• paul of Others

    Paano ko ba to sisimulan? Sobrang dami ng gusto kong sabihin. Baka mas mahaba pa to sa Cum Laude Speech ko kaya wag niyo na lang ulit basahin kung di nyo naman tatapusin. 😅

    "Si Monica? Nako sure pass na yan!""The best batch mga yan. Madaming papasa sa mga yan.""Kayang-kaya mo yun, ikaw pa?!""Basta Cum Laude, sure pass na."

    Line ng mga tao sakin/sa batch namin. Palagi kami ipinagmamalaki sa faculty kase madami raw matatalino sa batch namin. 10 daw yung magiging CPA samin. Pero di naman daw sabay-sabay. May mga ma-cocondi din.

    March 17, 2018. Gumraduate ako.

    April. Na-hire ako bilang Customer Service Representative sa SM Lipa. Nagtrabaho ako. Nililihis ko kase yung atensyon ng mga tao. Tuwang-tuwa akong ilagay sa FB na "Started working at Alorica SM Lipa". Syempre para ang isip nila, nagtatrabaho na ako. Di ako magtatake.

    May 12. End of contract. Seasonal Account lang kase yun for Mother's Day.

    May 27. Start na ng review namin sa Manila. 5 months kami magsstay dun. Iyak ako ng iyak bago umalis sa bahay tapos nagrent kami ng van ako lang yung walang naghatid pa-Mnl. Yung mga kasama ko, hatid jowa, hatid Nanay, hatid ng kapatid. Ako wala kahit isa. Pero okay lang. Di ako nagtampo kase ayoko din naman mahirapan pa pag iniwan na nila ako sa bhouse.Dun ko naranasan malayo sa pamilya. Sobrang hirap pala talaga. Sobrang nakakalungkot. Nakakahomesick. Sa twing kakain ako, naiiyak ako. Namimiss ko si Ethan. Namimiss ko yung mura ng Mama. Yung utot ng Papa. Yung bf ko. Yung sariwang hangin sa bukid. Lahat!

    Ang hirap na nga ng inaaral, malayo ka pa sa pamilya. Nasa playlist ko nun habang naliligo, mga kanta ni Gary V. Kase sa mga panahong yun, si Lord lang talaga ang makakapitan mo. Sya lang ang magbibigay ng lakas sayo para bumangon ulit, mag-aral, magsikap, para sa pamilya. Noon ko naapreciate ang mga kantang "Lead me Lord", "Through It All", "The Warrior is a Child". Mga ganung music na lang ang magbibigay sayo ng lakas at pag-asa na lumabang muli at labanan lahat ng takot, kalungkutan at kaba.

    Pagdating sa review center, na-culture shock kami. Kase yun na talaga yung labanan ng mga Cream of the Crop. Hindi lang sa buong Luzon, kundi buong Pilipinas. Mga Laude ng iba't ibang prestihiyoso at sikat na unibersidad, sila yung mga co-reviewee. At syempre, kapag galing ka sa Munting paaralan from the South, di maiiwasang bumaba yung self-esteem. Kase sa review center, dun ko LANG ikinahiya na Cum Laude ako. Masakit man sabihin pero oo. Kase parang walang-wala yung knowledge ko sa mga kasamahan namin. Bakit parang genius silang lahat tapos kami mediocre lang? Pero sabi ko sa sarili ko, wag mo sila intindihin. Di sila kalaban. Sarili mo lang ang kalaban mo rito. Tuloy lang.Tutulog ako ng 10pm (pero di pa ako agad nakakatulog kase di ako sanay na bukas ang ilaw. E yung mga kasama ko nag-aaral pa till late midnight, ako naman early to bed para early in the morning mag-aaral) gigising ng 4 am. Maghihilamos lang, timplang kape, tapos aral na ulit.Naalala ko. Tinatago pa namin sa maleta ko yung initan ng tubig kase bawal sa bhouse.Kapag lunch naman dinadala namin yung rice cooker sa carinderia. Tapos yung mga RK na univ students, napapatingin sila lagi kase may dala kami rice cooker. Pero di namin ikinahiya yun. E sa matakaw kami sa kanin e tapos ang mahal ng kanin sa carinderia. Anw, fast forward. First preboard. Dito mo raw malalaman kung may natutunan ka ba sa first half ng review. Naglbm ako before magpreboard sa sobrang kaba.Luckily, pasok ako sa top 120. Rank 117 yata ako. Sabit lang sabi nila.

