From 24 to 27 letters
-
paul of Others
I remember pa nung Grade school ako, lagi akong may nakikitang mga tarpaulin na pumapasa sa mga board examinations such as physicians, lawyers, engineers and a CPA. But what really caught my attention ay yung sinasabing Certified Public Accountant, I swear sabi ko sa sarili ko “Ay public puro Government lang siguro yan, ayoko niyan!” yan ang wordings ko nun haha. And as time goes by lagi ko talagang nakikita yung mga tarpaulin about sa CPA, yung mga nag totop sa school namin at pumapasa sa ibang school pero ni minsan hindi talaga pumasok sa isip ko alamin kung ano meron sa pagiging CPA. Dumating na nga yung pag graduate ko ng Highschool, take note eto nayung point na matataranta kana sa pagpili ng course. When I was a kid, gusto ko talaga maging doctor sinabi ko yan sa mga kamag-anak ko hanggang sa naging lawyer or culinary (o diba magkakalayo ng ginagawa haha). Pero nung nagpapaalam nako sa Manila mukhang dehado haha hindi ako pinayagan so nag enroll nalang ulit ako sa school where I graduated. Dumating na nga ang pilian ng course at ako naman unfortunately, walang mapili dahil yung mga gusto ko wala sa school na pinapasukan ko HAHA. So yan survey survey and I ended up picking the course na accountancy, guess what? Sa kadahilanang marami lang nag accountancy sa Highschool friends ko. Yes! You read it right haha sumabay lang ako sa agos ganon haha and hindi ko alam na may board examination ito, nalaman ko lang during 1st year college ako na pagiging CPA pala tinatahak ko. And that letters change my life.
CPA, Certified Pressured Ako, not to boast or something, I am proudly to say that achiever naman ako mula grade school ako, I thought ang pagiging achiever ay laging masaya and I am proving to you right now that absolutely no! Being an achiever pala ay may pananagutan, may dapat patunayan, habang dumadami ang na aachieve mo the more lumalaki rin ang pressure na dumadagan sayo. Minsan nga naisip ko na pano kaya if di ako nagbuild ng gantong foundation, ang saya saya ko siguro no. I am not against sa pagiging achiever ha, what I meant is parang feeling ko lagi na dapat may patunayan ka lagi sa taong nakapaligid sayo lalo na sa mga taong nagmahahal at nagtitiwala sayo, iyon ay ang iyong BUONG PAMILYA. Sabi ko sa sarili ko wala eh sinimulan ko na to I built it so I must be responsible to it. Dumating ang days na gusto ko ng sumuko, takot na takot na mabigo hindi lang ang sarili ko kundi the whole family kong bilib na bilib sa naachieve ko. Matalino daw ako yun ang naririnig ko, maipagmamalaki or something. Hindi nila alam na sipag at tiyaga lang talaga, siguro may part din na binigyan ako ni God but still sinasabi ko sa inyo na nasa tao yan, lahat tayo matatalino in our own ways yung iba tinatamad lang na iLightup yun sa pagkatao nila. Then habang lumilipas ang panahon lumalaki ang pasan kong responsibilidad at pressure,mula gradeschool hanggang ngayon, para nga akong tao na mahilig mag “sensitivity analysis” punong puno ng what ifs sa buhay. Pano pag ganto pag ganyan, magagalit sila sakin pag nabigo ko sila. Pinagmamalaki ko rin naman yan in some point kasi I always make a change at lagi akong may napapatunayan ( I hope you get my point) pero still I am here para Iclear na hindi lahat ng achiever 100% masaya! It may be fulfilling not to themselves but for sake of the others J.
CPA, Certified Player Ako, ito ang isa sa proud ako sa sarili ko at hindi ko pinagsisisihan. Ang pagiging gamer mapaoffline man yan or online games. Mula grade school nagcocomputer nako haha, take note I mostly spend my time playing computer games OA man pero eto ang totoo 10hrs kaya ko humarap sa computer, laro laro lang ganon at Oo! Adik ako pero sa computer games lang haha like Ran Online, Cabal Online, Special Force, Dota, and my most favorite yung League of Legends, which I used to play during my college days up to May 2018. I am proudly to say na achiever din ako sa online games HAHAHAHA gusto ko lagi magaling ako, may ipagmamalaki kaya honestly, I strived harder sa mga online games rather than my study at mapapatunayan yan ng mga katropa ko jan sa Computer shop haha. I remember pa nung college ako lagi ako umuuwi ng 10, 11 or even 12 midnight dahil sa kakalaro na League of Legends (sorry nanay at tatay lagi akong tumatakbo pag nasa tapat na ng tindahan para di niyo ko makita HAHA. Pero minamalas ako minsan kasi may pagkakataon na natyetyempuhan kong nakasilip sa pinto si tatay kaya nakikita parin niya ko HAHA). I am proudly to say na marami talaga kong naachieve sa online games HAHA sinasabihan din nila ko minsan na ang galing ko daw kasi nababalance ko yung studies and paglalaro (Challenger po ako sa League of Legends haha LOL). Galing ko daw kasi once na matutunan ko mas magaling padaw ako sa kanila haha. Wanna know my secret? Be persistent and determined to whatever you do, ang pananaw ko kasi is always may competition, pag kasi may pinaglalaban ka mas nakakagana na maachieve mo yun haha. Sobrang saya kapag naging achiever ka sa online games rather than sa school haha jk.
