• paul of Others

    Parang nananaginip pa rin ako ngayon at di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Let me share you my story in timeline form.

    2010: Graduation sa high school. Tamad na tamad ako. Parang ayoko mag-college. Ung mga kasabayan ko nagte-take na ng mga college admission tests kung saan saan. Ako easy lang. Ni hindi ko nga iniisip kung anong course ang kukunin ko. Pero dahil nung panahon na un pasikat na ung Facebook at maraming nagcocomputer, IT ang naisip ko. Kaya nakalagay sa yearbook ko, "to become an IT Consultant." Sabi ng lolo ko mag-engineer ako. So nag-take ako sa TUP ng college admission test. Pero IT talaga gusto ko eh. Kaya hindi ko na inalam kung ano man result ko dun. 

    Kinausap ko si mommy. "Ma, gusto ko IT." Sabi nya, "IT ka jan? Mag Accountancy ka." Kasi daw ung anak ganito ganire mayaman na chuva chuva. Hayssss. So entrance exam na. Nagtake ako sa PLV (Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela). Napatagal ako sa pag fill-out ng 1st choice at 2nd choice ko. Di ko kasi alam kung susundin ko gusto ko o gusto ng nanay ko. Pero I ended up choosing Accountancy as my 1st choice. Sabi ko sa sarili ko, "shift na lang kung di kaya." Fast forward, pumasa ako at interview stage na. Di ko makalimutan ung sabi ng interviewer. Bat di daw ako mag BSED Major in English since ok daw ang communication skills ko at mababa kasi ang grade ko sa Math. Sabi ko (in english) passion ko ang numbers at gusto ko talaga Accountancy. Syempre charot lang yan. Nakalusot naman. Pasukan na.

    1st year: Petiks lang sa 1st sem. Wala pang major. Parang high school lang. Eto na si 2nd sem. BASIC ACCOUNTING. Dun ko napagtanto, sh*t ano ba tong napasok ko. HIRAP NA HIRAP AKO. Di ko sineryoso to. Naalala ko nag-cutting kami dito at pumunta sa TV5 studio para makita si Kuya Wil. Haha. Grade ko jan? Tres.

    2nd year: Dumadami na ang major. Everytime na nakakakita ako ng major sa Registration Card ko sumisikip puso ko. Haha. Dito ko lang nalaman ung meaning ng CPA at may board exam pala ang Accountancy. Kaya sh*t talaga maling mali to. Haha. Nakapasa naman ako dito (dahil sa kopya).

    3rd year: Hay ang tagal ng graduation. Bakit kasi eto pa kinuha ko eh pwede naman ung 4-year course lang. Pumasa ulit. Ung swertihang pagkabisado ko ng mga problem na un pala lalabas sa exam + hokage moves = pasang awang grades.

    4th year: Nagworking student ako sa Mcdo. At may nabagsak akong isang subject. Gusto ko na magshift kaso sabi ni mommy tuloy mo na yan nanjan ka na eh. So tuloy ang buhay. Mejo nag-aaral na ko dito sa stage na to.

    5th year: Moment of truth. Kelangan pasado lahat ng subject para gumraduate. Nag-aral na ko dito pero hirap ako di maganda foundation ko ng basic eh. Pero nakagraduate naman awa ng Diyos. Feeling ko di masyadong naghigpit sila Ma'am at Sir.

    2015: Graduation. Ayan na pinaguusapan na nila kung saan silang review center papasok. Ako wala, dedma. Di ako prepared eh. Trabaho na muna ko. Nag-work ako ng 1 year.

    2016: Sabi ng mommy ko "mag-take ka na anong balak mo?" Sabi ko cge try natin. So nag-enroll ako sa review school. Back to zero ako. Bukod sa di maganda foundation ko, tagal naburo ng utak ko. Di ba dapat review? Saken ang nangyari "first view."

    October 2016: My first attempt. Aba grabe hirap! Ung unang exam pa lang ayaw ka ng ipasa. Sabi ko wala na to. Formality na lang pag-take ko sa remaining exams. Nagdasal ako na sana magkahimala although alam ko sobrang labo talaga. Lumabas ang results. As expected wala pangalan ko. Di ako nasaktan. Syempre di naman ako umasa eh. Ung nag-verify ako ng grade nakita ko nakalagay CONDITIONED/REMOVAL. OMG! May utak pala ako kahit papaano. Pero napagod ako sa review. Pahinga muna then nag-work ako at sinabay ko ang review. This time mas naging motivated ako. At napadalas ang pagdadasal ko at lalong lumalim ang faith ko.

    October 2017: 1st subject, Tax. ANG HIRAP! Pag-uwi ko sa bahay nagkulong ako sa kwarto sabay iyak. Binalikan ko ung ibang topics. Putek puro mali! Iyak ulit. Nawalan na ko ng pag-asa. Sabi ko sa mommy ko parang dehado na naman ako. Sabi nya, "Gaga! Wala ka kasing tiwala sa sarili mo. Mag-novena ka kay Padre Pio." Second subject: AFAR. Answerable siya compared sa tax. Nabuhayan ako. Kaya tuloy ang laban!!! Nag-start na ko mag-novena. Sinuko ko na lahat kay Lord.

    Nov. 2, 2017: "May result na daw!" Grabe ang tibok ng puso ko. Nagdasal muna ko bago tignan ung results. "Lord, kahit ano man ang resulta tatanggapin ko. I'll still praise you and I'm thankful. Eto na... P... Q... R... S... SANTOS... NAKITA KO NAME KO! Ginising ko sila mommy. CPA NA KO!!! Nagdasal ako at nagpasalamat. Grabe ang iyak ko. Tears of joy. THANK YOU LORD! Ang sarap ng feeling! Sobrang worth it lahat ng effort, pagpupuyat at ung mga araw nakakalimutan kong maligo kakareview.

    Sa mga aspiring CPAs, unang una wag nyo kong tutularan. Hahaha. Patibayin ang foundation sa accounting. Para di ka masyadong mahirapan. At pinakaimportante, MAGDASAL. MAGTIWALA SA SARILI. KAYANG KAYA MO YAN.

    Sa naghahangad mag-Accountancy, hindi ito para sa matatalino. Para to sa malalakas ang loob, may pananampalataya, at tiwala sa sarili.

    Sa mga di pinalad, cheer up guys! Part to ng magiging success stories nyo someday. Success is sweeter kapag alam mong maraming struggles ang hinarap mo. Hugs to everyone!

    PS: Thanks sa ICPA. Nakatulog saken ang mga practice challenges at mock exams. Thanks Owly!

    Santos, CPA

    October 2017


    Posted