• paul of Others

    "Ayokong magboard exam, hindi naman ako papasa."

    "Makagraduate lang ako, okey na."

    "Sayang pera! Hindi naman ako magaling, kaya hindi na ako magtetake ng board exam."

    "After ko grumaduate, magtatrabaho nalang ako."

    Bago ko pinili ang course na BS Accountancy, wala sa isipan ko ang magtake ng board exam, never ko sinabi sa sarili ko na "Magiging CPA ako!."

    Ang gusto ko lang noon ay "Makagraduate lang ako ng BSA, okey na." First year college palang ang dami ko nang pinagdaanan, ang dami ko na rin naririnig na komento sa mga taong napakanegatibong mag-isip. Gaya nalang ng "Hay! Hindi yan makakagraduate, BSA ba naman ang kinuha." "Hanggang first year college lang yan, magastos ang course." "Ang hirap ng course mo, kakayanin mo kaya?" at marami pang iba na sobrang nagpabingi sakin habang nag-aaral ako. Pero dahil strong ako, hindi ako nagpaapekto, tuloy ang laban sa accounting. 

    Second year college, nahiwalay ako sa mga kaibigan ko nung first year college na sobrang nakatulong sakin para maipasa ko ang Accounting 1-4. (Alam niyo na.) Bago ako magsecond year college, takot na takot ako at kinakabahan dahil ang dami kong naririnig sa department namin na strikto at nagbabagsak daw yung FinAc Professor namin. Doon! Doon na nagstart yung pagiging nega ko na "What if, bumagsak ako?" "What if hindi ko kayanin?" "Magshift nalang kaya ako?" "Paano kung walang makipagkaibigan sakin na blockmates ko? San ako kokopya?" Hayaaan na! Di ko na kinaya ang stress sa 2nd year BSA life ko. Pero sabi ko nga kanina, strong ako! Natuto akong maging independent at nag-aral talaga ako nang mabuti dahil wala naman akong ibang maaasahan kundi ako lang. Hahahaha! Promise nagseryoso ako at thankful ako kasi hindi ako na-evict sa BSA course. Kahit na pabawas na pabawas na kaming mga BSA students noon from 5 blocks to 4 blocks nalang after second year. (Syempre nagshift na yung iba) . 

    Third year college, heto na nga ang nakakalungkot, new blockmates again Good news, kasama ko na ulit yung iba kong friends nung first year. Bad news, pinagsama-sama lahat ng magagaling sa iisang block based on grades nung last sem. Awwwww! Hindi naman sa dinadown ko yung sarili ko pero nakakatakot makipagsabayan sa mga magagaling, yung feeling na! Wow! Ang galing um-English pag recitation, jusko po! Ang ingay ng mga calculator pag exam! Hahahaha. (Ewan ko lang kung napapalabas nila yung sagot .) Ay heto pa! After exaaaaam! Nagcocompare ba naman sila ng mga sagot hanggang sa malaman ko na lang na mali ako kasi pare pareho sila ng sagot! Hahaha. 

    Kaya ayun! 3rd year college nagsimula ang pang MMK na drama ko. Sobrang iniyakan ko ang year na to! Bukod sa brokenhearted ako that time. Shems! Di ako pinatulog ng 70 ko na grade sa FinAc3 nung prelim!!!!!! Idagdag mo pa yung Feasib na puro rejections ang natatanggap ko dahil mali mali yung FS namin at sobrang sakit na sa bulsa dahil kaliwa't kanan ang gastos. All in one ang sakit bes! 

    Down na down ako that time. Humugot ako ng humugot sa Facebook dati hahaha parang end of the world na nga e. Hindi ako lumalabas ng boardinghouse, hindi ko na pinapansin mga boardmates ko. Kumakain ako mag-isa at nagkukulong hanggang sa napansin ko sa poem ko na dinadaan lahat ng feelings at hinanakit ko sa buhay hahaha. (Ewan ko lang may hidden talent pala ako sa poetry.) Dumating nga yung Midterm bes! Jusko po, bumawi naman ako kaso 76 ang grade ko!!!! (Averaging ang grading system ng school) Last chance ko na nga ang Finals. Hanggang sa medyo 50-50 na ako that time. 