    Final preboard. Eto na. Sabi ng iba, pag daw di sila pumasa dito, di na sila magtatake. Muli, pasok ako sa top 120. Rank 114 naman. Tumaas naman kahit pano.Pero hindi pwedeng makampante. Sabi kase ng reviewer namin, yung Rank 1-50 heaven. Rank 51-100, hell. Tapos after 100, purgatory. Alanganin pa daw.

    After nyan may 2 weeks na study period. Yung ikaw lang mag-aaral mag-isa. Tapos na ang review classes.Dito ko naranasan na from 4am to 10pm ng gabi, puro aral lang talaga. Kain, ihi at inom ng tubig lang ang pahinga. Yung mga kasama ko sa CPAR nag-rreview. Open pa din kase ang library. Pero ako, mag-isa sa bhouse namin. Ayoko kase sa CPAR sobrang lamig ng aircon. Nakakaantok at sipunin ako. Yung 2 weeks na yun, dun ko talaga naranasan na ibigay lahat ng lakas na meron ako. Bawal matulog! Halos tubig na ang kape para lang di antukin.

    Oct 6,7 and 13. ACTUAL BOARD EXAM na. Oct 5 pa lang, nagiiyakan na kami ng mga kasama ko. Sa sobrang pressure, sa kaba, sa mga messages na natatanggap mula sa family and friends.

    First exam.Financial Accounting.Habang nakapila papasok sa school kung san ako assigned, tumawag ang Mama.Sabi niya nagtirik daw sya ng kandila. Umiiyak siya. Actually lagi naman. Sabi ko "bakit ka ba naiyak? Naiyak din tuloy ako" Tapos sabi niya "Wala masaya lang ako. Kase ang daming nagmamahal sayo. Napakaswerte ko kase ikaw ang naging anak ko."Sinabi niya pa talaga yan mageexam nako ha! Syempre ako iyak ng iyak. Kase noon niya lang sinabi saken yun. Na swerte siya sakin kase ako naging anak niya. Yun kase yung parang buong buhay kong gustong marinig mula sa kanya. Partida di pa ako napasa, swerte na raw sya. Kaya sabi ko sa sarili ko noon, Kaya ko na to! Pumasa o hindi, masaya na ako. Kase noon ko lang naramdaman mula sa pamilya ko ang ganung suporta at pagmamahal. And it really mean so much to me.Oct 13. Last day of exam.TAXATION at RFBT (Business Law) ang subjects. Dito ako pinaka-kinakabahan kase dito talaga maraming sumasabit. Di naman kase to Accounting. Batas 'to pareho e. Pero mas pinagaralan ko yung Law kase takot talaga lahat dito kase di naman lahat e naaral to noong undergrad. I must admit mas pinrioritize ko ang Law kesa sa Tax. Kaya kabadong-kabado ako sa Tax.

    Oct 14. Sinundo na kami ng pamilya namin. This time, buong pamilya na sumundo sa akin. Bumawi kase hindi nila ako naihatid.

    Oct 23. Lumabas ang results. Sabi ko naman talaga kung macocondi ako, baka MAS tapos TAX. At nagulat nga ako, kase pasa yung average ko, ang taas ko sa Financial Accounting tapos biglang 62 ako sa TAX. E para maging CPA dapat atleast 65 ang lowest. So, I am 3 points away to the CPA title.

    Gumuho ang mundo ko. Kase hindi lang naman expectation ng mga tao ang na-fail ko e. I have failed my own expectations . I'm a failure.

    I don't know where to pick myself up. Di ko alam kung san magsisimula. Kung ano na ang mangyayari sa buhay ko.Yung inexpect nilang sure pass, pasado na SANA. Kaso kinulang ng 3 points sa Tax. Malay ko bang City na ang Mabalacat, Pampanga?

