Tatlo in Form, Dalawa in Substance
-
paul of Others
BAKIT tatlo in Form, dalawa in Substance?
Tatlo, kasi tatlong beses akong kumuha ng CPALE bago ko nakuha yung tatlong letra. Dalawa, kasi yung isang take ko is para sa removal ko para sa malupit na Taxation at sa sobra akong minahal na AFAR. In short, nagboard exam, nacondi, bumagsak, pumasa. HAHAHAH. Kung babalikan ko yung past parang di pa rin ako makapaniwala na nakuha ko na siya.
As expected sa isang accountancy student, marami ang magsasabing HINDI KO GINUSTONG MAGING ACCOUNTANCY ANG COURSE KO kasi pinilit lang ako, napasubo na ako kasi ito na yung pinili ng barkada ko, ito daw kasi yung praktikal na kurso at kung ano-ano pa. Well, ang masasabi ko lang is, isa na rin ako sa mga napilitan lang. HAHA.
Bago ako grumaduate ng College, wala talaga akong balak kumuha ng board exam. Napilit lang rin ako ng parents ko na kumuha kasi ako na lang din ang walang title sa family kaya medyo nahiya rin ako. Triny ko siya pero parang wala akong pakialam kung ano man ang maging resulta nung una kong subok. Sa una, na-excite ako kasi finally mae-experience ko din ung tumira sa ibang bahay para mag-review kasi nga mas pinili kong mag-self review muna bago pumasok sa review center kasi alam kong wala akong baon sa review; kahit sabihin pa ng magulang ko na grumaduate ka sa kurso at nakakakuha pa ng academic awards kung wala pa lang alam kasi sa totoo lang gaya ng iba, hindi ko talaga gustong mag Accountancy.
Fast forward, di ko na kinaya yung self-review, hahaha. Ayoko nang magbasa ng notes na wala akong maintindihan. Kaya nag-decide kami ng bestfriend ko to enroll ourselves in a review school in Iloilo. Nung nag-start na kaming mag-review, parang okay naman kasi mas naintindihan ko na yung mga concepts na pilit kong iniintindi sa self-review program namin. Yung mga first pre-board exam namin, medyo nakakasabay pa ako pero habang tumatagal, pababa na nang pababa yung scores ko. Pero sinabi ko na lang sa self ko na kaya ko to dahil na rin sa naniniwala ako sa sinasabi ng reviewers namin at dahil na rin sa unti-unti ko ng nagugustohan ang kurso ko. I trusted their program.
Fast forward, nakapagboard exam na ako ng walang nararamdamang takot o kung ano, chill-chill lang. Hanggang sa dumating na nga yung results, pak! Wala yung name ko sa list ng passers tapos yung bestrfriend ko at ibang naging kaibigan ko ay pumasa na. Huhuhu. I asked myself where did I go wrong? Pero ewan ko ba di ako masyadong pinanghinaan ng loob, sabi ko sana conditional ako kung bagsak man, kukuha pa rin ako ulit at uulit-ulitin ko hanggang sa makuha ko. Hahaha. Opo, ganun ako kafeeler that time. Hindi talaga ako nag-give up at hinintay ko talagang i-release ng PRC yung individual results, at yun nga nakita ko na yung yellow sign na for removal ako. Napasigaw pa ako ng yes, kasi dininig ni Lord yung prayer ko na sana kung di man ako pumasa, sana macondi na lang. Pero natakot din ako, kasi yung ireremoval ko is yung subjects kung san ako mahina nung nagrereview, TAX AND ADVANCED FINANCIAL ACCOUNTING AND REPORTING.
