Ang CPA na Probinsyanong Unico Hijo ng isang Butcher at Sari-sari store Owner
-
paul of Others
Nung nasa grade school ba kayo, gusto nyo nang maging isang Certified Public Accountant?
Ako kasi hindi e. Hindi, hindi dahil sa ayaw ko kundi hindi, dahil wala akong ideya na may mga tao palang ganito ang titulo. Ang alam ko lang kasi nun ay mass com (sorry di ko alam yung tawag sa kanila), businessman, pulis/sundalo, teacher, doctor, attorney at mga pulitiko. Pero maliban sa "to be successful" na madalas ilagay sa ambition section ng slam book ng classmates ko, engineer talaga ang gusto kong maging (kaya naman sa mga sulatin, formal theme at essays na pinapagawa ni ma'am at sir e yan talaga ang binibida ko). Bakit? Hindi ko rin alam knowing na wala namang inhinyero sa pamilya namin. Dahil ba mahilig akong magplano at magdisenyo ng mga bahay (maliit lang kasi yung bahay namin at sabi ko nun pag mayaman na kami at magpapatayo ng bahay, ako ang bahala sa hitsura so drawing ako nang drawing kaya naman maraming papel ang naging katumbas ng pangarap kong ito)? O siguro kasi kakaiba at mas may dating pakinggan kumpara sa mga binanggit kong nauna? Bago rin kasi to nun para sa murang edad na katulad ko.
There comes high school. Naalala kong may exam kami nun with regard to entrepreneurship (career assessment ata). Dun ko na-encounter for the very first time yung "assets", "liabilities", at "capital" na business-related. Ha? Ano daw yun? Ibang assets, liabilities at capital ang alam ko! Kaya naman hindi ko na binigyang-pansin ito kasi sabi ko nun hindi naman kasama yan sa grading. And yes, nandyan na ang college entrance exams! Ang daming course na pagpipilian at dun na ako nag-isip talaga kung aling path ang tatahakin ko.
I also remember yung advise sa akin ng isa kong sir, maging practical daw ako sa pagpili, huwag basta-basta. Hmm. Ibat-ibang schools at courses na inapplyan at ipinasa. Pero sa huli, ang nilagay kong ambition sa yearbook namin ay "To be a CPA Lawyer" (!). Parang ang taas daw kasi ng dating at sabi ng batchmates ko bagay daw sa akin (hindi ko alam kung alam ba talaga nila kung ano to o nang-gu-goodtime lang sila...lawyer lang kasi ang alam ko). Sabi nila swak daw sa akin yun kasi magaling ako sa Math (na pinanghawakan ko naman). At sabi pa nila, ang mga CPA daw, isang pirma lang e pera na agad (talaga ba??)!
Enrolment na sa college pero, honestly, hindi ko pa rin talaga alam kung anong kurso ang kukunin. But since may mga pinsan (both from father's and mother's side) akong kumuha na ng accountancy, why not yun na lang rin ang kunin ko para pag may tanong ako e madali na lang silang lapitan. Isa pa, magaling naman daw ako sa Math (please, ibigay nyo na sa akin to! hahaha), well kaya ko naman sigurong ipasa yung "accounting" subjects ko (though wala akong idea kung ano tong "accounting" na sinasabi nila). I took the entrance exam and was evaluated at sabi sa akin, good choice daw. Sa kabilang rumors na ito daw ang pinakamahirap na course (e bakit ito pa ang kinuha ko?!), well-recommended naman daw ako to take up BS Accountancy sa kadahilanang mataas daw ang nakuha ko sa test. At yun na nga!
1st year, 1st sem: puro minor subjects. Wala pa si accounting. Pagdating ng 2nd sem, heto na sya. Basic accounting - -nandun ako sa point na, uy! Kaya!! Nakukuha ko naman kasi nang tama ang mga pa-exercise, pa-quiz at pa-exam ni madam. Dahil first time encounter, masipag akong mag-aral nun. Lahat ng exercises sa book, pinagpuyatan kong tapusin (requirement kasi). Kaya naman pagdating ng battery / qualifying exam right after 1st sem ng 2nd year, kampante akong papasa (pero wag ding overconfident ha, masama yun). Ang kaso, hindi lang acctg 1 at 2 ang coverage ng exam, dapat magaling ka rin sa gen info (logic, verbal and nonverbal reasoning, english, vocab, reading comprehension at math) para sure pass, 30% din kasi yun. Luckily, dahil na rin sa pagsusunog ko ng kilay at pagdarasal (always do pray...for spiritual strength increases our minds' capacity sabi nga ni Sir Zaldy). I was 1 of the 22 who passed among 68 examinees! Bonus na lang din ng pagsisikap yung mag-top ka. Naranasan ko ring maging DL (ACATOPCI tawag namin) for 4 consecutive semesters. Patunay na well paid off ang bawat effort sa studies na ibinigay natin.
