• paul of Others

    Ordinaryong estudyante na bumagsak ng tatlong beses sa Subject na Auditing. Naloka ako kasi kahit di man ako kagalingan ito lang nagpahirap sakin. Bakit naman ganun.so baka hindi na talaga ito yung journey ko. Nagshift ako ng BS ACCOUNTING TECHNOLOGY,nung time na yung swerte ko parin sa parents kasi they never let me feel na i am a failure. They supported me all through out. Lahat ng accreditation ng accounting tecnician sinuportahan ako.. MICB,RCA kahit sobrang mahal..cge lang sila.. pero everytime na tinatapos ko yun isa isa. They always remind me na i should finish the race of BSA. so after graduating.. nagreview ako agad at sinuprtahan ako ng parents ko.. ayan na yung May 2016 board exam. Kaso di ako pinalad pero feel ko na din kasi alam ko kulang eh kaya during board exam week naghanap na ako ng trabaho dahil 6years na akong sinuportahan ng parents ko so sobrang hiyang hiya na ako.

    Habang ngtatrabaho ng-ipon ako. Para makapag enroll ulit. Eh dahil nagtrabaho so feeling ko wala akong pahinga kaya nung sana gagamitin ko yung leave for preparation ng board exam ginwa ko syang pahinga. Yung halos two months before board exam wala kang ginwa kundi kain tulog. Kaya wala akong napala sa May 2017 after This season ng refresh refresh na lang anlaking tulong sakin ng ICPA kasi during 2017, nong di ako ng enroll trinatry ko magsagot sa HOPPY so parang talagang nakatulong na talaga yun.

    Nag ipon ako ulit hindi lang ng pera kundi gawing sentro ng gingawa ko, gagawin ko ay para sa KANYA, para kay LORD lang. kasi sabi ko, pag Ikaw ang sentro ng lahat, lahat ng yan ay susunod.. sabi ko bahala ka na LORD basta gagawin ko to para lang SA’YO.. here comes May 2018 during reviews nyan di man ako makapasok pasok sa top 100 sa preboard. Kaya sabi ko baka di pa to para sakin.. pero triny ko pa din.. MAY 2018 Failed ulit ako. Pero dahil nakita ko na sobrang laki ng naging improvement grades which is sobrang baba pa din para ako binulungan ni LORD na ngsabi mismo after nong results day nagsabi ako ng magrereview ako ulit.

    Preparation ng October 2018, pumapasok ako sa work ng 8am-9pm pero before umuwi i make sure na 9 30-12mn magstay ako sa convenient store para magreview at hindi makatulog. Araw araw na routine..dumating ang August i decided to file a 2-month leave para makapagfocus.. pero araw araw umiiyak ako kasi 8am-12mn ako ngrereview ng weekdays at pumapasok ng review ng weekends pero parang wala.. araw araw kong kinkausap si Lord na kung ito man ang plano Nya sakin ay gagawin ko ang lahat para makuha to. A week before exam wala ng pumapasok sakin kaya iyak ako ng iyak parang binubulong na sakin na “Anak magpahinga ka na, AKO na ang bahala sayo”. Dahil wala na tlaga, nagpahinga na lang ako. At ipinagtibay ang paniniwala SAKANYA..here comes OCTOBER 2018 CPALE, after exam wala akong ginwa kundi umiyak.I THANK AND PRAISE HIM.

    OCTOBER 22, 2018,

    Dahil hindi naman ako mapakali sa bahay after mismo nung exam day pumasok na ako sa work. Hanggang sa sabi results day daw ng araw n to. Sa office ako nag antay, di na ako nakawork. 9pm wala pa rin. Pero sabi ng mga friends ko sa office samahan ko na lang daw sila doon na lng daw kami mag antay. Pasuko na ako kasi tapos na ako oct 22 wala pa rin.. itinulog ko na lang sa desk nung kasama ko. Maya maya my gumising sakin October 23 ng madaling araw mga 12:45am yata, may results na at yun.. andun yung pangalan ko.. nakasulat na sa list of passers.

    Ps: ang haba diba. Pero ang gusto ko lang sabihin, Trust His plan, surrender all to the Lord.

    KMJ
    OCTOBER 2018
    Fourth taker

    Posted