    Nakakahiya. Nakakahiya ako. Wala akong mukang maihaharap sa mga tao, sa mga professor ko, at lalong lalo na sa nagpaaral sa akin sa Maynila. Sa Mayor ng Balayan.

    Nagpunta ako sa bahay nina Mayor. Di ko napigilan na di umiyak sa harap niya. Sabi niya wala daw problema yun. Pinaliwanag ko kung ano ba kapag Conditional. Tapos sabi niya, "bakit ganun? Pwede ba iquestion yun?" Na kung pwedeng ilaban e talagang gagawan nya ng paraan. Sabi ko "hindi po e. Yun po kase talaga ang condition nila."Sabi niya "E CPA ka na rin naman e! Di ka lang makakapirma pero CPA ka na. Isang subject na lang yun."

    Ff.Sabi ko di ako babalik ng ICC ng hindi ako CPA. Blessing, nangailangan ng Accounting Instructor sa STI. ✌

    Nov 5. Employed na agad ako as a Teacher. Masaya kase bagong environment. Atleast, doon walang nakakakilala sa akin. Walang may alam ng istorya ko. Naaliw ako at bahagyang nakalimutan na Condi nga pala ako.

    Nag-enroll ulit ako sa CPAR pero di ko na ipinagsabi. Weekend session.Teacher M-F.Studyante kapag Sunday.

    Pero di ko kinaya ang hassle ng byahe. 4 am luluwas para sa 8-11 na klase tapos uuwi na ulit na sa sobrang hirap magcommute e inaabot ako ng gabi bago makauwi. Tapos kinabukasan e 7am ang klase ko bilang teacher naman sa STI.

    Nakakapagod at nakakapanglata.Kaya naman thrice lang yata ako nakaattend ng klase. Sabi ng Mama sayang lang daw bayad ko kase di naman ako pumapasok. Nakikinig na lang ako sa Telegram ng mga discussions pero mas nagfocus akong mag-self study. Narealize ko kase na yung 3 hrs na byahe papunta pa lang, madami na akong mababasa at masasagutan na problem.

    Napakahirap mag-aral habang nagttrabaho. Kahit pa sabihin na isang subject na lang. Kahit pa ang palaging sinasabi ng mga tao e "Isa na lang! Sure pass na yan!" Simula nung na-Condi ako, dun ko narealize na walang sure sa mundo. Lahat ng bagay pinagttrabahuhan. Kahit pa isang subject na lang yan. Hindi sya dapat nila-LANG kase isang subject PA yun. Na DO or DIE. Kapag di ko naipasa ang Tax, bagsak ako outright. Pero kapag naipasa ko, CPA na.

    Naranasan ko na habang nagbibigay ng quiz sa Accounting, or habang nagpproctor sa exam ng College, e nagsasagot din ako sa libro ng Tax. Multi-tasking at its finest. I have 438 students na tinuturuan, cinocompute-an ng grades at chinecheck ang attendance. Kaya pagdadating sa gabi, pagod na talaga ako. Di ko na kayang mag-aral.

    Kapag vacant ko, nasa sulok lang ako ng Faculty, nagsosolve, nagbabasa. At kahit noong tapos na ang classes, di na ko sumusweldo pumapasok pa rin ako sa STI. Yun ay para mag-aral. 8am-5pm. Naiinggit ako sa mga co-teachers ko na walang magawa kase summer vacay na, samantalang ako, mortal sin kapag natulog sa tanghali.

    Naalala ko. February 19, 2019. Nagpost ako sa fb na pa-Dasma kami ng bf ko. Ang sabi ko, wala kaseng kuryente sa Balayan kaya nagpunta kami sa Cavite. Pero ang totoo, nagfile ako for MAY 2019 CPA Exam.

    May 12. This time, kaunahan sa subjects ang TAX. Usually kase sa last day sya. Pabor sa akin kase hindi ko na kailangang magstay ng matagal sa Mnl.