Success isn't just about passing and being on top, it's also about facing failure with courage and then rise again. Nung nasa 3rd year kasi ako, super nag-lie low ang performance ko. Bumagsak sa quizzes at exams at first time na magkagrade ng line of 7 sa talambuhay ko! Pero tuloy pa rin ang laban para sa pangarap. Yun nga lang, mali ang naging mindset ko mula nun. Imbes nakasi "para matuto", "para pumasa" na lang ang naging motivation ko sa pagpasok. At nagtuloy-tuloy na nga. Hindi lumipas ang isang sem na hindi ako nakakuha ng palakol na grado sa accounting subjects ko. Hanggang sa palapit na nang palapit ang graduation, isa na lang ang nasa isip ko: "papasok ako, konting aral, para grumaduate".
Swerte ko dahil sa dinami-rami naming nagsimula, isa ako sa pitong magtatapos sa batch namin on-time. Hindi ako laude pero maswerte akong nabigyan ng full scholarship sa review considering my performances in the areas of academics and leadership (yes, student-leader po ako na masasabi kong may malaking impact at talagang nakatulong sa buhay-kolehiyo ko). Pero nakakatakot ding tumakbo as Governor ha kasi sabi nila medyo "jinxed" daw tong position na to. Before kasi ako, ang trend daw ng pagpasa as CPAs ng mga nauna sa aking Gov is passed-failed-passed-failed at ako yung nasa "failed part"!! Masusubukan talaga ako dito a, sabi ko, at nakadepende sa akin kung bibigyang patunay ko ang haka-hakang ito. Uh-oh.
Sa Manila ko napiling mag-review as preparation na rin if in case dito ko mapag-decidan na mag-work para madali na lang mag-adapt. First time kong malayo rin sa amin nang ganito katagal kaya hindi ko alam kung paano mabubuhay. Buti na lang natuto akong maging independent noon pa man kahit na mag-isa lang akong anak (normally kasi yung mga nasa ganitong situation e spoiled at superdependent sa magulang). Umaga ang sked na kinuha ko kahit na ako yung tao na hirap matulog sa gabi kaya naman late na kung magising. Pero para sa titulo, kinaya ko.
NGUNIT, hindi maganda ang first preboard ko. Yung feeling nalutang kang nag-exam ng 1st day dahil kahit 30 mins lang e wala ka talagang tulog? Sakit sa ulo! Zombie mode! Dapat talagang ikondisyon ang sarili. Pagkatapos nito, hindi ko na kinayang pumasok nang maaga. THE STRUGGLE IS REAL talaga! Absent kung absent (well AFAR lang ang pinapasukan ko dahil dito talaga ako mahina, back-to-zero kumbaga) at wala pang limang beses na naki-seat in ako sa panghapon na sked. Mahirap kasi yung papasok for the sake na masabi mong pumapasok ka. Behind nga ako sa topics e kaya hindi rin ako makasunod sa itinuturo nila. Sayang lang. Kaya mas pinili kong magkulong at mag-aral na lang sa dorm. Magbabasa ng textbooks, magsasagot ng reviewers, effective for me tapos pag may tanong, hindi nag-hesitate magtanong.
Gumawa din ako ng summaries ko para mas madali na lang mag-review kapag oras ang kalaban. Meron pa nga akong notes sa index cards na naka-post sa wall para bago rin matulog e may konting input pa rin at para mas madaling tandaan. Ang maganda rin sa review, marami kang makikilalang ibat-ibang klase ng taong ibat-ibang kultura ang nakalakhan. May naging kaibigan ako at nakasama sa group discussion. Seven kami sa group na sa review lang nagkakila-kilala: 3 from Isabela, 2 from Laguna, 1 from Cavite, 1 from Pampanga (and to mention na rin yung friends namin from Ilocos and Bicol...hi guys!).
Naranasan namin yung sagutin ang isang complete set ng exam with matching time pressure and shading ng sagot (as if board exam talaga) tapos ichecheck at magbabayad for every mistake committed. But more than that, someone from the group who knew the correct way of obtaining the answer explained how did he/she get it to the ones who got it wrong. Sabi rin kasi nila, mas nare-retain daw sa utak mo yung napag-aralan mo kapag shinare mo sya sa iba, wala rin namang mawawala diba? Natulungan mo pa ang iba na maabot ang pangarap nila. Final preboards, same case. Siguro that time, 30 minutes na tulog naman (at least may improvement). Zombie mode ulit pero hindi ko pa rin pinabayaan ang exam. Final assessment na kasi yun kung kaya ba talaga ang actual board exam. Pumasok ako sa Top 100 (thank God!) at sabi ko, go ako sa board exam, mukhang maganda ang magiging resulta. Tapos nagpreweek (pero hindi lahat pinasukan ko at pinagsisihan ko yun)...malapit na talaga sya!
On the brighter side, bilang malayo sa pamilya ng ilang buwan, naging sandigan ko rin ang Diyos. Meron akong book na binabasa every night bago matulog entitled "Didache" (the Greek word for teaching...a Catholic daily Bible reflection guide written by ordinary people who seek to live out the Gospel in their everyday life in the hope to encourage the use of Sacred Scriptures among Catholics). I always felt this one thing called "Holy Disturbance" na naniniwala akong God's way to say not to worry, sagot Nya ako.