CPA, Certified Pogi Ako, sabi ni Mama at nung iba mga 5 lol HAHA maisingit lang.
And lastly, CPA, Certified Prayers Answered, isa akong tao na hindi palasimba pero ewan ko feeling ko lagi napakalakas ko sa Kanya. And eto na talaga ang tunay na story that will prove that GOD really exist! Fast forward nung college ako, I always pray to God lalo na pag sobrang down na down, sobrang masaya at nahihirapan nako. Lalo na yung dumating yung times na muntik nako mawala sa pagiging scholar at pagiging candidate for Laude which I could say na buhay ng pag-aaral ko (pressured eh) dahil lang sa grade na hindi ko alam kung san nanggaling haha. At dun nagsimula nag lightup yung gigil ko na makuha yang tatlong letra na yan, naalala ko pa yun humagulgol ako ng sobra sa harap ng office haha at pinangako ko sa sarili ko that papatunayan ko na hindi ko deserve yun at eto ang isa sa naging motivation ko why I continued to pursue this course para may MAPATUNAYAN. I pray pray pray every day and night. Sabi ko “God tara po samahan niyo ko, magiging CPA po tayo”. Take note: during college days puro computer parin ako HAHA kaya ayun may times na nakakakuha ko ng mababang grades pero bumabawi sa finals haha sabi nga namin lagi “Prelims or midterms palang yan, may finals pa”. May times na hindi ko maintindihan yung lessons kasi nga slow learner ako kaya nadidiscourage na talaga ko but nangako ako kay GOD na may papatunayan kami kaya I continue aral pa ng aral, computer lang ng computer hehe.
Nung 4th year and 5th year dun na naging shaky as in sobrang hirap na kasi puro majors (sama mo na yung minors na pamajor jk.) dun nayung times na gusting gusto ko na mag shift kasi napakahirap na, nagsasabay na yung personal at school problems ko. Financially, mentally and physically mixed up with pressures, Nako! Ang hirap niyan pag nagsabay sabay. Pero siyempre I always remind myself na may competition nga pala kami ni GOD wait hinga lang ako at tutuloy ko to.
May 2018, I sacrificed yung pag cocomputer ko kasi malapit na review classes and thesis namin. Fast forward, nung inhouse review namin dito na simulang nagparamdam ng sobra si GOD sakin as in yung feeling na nasa tabi ko siya lagi. I remember nung sobrang down na down ako kasi nadidiscourage nako kasi mabilis ang turo sa review eh pano yan slow learner ako kaya pumunta ko sa simbahan I kneel and closed my eyes and I asked His guidance, sabi ko “Lord itutuloy ko pa ba to eh ang hirap na, madisappoint na ang madidisappoint, hindi nako masaya eh. Lord sige hinahamon kita, Give me a sign na magiging CPA ako itutuloy natin to!” Bes pagtayong pagtayo ko at pagtingin ko sa likod ko as in nasa likod ko ay isang CPA na grumaduate sa school namin and take note gamer din siya katulad ko. (1st instance yan na nagpakilabot sakin ng sobra). Next, break time ng review classes namin ewan ko parang may mali sa mood ko nun sobrang ayoko na talaga although He gave me a sign recently lang, and eto nanaman ako I ask Him “Lord sorry po if demanding ako, penge naman pong sign oh” I opened my phone, and what I saw really light up my mood. Yung HR ng accounting firm na gustong gusto at pinangarap kong workplace inadd ako sa facebook haha. (How amazing Lord God diba!) Next, a day before board exam umiyak ako ng umiyak sa simbahan (sobrang iyak talaga pero yung pigil yung sounds haha) sabi ko “Lord bukas napo yung laban natin! Bakit parang di papo ako ready, sobrang dami ko pa pong di naaaral, Lord pano na yung laban natin kung mahina ako Ikaw lang ang malakas. Lord give me a sign please ayokong mabigo this time kasi nangako nako Sayo na lalaban tayo para sa titulo. Alam ko pong sobrang impossible na tong hihingin kong sign pero pag binigay mo Lord promise hindi nako kakabahan! Lalaban tayo bukas.” Wanna know kung ano yung sign na hinihingi ko? Ang makakita ng isang CPA after kong magdasal, kahit isa lang. Habang nag lalakad ako nakakita ko ng Believe in yourself that you CAN, napangiti nalang ako at nagpasalamat sa Kanya (o diba galing ni Lord!) habang naglalakad ako pa terminal. Guess what?! Nakasalubong ko yung CPA na grumaduate sa school namin na pumasa nung