    Noong Actual Board na, 6:30 am pa lang andun na ko sa room assignment ko. 8am pa nagstart yung exam kaya halos naka-100 akong hikab bago mag-exam. This time, handang handa na ako. Kumakanta kanta na lang ako bago yung exam. Sabi ko kay Lord, 2 beses kong binasa at sinagutan ang book ni Tabag. 2 beses ko ring binasa at sinagutan ang CPAR Handouts. Preweek ng CPAR, RESA, at LEAD sinagutan ko. Ilang libong tanong at problem ang sinolve ko."Lord, nagawa ko na ang lahat. Kayo na po ang bahala."

    Wala akong sinabihan na mag-eexam ako except my very own family. Kahit sa friends ko di ko sinabe. Ayoko na kaseng nageexpect yung mga tao saken. I don't want them to see the process anymore, I just want them to witness the results.

    Kahit ngayon na ilalabas na ang results, kakatanong lang sakin ng Papa kaninang tanghali kung kailan. Sabi ko di ko alam. Wala akong pinagsabihan na May 27 lalabas yung results except Adam. Dito sya nagdinner sa bahay pero walang kaalam alam ang mga Mama na hinihintay namin yung result.

    16% lang ang pumasa.Yan yung unang lumabas. Actually, nasa CR ako when I saw the graph of passing percentage. Nagdasal ako kay Lord. Sabi ko, Lord 16%. Noong Oct 25%. Sana naman this time, kasama na ako Lord. To my surprise pag tingin ko ng cp, nagpost na si Ate Cai.No. I can't believe it.Sabi ko bakit wala pa saken. Sa Conditioned Examinees kase ako tumitingin hindi sa A-H.And finally! Di ako makapaniwala! 😭😭😭All my hardworks have been paid off!Sulit bawat luha. Bawat pagod. Bawat Kopiko Blanca Twin Pack.

    MARAMING SALAMAT SA PAMILYA KO na hindi napagod intindihin ako. Na wala talaga akong ibang ginawa sa bahay kundi mag-aral. Mama Minerva B. Carandang , Papa Dhondie Carandang , Ate Hiyasmin Carandang - Garces , Kuya Jayjay Garces Prince Ethan Carandang . Sa lahat ng Baylosis at Carandang!

    Kay Ate, thank you sa credit card noong nasa Manila ako! Wala akong naging problema sa groceries kase swipe lang ako ng swipe. 😭😭🙏🙏

    Kay Mayor JR Fronda sa walang sawang tulong at pagsuporta. Para sa inyo to Mayor! May CPA na kayong scholar 😭😭.Sir Joel MapaladSir Henry Baldovino Onivodlab YrnehMa'am Nestle DiñoMa'am Simple Dela Cuesta.Ma'am Eds Naños.Sir Edijer TumbagaSir Demetrio Hernandez.Sir Bong Marquez Frontera IIIICC FAMILY.

    Ma'am Ellen Christy Alaras DimaanoSir Oliver Noriega Sa paglelend po ng facilities ng STI para sa akin. Sa pagtanggap maraming salamat po!

    Father Edgardo PagcaliuanganFather Manny Guazon.Pondong Batangan Family.

    Sa mga studyante ko, maraming salamat sa inyo guys! Pinasaya ninyo si Ma'am!

    Syempre sa mga kasama ko sa bahay, Loren Pido Jeric Patulot Ruru Aguilar ATIN TO GUYS! SALAMAT SA 5 MONTHS!

    Sa Crazys, Prema, PJPII, BSA BATCH 2018 CLASS A and B, PARA SA ATIN TO!

    And to my confidant, my no.1 believer and supporter, sa pagpapalakas ng loob ko sa twing gusto ko ng sumuko, sa pag-intindi sa akin sa twing masungit ako. Adam Marquez.

    This is (5 years ko tong inintay 😭😭)

    MONICA BAYLOSISCARANDANG
    CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT
    May 2019

    "Therefore, I tell you. Whatever you ask for in prayer, believe that you have received it and it will be yours."

    Posted