Sa katunayan, on October 1 (1st day of exam), the story for the day was entitled GRACE HAPPENS and on October 2 (2nd day of exam), WAIT FOR IT naman. So feeling ko talaga para sa akin to. I had this Thursday habit din na bumisita sa St. Jude the Apostle Parish sa Mendiola to ask for divine assistance (tradition daw kasi to ng mga reviewee). And every Sunday naman, dun ako sa Church ng UST to attend the Holy Mass at malapit lang sa dorm. But I also remember going sa Manila Cathedral at Quiapo Church to pray din. My point is, in whatever we do, with all the undertakings we have, never forget Him. Most importantly, DO NOT BE ASHAMED TO PROFESS YOUR FAITH, lift up all your worries to God and pray for excellence and victory. He can hear us all. He just waits for us to ask. He is there...always.
Anyway, may natanggap din ba kayong text messages at mga sabi-sabi kung saan daw kukunin ang mga tanong sa actual board? (Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko tong part na to! hahaha). Wag basta-basta magpapaniwala ha unless si director na mismo ang nagsabi (lol). Sabi ko nga, kahit san pa yan kunin, kung marami ka namang bala at handa sa giyera, yakang-yaka ang board! The good thing is, yung isang ka-dorm ko, complete stranger (he's from Davao), though hindi sya lagi nag-stay sa room namin, umuuwi para lang magbigay ng mga handout--handouts na hindi ibinigay ng ibang review centers sa lahat (ganito dapat bes, mag-ipon ng good karma, wag madamot!). Pero with all due respect sa kanya, hindi ko nareview ang mga ito. Ang dami kaya. Board exam na! Dun muna ako sa basic concepts at mga kailangan imemorize.
September 30, night, one hour lang ata ulit ang tulog ko. Gumising ako nang maaga para mag-review pa ulit (dapat nga hindi na e) at para hindi na rin ma-late, mahirap na. Sobrang kabado ako nun. Ito na sya...hindi na lang sabi-sabi...abot-kamay ko na ang pangarap ko. Pagpasok ko sa testing room, gayan g sabi sa akin ng isang kuya, i-claim nang "akin na to!". Pero satotoo lang, hindi naman sa pagmamayabang, hindi ako nag-doubt na babagsak ako sa board (except every after ng preboards tapos makukuha mo yung resulta na medyo mataas din naman, sayang ang oras ng pagdadrama). Naniniwala kasi ako sa"law of attraction" pero dapat may action rin sa part natin. Dapat puro positive vibes lang. Kaya naman pagkatapos ng bawat subject ng CPALE, hindi ako nakaramdam ng anumang panghihinayang at sobrang kaba. Pinanghawakan ko rin kasi ang Jeremiah 29:11 na verse sa Bible (actually nakapost to sa wall ng room namin since I was there). October 9, last subject, dineclare ko na "Congrats! CPA na ako!". :)
THE AGONY OF WAITING. Seryoso, bakit ang tagal ng resulta?! Lumipas na ang birthday ko (October 15), nanalo na ang Ginebra, rumagasa na si Lawin, pero wala pa rin! Naisip ko tuloy na baka walang text o tawag akong natatanggap kasi hindi ako pumasa. Hala!!!
October 19, gabi, may nabasa ako sa Facebook na kinabukasan daw ng tanghali lalabas ang resulta so I decided na matulog na lang kasi ang hirap umasa (and I prayed na sana may kuryente pa bukas kasi signal no. 5 samin dito sa Isabela). Kinabukasan habang natutulog ako, tumawag yung kaibigan ko kay mama, gusto daw ako kausapin. Ako naman ay, okay alam ko na ang patutunguhan nito.
Ako: O bakit?
Sya: (super excited) Natutulog ka pa, CPA ka na!
Ako: (normal na boses ng bagong gising) Talaga ba?
Sya: Oo nga! Congrats!!
Ako: Okay sige. Thank you. Bye.2 minutes later...saka pa lang siguro nagising ang diwa at buong pagkatao ko. Bigla akong bumangon at chineck yung site ng PRC (wala nang kuryente pero buti na lang medyo nakapag-charge pa ako at okay pa ang network). Oo nga! THE TITLE IS REAL!! October 20, instant celebrity ang feeling. Yung kahit di mo kilala e kino-congratulate ka. Wow! Most especially, iba rin yung feeling ng mga magulang. "CPA na ang anak ko! (with matching luha)". Kindi ko man pinakita pero naluluha rin ako kasi finally, nagbunga na rin ang paghihirap ng bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman on the same day, sa kabila ng hagupit ng bagyo, pumunta ako at ang kasama kong pumasa rin sa simbahan para magpasalamat sa Kanya.
"I am one of the 5,249 successful examinees in the October 2016 CPA Licensure Examinations"
With all the hardwork, perseverance, sacrifices and faith, titulado na ang mokong -- ang probinsyanong unico hijo ng isang butcher at sari-sari store owner.
Nag-Accountancy.
Nagsumikap sa pag-aaral.
Naging CPA.To God be all the glory!
~Salettinian CPA
Posted