• paul of Others

    May 2016 nang makagraduate ako, nung October 2016 kaagad when I first tried my luck for the CPA board exam. Sobrang hirap pala. Nabigla ako nung review ang daming di nacover na topics nung undergrad so kailangan talaga mag-effort ng todo. 1st pre board, bagsak kaya doble ang kaba na nararamdaman ko halos di na ako makatulog, nakailang kape ako kahit na bawal sakin pero ginagawa ko para lang sa pangarap ko.

    October 2016, after ng exam sobrang bigat ng pakiramdam ko alam ko na madami akong hindi alam, madami akong hindi sigurado pero di naman masamang magwish kay Lord na makalusot diba? The day of the results came, wala ang pangalan ko. Sobrang sakit. Yung family ko ramdam ko yung disappointment nila kahit na sinasabi nila sakin na okay lang yan, "hanggat may puno, may papel, kaya may board exam pa." Sabi nila sakin mag-work na lang daw ako. So kunwari nag-apply ako pero sa totoo lang hindi talaga kasi gusto ko pang mag-try pa ng isa. Lumapit ako sa papa ko para makahingi ng pera bukod sa allowance na binibigay nya sakin para may pang-enroll ako sa review. Nung naka-enroll na ko, mas sinagad ko yung effort ko para makapasa na kaya naging okay yung flow ng review, naging mas magaan na, di kagaya nung 1st review ko.

    May 2017 CPALE: wala nanaman yung name ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko, yung mga kaibigan ko pumasa, yung boyfriend ko pumasa. Sobrang nanliit ako sa sarili ko. Buong araw ako nagkulong sa kwarto, hindi ako lumabas. Iyak lang ako ng iyak, sabi ko "Lord hindi po ba para sakin to? Pero gusto ko po talaga maging CPA e." Dumating pa nga yung time na ayaw ko ng magpakita sa mga relatives ko kasi nahihiya nako. Nagalit pa sakin si papa kasi sabi niya hanggang ilang beses daw ba ko magtetake para makapasa. After nun hindi na niya ko kinakausap at pinutol niya yung allowance na binibigay niya sakin monthly. After ng ilang days, Thursday yun bago ako pumunta ng PRC, dumaan ako kay St. Jude at nagdasal sinabing di ko alam ang next move na gagawin ko kayo na po ang bahala. Bigyan niyo po ako ng sign na itutuloy ko pa ang laban. Pagkakuha ko ng grades sa PRC, nakita ko na conditional ako. Di ko napigilan na hindi maiyak sa harap nung nagbibigay ng grades, mixed emotions. Di ko alam kung ano ang irereact ko kasi 64 ako sa tax sabi ko "grabe 1 point nalang sana CPA na ko" pero in the end wala akong ibang nasabi na Lord thank you sa isa pang chance na binigay mo.

    October 2017 CPALE, sabi ko sa sarili ko eto na talaga to. It's now or never. Kaso after ng exam sa tax nagulat ako, sobrang hirap ng exam pakiramdam ko nawala lahat ng inaral ko. Sabi ko, "bakit naman ganun ang exam" "bakit ba kasi nagtake ako agad" "bakit ba kasi di pa ko nakapasa nung May" nagsimula nanaman akong mag doubt sa sarili ko na umabot sa point na nakalimutan ko na we should give all our worries to the Lord. Araw araw wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal nang magdasal, kinukulit ko talaga si Lord na sana this time makita ko na ang name ko, na kahit na nahirapan ako alam kong walang imposible sa Kanya. Sabi ko pa Lord kung di talaga ako pasado kaya Niyo naman po isingit yung name ko diba, pero kung di pa din po talaga sana po matanggap ko agad.

    Nov 2, 2017 when I finally saw my name and the rest is history.

    PS: Pag naalala ko talaga na nakapasa na ko naiiyak ako. Sabi ko pa siguro kung nakapasa na ko nung May, hindi ako matututong mag-isa at hindi ko makikilala yung mga taong nakilala ko during review at hindi kami magiging close :)

    Lesson learned: Always trust in Him kung bakit hindi pa niya binigay sayo yung title na yan sa ngayon. Minsan tintetest lang din tayo ni Lord kung gaano ba natin kagusto ang isang bagay. May nabasa ako na once kasi na tinanim ni Lord yang pangarap na yan sa puso mo, ibibigay at ibibigay niya yan. Ang importante hindi ka sumuko :)

    KN, CPA 2017 ♥


    Posted