Brokenhearted turned CPA
-
paul of Others
2011 - graduation year ko. Imbis na mag-enroll sa review school ay naghanap ako ng work. That time, mas need ko tulungan ang family ko, napaaga kasi magka-baby ang panganay namin. Siya sana inaasahan ko na makatulong muna sa family ko. Since student pa lang ang ex, sabi ko na lang: "hihintayin ko na lang sya at sabay kame mag-eexam. Ahead kasi ako ng 2 years sa kanya.
2013 - pangatlong work ko na as a contractual sa isang government agency. Sa taong ito, nag-enrol kame ng ex ko sa same na Review center. Nag-take kame October 2013. At failed pareho. Alam ko sa sarili ko sobrang labo kong makapasa, sabog ang utak, ni hindi ako makasabay sa flow ng discussions. Naghanap na lang muna ang ex ko ng work nya pero #CPAgoals pa din kame. Getting stronger. Haha.
2015 - naging regular na ko sa isang government agency. Sa taong ito, napagdesisyunan kong mag-take na naman. Nag-double review ako. Natakot kasi ako mag-exam agad agad. Sa pangalawang review ko, nakasabay ko na naman ang ex ko. Same school, same schedule. Nakaka-inspire pag ganun. Kasi weekdays busy kame sa work tapos weekends lang kame nagkakasama.
2016 - sabay kami nag-exam noong May 2016. Sabay din kaming bumagsak. Hindi namin alam kung paano ichecheer up ang isa't isa. Ganun pala un, hindi mo na alam ang next plan mo. Sobrang down kasi pang twice na failed na.
No choice kame. Kailangan namin mag-take ng refresher course, this time napapadalas ang misunderstanding namin. Stress at pagod sa lahat ng aspeto. Ni maliit na bagay, pinag-aawayan namin. 6 years na kame sa taong yan. Madami na kame pinagsamahan pero dumating sa puntong napagod na. Sumuko na sya. Hindi na sya tumuloy mag-take noong October 2016, simula ng August hindi na din siya pumapasok sa review . Um-attend lang sya pag preboard exam para sa certificate.
Dumating sa puntong mag-isa na lang ako. Bumagsak ang mundo ko. Corny na kung corny pero ngayon ko lang naramdaman to. Haha. Sagad hanggang buto ang sakit. Ni hindi ko alam kung itutuloy ko pa mag-exam. At the same time, saktong 1 month lang ang leave ko kasama na ang weeks during exam. Tumuloy ako, sumugal ako. Dinaan ko sa dasal. Panay basa ko sa page nato ng mga inspiring story, umiiyak na lang ako kahit nasa review. Kahit san abutan ng pain. Hindi ko alam kung paano ako makaka-focus. At dumating ang araw ng exam, lutang ako. Sabi ko na lang kung para saken to, para saken to. Bahala na si God. After ng exam, hindi na ako umaasa pa. Nagsisisi ako bakit hindi ko nilaan sa review ang ilang araw kinaka-broken ko.
At ng dumating ang result ng exam, wala akong ginawa kundi umiyak, wala ang name ko. Naisip ko yung family ko, para kasi sa kanila sana un. Dapat ginawa ko best ko. Pa-give up na ako that time hanggang sa naging available na sa PRC website ang individual results. Nung pagka-check ko ng akin, napaiyak ako. Napadasal at nabuhayan. CONDITIONAL pala ako. Sabi ko na lang binibigyan pa ko ng pagkakataon ni Lord. Wag muna akong sumuko.
Si ex, naging okay kame ulit. Nakalimutan ko yung pinagdaanan ko nung naghiwalay kame. Ganun talaga pag mahal mo. Basta andyan na sya. Masaya na ako.
2017 - sabay kame ni ex mag-eexam noong MAY 2017, kabado pa din ako. Ang dami kong what ifs. Baka ibagsak ko na lahat. Nakakatakot. Pero sabi ko na lang ulit, kung para saken to para saken, sobrang stress ako sa law, alam ko tagilid ako. Hanggang lumabas na ang result, si ex pa ang unang tumawag sa akin. Finally binigay na ni Lord. Parte ako ng Batch CPA 2017 passer. Pero nakakalungkot na part, hindi na naman nakapasa si ex. Mixed emotions that day, ang sakit at ang saya. Nag-iyakan kami ng family ko. Sa wakas nakuha ko din. Laking pasasalamat ko kay God. Sabi ko para saken na talaga to. Wala sa tagal kung pangarap mo talaga. Walang excuse kahit working ka pa. Wag mo sukuan. Pusuan mo. At higit sa lahat ilaan mo sa taong nagmamahal sayo ang pangarap mo -- ang pamilya mo
PS. Bakit ex tawag ko sa kanya kung naging okay na kame? Naghiwalay kasi kami ulit last June, bago ang oathtaking ko. Sabi ko #cpagoals kame kaso nawala na naman sya, ni #relationship goals wala na din. May mga bagay talaga na hindi na naten maibabalik pa sa dati. Kung mababasa man niya to, sana malaman niya na hanggang ngayon, gusto ko pa din sya, ay este matupad kahit ung #cpagoals namin. Hehe.
At para sa kanya, thank you sa ilang taong pag-inspire sa akin. You will always be a part of me.
Nagmahal, Nasaktan, Naging CPA.
#keepgoing
Posted