• paul of Others

    Ako yung tipo ng estudyante na di nagsusunog ng kilay kapag exams.yung as in halos wala ng tulog?pero nag aaral naman ako yung sakto lang na aral,kung san lang abutin ng utak ko yung mga topics.Thank you kay Lord nasurvive ko ng accountancy kahit dumaan ako sa butas ng karayom.during my qualifying exam,di umabot grades ko sa quota 38/50 para pasok ka na sa 3rd year but I only got 33/50 conditional yung status ko nun.kaya 2nd take ng quali kailangan nalang eh 30/50 but I only got 28?ang sakit no?parang ang tanga tanga na ng tingin ko sa sarili ko.ayun iyak ako ng iyak kasabay buhos ng ulan hahahhah drama eh no? sabi ni mama lipat nalang daw all ng school para maicontinue ko ang course ko sabi ko ayaw ko lumipat ng school.Thank you so much sa chairperson ng acctg department namin for giving me one last chance.And at last pumasa rin ng quali.ayun nakagraduate na nga ako and nagreview na ako sa Manila (RESA).yung tuition ko sa rc ay sinagot ng napagenerous kong teacher nung elementary.OCT 2016 I failed.nagsorry ako sa mga taong tumulong sakin.I feel so sorry dahil nabigo ko sila lalo na magulang at kapatid ko.nung malaman ko result kala ko di ako iiyak pero hindi ko pala kaya hindi ilabas yung pain.humagulgol ako yes.yung feeling na katapusan na ng mundo?di ba ang oa ko?hahaha.pero nakatulong pala yun para malessen yung bigat sa dibdib na parang anytime pwede sumabog.Nov 2016. nagwork muna ako.until feb 2017 nagdecide ako na bumalik manila para magreview ulit pero sa ibang rc na and I pinili ko sa PAREX (now LEAD)batch 2 ako dun and this time si Donald (boyfriend ko) na sumagot ng review ko Kasama ng mga magulang at kapatid ko,sinuportahan nila ang 2nd review ko and yun yung pinakareason kung bakit itutuloy ko ang laban.Oct 2017'CPALE na. one day bago ang actual board exam,nagkabulutong ako.Jusko Lord naiiyak na ako.bakit ngayon pa.kakapanghina. nilalagnat na ako gabi palang before exam.bago ako pumasok sa room assignment ko.dumaan kami ng chapel ni Donald.Di ko agad napansin pareho na pala kaming umiiyak.Sabi ko kay Lord,Lord sobrang pagmamahal mo to sakin kasi mismong araw ng board exam ako nagkabulutong.Long story short,wala na naman ako sa list.kastress diba?hirap ibalita sa mga magulang mo.nakakahiya sobra.But I tried my best.pero kulang arin talaga ang push.Nagrefresher ako dito sa Bicol and salamat sa dati kong boss,sa mabuting puso nya.sya sumagot ng tuition fee ko worth 22,000.nagleave ako sa work 1 month before May 2018 CPALE.during the exam alam ko na tagilid na naman ako sa taxation.pero yung ubang subjects ok kinaya naman.when the result is out,I'm not expecting na nasa list ng passer ang name ko.pero di na ako umiyak this time kasi sobrang lakas ng feeling ko ma condi ma ako this time.And yun na nga condi ako sa taxation.hindi muna ako nagwork.talagang naggugul ako ng oras para magreview lang dahit inabot ko na ang transition period.papasok na ang train law sa oct 2018 sa tax. Oct 2018 yung ramdam mo na na time mo na yun?kasi mararamdaman mo talaga kung gaano kapowerful si Lord.habang binabasa ko ang problem sa taxation eh magsosolve na utak ko na di ko malaman kung san nanggagaling.hahahha.after exam sabi ko eto na to CPA na ako next week.And binigay na nga ni Lord yung tatlong letra sa pangalan ko.Finally I am now 

    PAMELA MONTON CASTRO,CPA

    FAILED.FAILED.CONDI.PASSED.

    Kaya wag susuko sa pagsungkit ng tatlong letra na yan.kayang kaya nyo rin yan. All you need is to trust and believe in Him. Sabi nga nila,"Trust the process"Just keep the faith.Ravaaann guys.!!!! 

    Posted
  • mabeeeng_cpa of SMMC

    Thankyou po ate Pam :)) nakakainspired sobra po :))

    Posted