I decided na mag-removal na nung October 2016 and I failed. Ang sakit-sakit sa feeling na makita yung pulang sign tapos may FAILED na nakasulat sa result. Huhuhuh. Hindi talaga kinaya ng average kong i-75%, huhuhuh, kasi sobra akong minahal ng AFAR at ayaw niya talaga akong bitiwan. I don’t know what to do kasi ako na lang yung naiiwan sa mga kasabayan ko. Lahat sila pumasa na. Akon na lang talaga ang naiwan. Ang sakit-sakit. Ako lang yung condi na bumagsak that time. Ang feeling ko ang bobo-bobo ko kasi dadalawa na lang nga ang natitira, di ko pa kinaya. Dagdagan pa ng pangugutya ng ibang tao. Nadepress ako kahit alam kong I tried my best kaya lang sabi ko walang magagawa ang pag-eemo ko. I need to fix myself and be ready for the next battle. I know God has a better plan for me. I trust His plans. Ayaw kong mag-give up. For me, quitting is never an option. Nag-pray lang ako nang nag-pray para sa guidance niya sa kung ano mang step yung dapat kong gawin.
My family and friends comforted me big time and I’m really thankful dahil di nila ako iniwan. Nag-decide kami ng family ko na mag-review ulit, sa same review school for the third time kasi nandun pa rin yung trust ko sa mga reviewers ko na kaya nila akong tulungang pumasa kagaya ng mga nakasabayan ko. Kailangan ko lang talaga ng matinding dasal, tiwala sa sarili at sobrang disiplina para sabayan ang program ng review. I decided to change my strategy. Inubos ko na lahat ng review materials pati libro. Sobrang gigil na akong sagutan lahat, HAHAHAHA, kaya lahat sinagutan ko at hanggang ngayon, di ako makapaniwalang nagawa ko yun. Hahah. Hindi ko na rin hinahayaang makatulog ako sa discussions kasi alam ko, ako lang ang lugi kapag pinairal ko ang antok ko. Dun na ako umupo sa harap para mas maka-focus. Mas tinutukan ko yung AFAR ko at inubos yung dalawang libro ni Dayag at Punzalan regarding business combination kasi hirap na hirap ako dun. Mas tinodo ko na ang dasal ko kay Lord.
Bago mag board exam, tinatak ko sa utak ko na, I have done my part, kaya ang mga di ko na kayang sagutan, si Lord na lang ang bahala. Actually during board exam, kinakabahan ako. First time akong kinabahan ng ganun katindi sa lahat ng exams ko. Kaya thankful ako sa taong nagpalakas ng confidence level ko during board exam na hanggang ngayon pinapalakas pa rin ang apog ko, hahahah.
Natapos na yung board exam, waiting game naman yung problema. Habang naghihintay ng results, lahat ng instructions ni Atty. sinunod ko para in the end wala akong pagsisihan kung ano man ang maging resulta, kasi this time, lahat ng instructions nila from the start of review hanggang sa natapos sinunod ko. Heto na mga bess, MAY 29, 2017, 9:03 pm, my friend announced to me the good news via fb messenger that I passed the CPALE MAY 2017 BOARD EXAM. Bigla kong pinahanap sa kuya ko yung result at maging siya ay kinakabahan na rin. Finally, totoo nga!
Haay, salamat lahat ng pagod, sacrifices, luha, pawis at perang ginastos sa review ko ay nagbunga na rin. I can’t forget how I made my parents proud that night. Hindi sila nakatulog kasi finally, may CPA na sa family namin. Kaya sa mga naconditional o bumagsak this October 2017 exam, wag mawalan ng pag-asa. Trust His timing. Sabi nga ng isang reviewer namin, YOUR FAILURE WILL SERVE AS YOUR REMINDER OF YOUR SWEETEST VICTORY.
Kaya kapit lang bes, dasal-dasal lang at mag-focus sa inaaral. Never give up! Once na grabe na ang sakit na nararamdaman mo, i-lift up mo na lang kay Lord kasi di ka niya pababayaan at ‘yan na rin ang sign na malapit ka na sa tagumpay na inaasam-asam mo. FIGHTING!
-Nag-exam, nacondi, bumagsak, pumasa!
Posted