na yan kung paano mo aaksyunan.3. Accept that you do not know everything and you will never do.
Minsan sa desire natin na gumaling, dumadating sa moment na parang gusto nating maaral and malaman lahat kasi ayaw nating may makaligtaan. Misconception ‘to. Kahit pa ubusin mo ang lahat ng textbooks, masterin mo ang buong PFRS or ang NIRC, or sagutan mo man lahat ng review materials, aabot pa rin tayo sa point na mafufrustrate pa rin tayo kasi masasabi mo bigla na “hala, bakit di ko yun alam? San mababasa yun?”. Kaya mas mabuting patuloy lang tayong mag-aral pero hindi mo kelangang ipukpok sa isip mo na dapat alam mo lahat. WALANG TAONG PINANGANAK NA ALAM ANG LAHAT AND KAHIT PILITIN NATIN, WE WILL NEVER DO.4. If you fail to prepare, then prepare to fail
Kahit saan naman talaga, kelangan ng plano. Have a daily schedule kung anong mga dapat aralin. Dapat may bago kang nalalaman every day. Same with Ariel Nipas, pareho kami ng ginagawa. Sa mga review materials, I put one star sa tabi ng question pag madali lang; two stars pag average question or madali lang pero tricky or may need balikan na concept; and three stars pag medyo challenging. Tapos yung may mga two or three stars nalang binabalikan ko pag malapit na ang exams lalo na’t kulang na sa time. Tapos ulit-ulitin mo ang pagbabasa ng mga topics. Sa dami ng mga information na inaaral and sa limitation na meron ang utak natin, may tendency na may makakalimutan tayo. So ang sikreto, ULIT ULITIN MO LANG ARALIN. Oo. Kahit umay ka na, okay lang yan. Mas dumadali ang mga bagay pag paulit-ulit inaaral. For undergrads, magbasa lagi and magpractice. Concept based dapat. Para kahit magkaproblema man, may concept ka na mababalikan. Huwag din mahiyang magtanong lagi. Tapos dapat maaga palang, nakafocus ka na sa board exam. Hindi yung mas marami ka pang oras sa non-board related subjects. Pero kung hindi maiwasan, gawan mo ng paraan na magkatime sa accounting. I also highly encourage joining quiz bees kasi yun talaga yung magandang gauge mo as to gaano na ba karami ang alam mo and paano ka makakakilos under pressure. For reviewees, kung hindi maganda foundation, choose your materials wisely kasi realtalk, hindi lahat ng materials na meron ka, masasagutan mo. YOU MAY ALSO SURROUND YOURSELF WITH PEOPLE THAT ARE BETTER THAN YOU para mas malaman mo din kung ano pa ang kulang sayo. Kanya-kanya tayo ng diskarte eh. Ako, I love teaching. Kaya I recommend na magturo din kayo sa iba. Maganda rin yun na advantage to further master a topic. Sabi nga diba, WHEN YOU TEACH, YOU LEARN IT TWICE. Pero I discourage group study kung mas marami pa ang non-value added activities kaysa mismong pag-aaral. And as an overall motivation, TREAT EVERY DAY AS AN EXAMINATION DAY.5. Balance Your Life
Hindi pwedeng 24/7, accounting lang ginagawa mo. Dapat may time ka rin sa ibang bagay. Mag-unwind ka paminsan-minsan. Kung may budget, i-treat mo ang sarili mo, kahit simple lang. Nung early years ko sa accounting, bumibili ako ng hot fudge sundae ng Mcdo after class pag maganda result ng exam ko (Mcdo, baka naman ehem). Nililibre ko ang sarili ko. Huwag kang unfair. Minsan ka lang mabubuhay kaya kailangan mo rin mag-enjoy. Kung may iba kang hilig, i-explore mo. Play your musical instrument, kumanta ka, or sumayaw. Or kaya naman matulog ka. Magpahinga. Learn when to rest. Personal experience ko nung first months of review, 18-20 hrs ako nag-aaral sa isang araw until katawan ko na mismo ang sumuko. Nagkasakit ako. Naospital. Kaya yung preboard na pinaghandaan ko non, mas maayos siguro kahit papano kung maayos ang pakiramdam ko during the exam. Not to mention yung gastos pag naospital ka plus hindi na ako nakaaral nang maayos dahil napagod ang katawan ko. Kalusugan mo ang kakampi mo. Magspend ka rin ng time with your family or friends. Kung may lovelife ka, okay din naman yan basta same kayo ng goals sa buhay. Sobrang emotionally draining talaga ang accounting kaya you have to be surrounded by people na nagmamahal and sumusuporta sayo lalo na sa mga panahon na feeling mo ‘e nag-iisa ka. ALWAYS REMEMBER THAT YOU ARE NOT ALONE. YOUR STRUGGLE IS ALSO EVERYONE’S STRUGGLE. I know kanya-kanya tayo. May ibang kayang balansehin ang accounting at ibang bagay pero meron namang mas prefer na focused lang sa iisang bagay. BASTA, BALANSEHIN MO ANG BUHAY MO.6. Accounting is a test of perseverance, not intelligence
Sabi nga ni KD, “hardwork beats talent when talent fails to work hard.” Kaya kung naturally mahusay ka, swerte mo pero wag pakakampante. Samahan mo ng sipag at tiyaga dahil yan ang tunay na susi. If ordinary student ka lang, just be continuously motivated. NEVER COMPARE YOURSELF TO ANYONE. JUST BE BETTER THAN WHAT YOU WERE A MINUTE AGO. Walang hindi nakukuha sa tiyaga at pagsisikap. Kung ikaw yung tipo ng student or reviewee na it takes time bago magets ang topic, okay lang yan. BASTA LAGI MONG TATANDAANG DAIG NG MATIYAGA AT MASIPAG ANG MATALINO LANG.7. Don’t invite negative vibes and apply Entity Concept
Siguro mahalaga din talaga na you can separate your personal life with your studies. I-apply mo yung natutunan mong entity concept. Kapag may problema sa pamilya, try your best na huwag nitong maapektuhan ang diskarte mo sa pag-aaral. Naalala ko tuloy yung may nagpost sa ACP na diumano, one week before the CPALE, nakipaghiwalay yung jowa niya sa kanya. Saklap! Basta try your best na huwag madamay ang studies kasi ikaw rin ang talo sa pinakadulo. Tapos do not invite negative vibes. Kung nasa isa kang toxic na environment or kung may mga kaklase ka na hindi ka napapamahagian ng review materials or IF SOMETHING BOTHERS YOU, FRUSTRATES OR ANGERS YOU, OR WORRIES YOU, DO NOT LET IT GET TO YOU.8. Pray to God
Cliché pero helpful talaga. Minsan sa dami talaga ng ginagawa natin, dumadating sa point na nakakalimutan nating magdasal. It does not matter kung paanong paraan. Basta before and after an exam and even kahit wala kang kailangan, silently pray. Kanya-kanya tayo ng paraan. So ikaw na nakakaalam nyan kung paano. Kung naghahanap ka ng prayer for exam, you can look for the prayer to St. Joseph of Cupertino. Sinend lang sakin yun dati ni Sir Larry (Tan) 3 years ago. Tapos huwag mo kong gayahin na nagdadasal lang dati pag malapit na exam. Tsaka syempre, hindi sapat ang dasal lang. HINDI NAMAN SI GOD ANG MAG-EEXAM.Posted