How to study for the CPA exam while working as a BPO agent
-
paul of Others
Wala akong tatay (not literally, off course) and I don't know him. Hindi kami ganun ka close ng mother ko so hindi namin napag-uusapan yun, may family na siyang iba eh. In short, ang nagpa-aral sakin sina tita, tito, lola, lolo at mga pinsan. 4 years ago na ko grumaduate (2012) but due to financial reasons, hindi ako nakapag-review at nakapag-take.
After grad, nakapag-work ako. I know alam mo yung feeling na dahil nakakapag-earn ka na, nawawala na yung desire to take the Board Exams. But one day my uncle asked me "Gusto mo ba ganyan ka na lang habang buhay (utusan, mababa ang position, ganern)?" So it hit me, and come 2015, I decided to enroll in a review center.
It was very hard though, na pagsabayin ang studies at work. Lagi kaming OT so ang aral ko lang talaga during weekends which is during the review. Alam mo un? Ung dadating ka sa klase na bangag, aalis na bangag (although makaka-recall ako habang nakikinig, pero lack of time para balikan ang lectures). Sabi ko sa sarili ko "di pwdeng mag-take ako ng May 2016 na ganito ang lagay ko ngayon." I did not take the May exam.
To cut the story short, I left my hectic job and searched for a lighter one. I got a mid-shift job, 3pm-12mn. I enrolled again in review center. I study at 8am to 1pm then work 3pm-12mn. Mahirap ung weekend part kasi ang pasok is 8am, but no probs. My desire that time to attend class is greater than my desire to rest and sleep. Iniisip ko nalng, ano ba naman ang ilang buwan na kulang sa pahinga at tulog, compared sa lifetime na happiness kapag nakapasa diba?
At work, I listen sa recordings (bawal mag-headset sa work so tago lang itey), may scanned copy din ako mg review materials so nagnanakaw ako ng basa sa PC while working (sa BPO kasi, bawal ang papel). I left my 2nd job again (middle of August) kasi sobrang kulang na sa time at nagkakasakit na din ako. And malapit na ang board exam so kailangan ng mas madaming time. Nakakainggit yung mga full time reviewees kasi mas madami silang time. No choice kasi ako e. But I saved money to have full time by middle of August until the exams.
How did I survive and pass? It's not a sole effort. Financially, through the help of my family. At sa studies, nagtatanong lang ako ng nagtatanong sa mga friends ko kapag hindi ko gets yung topic. (Dapat aralin mo talaga, di pwedeng porke't ayaw mo, papabayaan mo na lang kasi part yan ng board exam). Todo kape, todo cobra (basta magising lang). I give myself at least 6 hours of rest, kasi bes ang utak napapagod din. Pwede mag-unwind (but make sure, bawiin mo ung time na nag-enjoy ka sa time ng study mo). Be consistent. Di pwedeng ang effort ay dun lang sa time na malapit na ang board, dapat mula simula ng review. Bes, ilang buwan lang kasi yan, wag kana mag-aksaya ng time. Itodo mo na this. Please lang, hindi para sayo lang, kundi para sa pamilya mo.
Be resourceful. Mas ok pa din nakaka-solve ka ng materials ng ibang review center para ma-test mo din understanding mo.
Most important of all, PRAY. Bes, kahit madami kang time, madami kang books, na kay God pa rin if ibibigay Niya. Pray with action. Have faith in Him. Nakikita niya effort mo bes. Hindi naman ibig sabhin na hindi binigay now, e feeling mo hindi na-appreciate ni God ang paghihirap mo. May magandang plano lang talaga siya. Basta sa kapag review, sa pag-answer ng materials at especially sa Board, just pray and have faith. Pray for grace and strength. I swear, hindi ka niya pababayaan.
Makukuha mo din ang title na CPA. Ang question lang jan e, kailan? At ang sagot, nasa iyo din at nasa Kanya.
Wag tatamad-tamad bes. Gawin mo yan para sa pamilya mo. Hindi mo alam ang tuwa na maibibigay mo sa kanila kapag nakapasa ka. Itodo mo na this. Use your love for your family to motivate you. Fighting!
Godspeed future CPAs.
-TON, CPA October 2016
Posted