    Kinausap ko na mga magulang ko about sa puwedeng mangyari sakin and that was my first time na nag-open ako sa magulang ko at umiyak about my studies. Syempre, inamin ko na baka bumagsak ako ngayong sem at kung ganun na nga ang mangyari magshishift nako ng BS Math. (Pumayag naman at suportado ako ni Mama, kaso lang si Papa hindi pa namin kinausap kasi nga mataas ang expectation niya sakin na kakayanin ko ang BSA course). Pero dahil sobrang bait ni Lord and God's grace is so amazing, saktong-sakto! Walang labis walang kulang! Tuloy ang laban! Sinakto ni Lord yung grade ko para maipagpatuloy ko pa yung BSA course. (MIRACLE!) 

    Fourth year college, So ayun nga dahil sakto lang ang grades ko hindi na ako napasama sa block ng mga magagaling (E ayoko rin naman nasa average lang kasi ako). FOURTH YEAR! GRAD WAITING! GRAND FINALS na bes! Dito na malalaman kung winner ka sa BSA na ilang taon mong pinaghirapan. Gaya nga ng sinabi ko nung una. Gagraduate lang ako, okey na. Trabaho na agad-agad! Excited na nga ako e. Hahaha sabi ko, pagkatapos ng graduation, tapos narin ako sa Accounting. Break na kami! Layuan na niya ako at ayoko ng aralin siya. Thank God! nakatapos naman ako ng pag-aaral sa college sa tamang oras. Oo aaminin ko, inconsistent ako nung undergrad. May time na focus ako sa pag-aaral, at mas marami yung time na Sige! WALANG TIME MAG-ARAL at WALANG PAKIALAM KUNG MAY NATUTUTUNAN BA SA ACCTG BASTA ANG GUSTO LANG MAKAPASA AT MAKAGRADUATE. Period! Aminado naman ako e. Kung ipepercentage ko yung natutunan ko sa 4 na taon ko nung undergrad, siguro 10% lang, baka nga sobra pa yan e hahaha. As in grabeee! Hindi ko alam pero napaisip ako after graduation at tinanong ko yung sarili ko "DESERVE KO BA TO?.

    After graduation, Beeeeees! Kinausap ako ni Mother and Father. Pinilit akong mag-take ng board exam. Nung una, ayoko talagaaaaaa! Kasi iniisip ko, babagsak lang naman ako, sayang lang pera ng parents ko at mas mabuti pang magtrabaho nalang ako nang makatulong sa kanila. Ayoko rin kasi, wala sa plano ko ang magtake ng board sa simula palang. Maram talaga akong plano after graduation, handang-handa na talaga ako e sa bagong chapter ng buhay ko. Planado na lahat! Nakalatag na, kulang nalang ang execution. Hahaha. 

    Pero dahil ayaw akong iwan at bitawan ni accounting (kahit na hate na hate ko siya, at sukang suka na talaga). Pinipilit pa rin akong binabalikan at ayaw mawala sa buhay ko. Hahahaha (Hugot e!). Syempre! Dahil sa masunurin akong anak at marunong makinig. Napa "Oo, sige na nga" na lang ako bigla kahit na wala akong assurance na maipapasa ko ang board exam (Ang lakas din ng loob ko e ). So ayun! Yung plano ko erase-erase! Hahaha biglang nabago.

    Ito na nga! Dahil required sa school namin na one year ang review. (Ang tagaaaal! Walang choice e.) Isang taon, na naman ako mag-aaral ng accounting, hahaha (Sapilitan!).

    I decided na gusto kong mag-review sa Manila (probinsyano kasi ako).

    First 6 months review, wala lang! Hahaha! Dating gawi, parang nung undergrad lang. Wala parin masyado natututunan. Gusto ko lang nun, sige review lang, kung pasado edi pasado. Kung bagsak edi bagsak. (Masunod lang yung gusto ng parents ko na magtake ako nung board exam.) Ewan ko ba :( Sobrang wala akong tiwala sa sarili ko. Pinapangunahan ko yung sarili ko na hindi ko kakayanin kaya, huwag nalang pagbutihan! Enjoy life na lang at bahala na si Batman (Sa first 6 mos review ko, never ako pumasa sa preboard exam). Hanggang sa ininvite ako ng isang kaibigan na umattend ng Sunday Service sa U-belt. Ayuuuun! Doon nagsimula lahat-lahat, marami akong nakilalang churchmates na nagpabago ng isipan ko, nagpabago sa buhay ko at pinakilala sakin si Lord na siyang nagplano nang lahat. (Reason why hindi natuloy yung plano ko kasi mas better yung plano niya para sakin.)

