2 Timothy 4:7
-
paul of Others
2 Timothy 4:7
I used to question myself why I took Accountancy as my gateway to my pangkabuhayan showcase. Ni hindi ko nga gusto ung numbers kahit noong elementary hanggang HS tapos sa college, puro numbers ung makikita ko araw-araw. Pero push pa rin ako sa pag-aaral kahit di ko talaga maintindhan ung concepts behind Accounting. Kaya while in college, memorize lang ako ng memorize kahit wala akong maintindhan halos (Regrets came during review days). Now, I can't imagine how I was able to do that. Pero lucky me, nakagraduate naman ako on time. Nakagraduate nga ako, pero wala pa rin akong bilib sa sarili ko kung makakaya ko ba talagang kunin ung tatlong letra. Kaya instead of enrolling myself in a formal review class, I chose to study muna by myself. Aral muna nung dating napag-aralan, recap-recap para pangpalakas ng loob, inshort nagself-review ako.
After 6 months na self-review, I decided to enroll in a review center. That time di ko sure kung makukuha ko na ung tatlong letra. Pero sabi ko sa sarili ko, dapat kayanin ko. Marami na rin ung nasacrifice ng pamilya ko para sakin and sayang naman lahat ng binigay kong effort kakareview away from home. Besides, natutunan ko na rin namang mahalin ung Accounting habang nagrereview ako. Kaya dapat BY MAY 2016 papasa na ako! Nung board exam period na, di ko nafeel na babagsak ako maliban lang talaga sa AFAR at TAX. Pero pinagpray ko pa rin talaga na sana kahit 75 man lang ung makuha ko sa dalawa masaya na ako. Mahirap maghintay ng results, habang naghihintay ng results alam ko sa sarili ko na ginawa ko naman lahat habang nagrereview kaya di ko aakalain na wala ung pangalan ko sa listahan ng mga pasado. Pero di pa rin ako nawalan ng pag-asa na mapabilang sa listahan ng conditional examinees. Naghintay ako. Hanggang sa isang araw nakita ko nga ung pangalan ko sa mga conditional examinees. Laking saya ko, as if, pasado ako.
I didn't waste any time. I immediately enrolled myself again sa same review center na pinagreviewhan ko for the past 6 months para kunin ung dalawang subjects, TAXATION and ADVANCED FINANCIAL ACCOUNTING AND REPORTING. (Yes, lakas mkapredict haha. )Kahit na nagsisimula na ulit ung review, nag-enrol ulit ako. Di ko inisip ung pagod at sakit sa pagkatumba ko. Sabi ko, bakit ako susuko? Kng susuko ako, ako lang ung talo. Siguro sa sobrang pressure sa sarili kaya di ko nakuha ung tatlong letra nung time na un. Pero sabi nga nila, in God's perfect time, you will make it. Laban lang.
Sa una, di ko maramdaman ung sakit na di ako pumasa. Hanggang sa unti-unti kong nakikita ung mga pagcecelebrate ng iba kong kasabayan dahil nakapasa na sila. Yung iba, nagmemessage sakin para lumakas loob ko. Thankful ako sa family and friends ko na di ako sinukuan kahit ilang beses ko na silang nabigo. Kahit nakikita kong nahihirapan na sila at nasasaktan noon, di nila ako sinukuan. They kept on pushing me to achieve my dreams. Di nila pinaramdam sakin na isa akong failure. Kahit marami akong naririning na negative comments mula sa mga taong malapit sakin, na ang bobo ko daw, na grabe condi na nga bumagsak pa at marami pang iba, my family never doubted me that someday, I'll be a CPA.
I prayed to God every single night to give me strength,to guide me and an unending patience and understanding towards the things that were happening to me. I became more close to the Lord which I have not done in the past. Every day I read the bible and seek His guidance if I should give it another try. Di ko alam kung bakit basta I found myself reviewing again. During the review, I can still hear a lot of negative comments from other people pero I refrain myself from listening to them pero madalas, naiiyak pa rin ako. I gave my all during the review period and even during the exam proper. I was lucky to hear church songs during the exam, because one of my exam noon ay nasakto sa Sunday. It gave me strength while answering my exam in AFAR. Di ko alam, but while listening to those songs, I felt at ease. Nakakarelax talaga, promise. So ayun, after the exam, lahat ng rituals ginawa ko na di ko ginawa nung previous exams ko, which I think nakatulong talaga aside from the help of the Almighty. We waited for weeks before the result. I can still remember vividly that day- May 29, 2017 at around 9:00 in the evening; my friend messaged me "Congratulations, CPA ka na." I didn't believe him at first, but when my brother found my name on the list, I can hear my Papa and Mama rejoicing and proclaiming God's name.
Now, I am a Certified Public Accountant. In God's perfect timing, all the impossible will be possible. Kaya tiwala lang, God never abandons His children who are faithful to Him.
-CONDI-FAILED-PASSED
Posted