October 2018. I can’t contain my happiness sabi ko pa habang hawak hawak yung kamay niya “Ate Mae Mae!! Sheeet ikaw na yung binigay ni Lord na sign sa akin. Salamat po Kuya Jesus!” Sobrang naging motivated ako nung first day kahit mahirap yung exam wala akong naramdaman na kaba as in feeling ko nga gumagalaw yung kamay ko ng mag-isa kasi parang lutang ako na may nasasagot haha ewan ko. Next nung a day before the second day, eto yung gigil na gigil nako sa sarili ko at galit na galit kasi hindi ko natapos yung mga dapat kong aralin which in turn pa na kahinaan ko yung third subject na unfortunately pa ay specialty ng BOA chairman plus feedbacks dun nung October 2018. Bago ko umalis ng bahay di ako makapagsalita at makakain at napansin yun ni Mama (mother knows best) sabi niya “Gusto mo pa ba tumuloy? naiiyak kana oh” ang tanging sagot ko lang ay “Ma kahinaan ko tong next subject sobrang natatakot nako” ang tanging reply ni mama sakin ay magsimba ka. Kaya ayun humagulgol nanaman ako ng walang sounds sa simbahan eto na ang pinakafavorite kong sign na binigay sakin ni Lord. (eto nga pala yung tinatawag ko base sa pagkakasunod sunod ng pagbigkas ko Lord God, Mama Mary, Sto. Nino, St. Jude, St. Pio, Sto. Domingo, St. James at St. Philips) muntik ko na matawag lahat haha. Nung umiiyak ako and I recited my prayers to God, pumasok sa isip ko na humingi ulit ng sign pero nasa isip ko na wag nalang baka makulitan na sakin si God. Pero guess what!? He gave me it kahit hindi ko hiningi. At first I saw a woman carrying her child and take note I knew her, kasi CPA na siya nung last 2016 ata and sa school namin siya grumaduate. Ang nasabi ko nalang “Lord salamat po for another sign. Shet CPA nako!” nung malapit na kong lumabas ng simbahan (God is truly amazing!) nakakita nanaman ako ng CPA na passer nung October 2017 ata (Hi ate Nizza! Haha) and napasabi nalang ako “Lord grabe ka haha” and nung pasakay nako sa bus, (We should be still and Know that He is God) nakakita ko ng isa pang CPA na passer din nung October 2017 (Hi ate Blezzy! Haha) and you know what kung ano yung ginawa nila sakin nung nakita ko? All of them smiled at me as if saying Good Luck and God Bless. Bes tatlo sila, I conclude that each of them represents a letter that corresponds to C,P,A. Si God talaga yun nararamdaman ko 100% sure ako na siya yun (grabe naiiyak ako ngayon haha) kaya kahit alam kong kahinaan ko tong 3rd subject grabe during exam tuloy tuloy lang para nanaman akong lutang na nag sasagot. Ay bago ko makalimutan!! Eto ang nagpatunay ng lahat ng sign nayan. During my trip pa luwas a day before second day. Nanghingi nako ng final sign that will ease my mood sabi ko “Lord patunayan niyo po na you do really exist sa tabi ko at ready na kayo samahan ako sa laban ko magpatugtog ka ng kanta sa radio ng bus na bagay sa sitwasyon ko ngayon.” Bes ready kana ba kilabutan? Tumugtog ang kantang “I saw the sign, and I opened up my eyes. I saw the sign!” Grabe pag si God talaga ang kumilos mapapangiti ka nalang ng sobra sobra.
I want to take this opportunity to thank all the people behind my success. This would not happen without you guys!! All the pressures, confidence, downs, ups, trust and love that you gave to me ayun ang naging stairs ko to my success. Mommy, Daddy, kapatids, Nanay and Lola, Lolo and Tatay, titas, titos, mga pinsan, Bestfriend kong taker this October, mga katruepa, kacomputershop, beshies, dormbeshies, kaofficers, kaibigan, Certified Public Accountant napo ako!! Inaalay ko sa inyo to na nagtiwala at nagmahal sa akin during my long journey. I know that simula palang to ng laban pero I can say that isa itong napakagandang starting point ng buhay ko kasi masasabi ko na sa sarili ko na may NAPATUNAYAN na ko.
Gusto ko lang ishare sa inyo ang favorite verses ko which kasama ko all throughout my journey: Jeremiah 29:11 and 2 Corinthians 1:20, sobrang Galing ni God!!
“ I may not be perfect but I am with God”
From 24 letters,
Marc Glenn Dale Dave Angeles
To 27 letters,
Marc Glenn Dale Dave Angeles, CPA
Cum Laude, Bachelor of Science in Accountancy 2018-2019
Glory to God in the Highest!
Posted