    Last 6 months of review, lumipat ako ng review school (RESA)! Bes! Doon ko binago ang lahat. Sinabi ko na sa sarili ko na "MAGIGING CPA AKO!" mas lalo akong motivated! Gutom na gutom mag-aral, nagseryoso, lumalaban. Yung tipong bahay ko na ang RESA, kulang nalang matulog ako doon e. Hahaha (Morning session ako, after class, kakain saglit sa dorm tapos babalik sa Resa at magreview hanggang 7 pm.) Lagi yan! Kahit weekend pumapasok ako ng RESA minsan, kasi gusto ko talaga mag-aral dun. Hahaha (Ewan ko ba?) Minsan, sa Mcdo kahit na cokefloat lang ang order. Grabe yung KAGUSTUHAN ko na maging CPA that time kahit na 6 mos na lang ang natitira sakin para pag-aralan lahat ng di ko pa alam. FOCUS ang kinailangan ko para maaral talaga lahat. Every Sunday rin ako umaattend ng sunday service for His Guidance. I'm so blessed dahil hindi ako pinabayaan ni Lord. Ramdam ko yung Love niya sakin at navivisualize ko talaga yung gusto niyang mangyari sakin in the near future and that is to become a "CPA". There was a time na magpray ako kay Lord na sana bigyan niya ako ng sign na kaya ko bang ipasa ang board exam. I prayed na pag pumasa ako sa preboard exam at makapasok ako sa Top 150, I know! Ayun yung magiging sign na kaya ko!

    After 1st preboard exam with RESA, God gave me the sign and I passed! And nasa Top 130+ ako. Amazing! God is listening to our prayers. Doon ko napatunayan na ALL THINGS ARE REALLY POSSIBLE TO GOD. Hanggang sa nagpatuloy na nga yung momentum ko sa pagrereview at natapos ang one year review ko.

    (Thank you narin sa mga RESA Reviewers na naging inspiration ko sa pagrereview. Sobrang galing! Ang dami kong natutunan sa kanila.)

    Actual Board exam, (MAY 2017) Bes! Hindi ako sure sa mga sagot ko sa iba. Hahahaha mahirap talaga siya e. Syempre iba talaga pag nagreview at nag-aral ng mabuti at pag kasama si Lord, kaya confident naman ako sa mga sagot ko sa iba. Iba rin talaga pag habang sumasagot ka, ramdam ko nasa tabi ko lang si Lord. Pag di ko na alam talaga, nagpepray nalang ako na Lord, hindi ko na alam yung sagot, sana tama tong isasagot ko at ikaw na bahala. (Hindi na si Batman ang bahala, si Lord naaaa). I also prayed before exam na "Lord, ipaalala mo sana sakin lahat ng rineview ko, lumabas po sana lahat ng rineview ko sa actual board exam, gabayan mo po ako at ituro sakin ang tamang solusyon sa bawat problems."

    Result of CPA Board Exam, I saw my name on the lists of CPALE Passers. Wala akong ibang sinabi kundi "THANK YOU LORD!" at napatalon ako nang sobra sobra sa sobrang saya. Heto nga yung plano sakin ni Lord, ang maging CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT with an average passing rate of 75.16%. Yes! SAKTO! Napaiyak ako nung nakita ko yung rate ko nung board exam, at nasabi ko na "KAHIT HINDI KO DESERVE TO, BINIGAY PARIN SAKIN NI LORD DAHIL ITO YUNG PLANO NIYA PARA SAKIN". His GRACE changes everything! All we need is to TRUST HIM and Let Him be the controller of your life.

    To all OCTOBER Examinees! God bless you and Keep the FAITH.

    ---yev, CPA


    Posted